Ano’ng bago?

Positivity sapian mo ako!!!! Dahil hindi ako maubusan ng mga panghihinayang at frustrations sa buhay sa araw-araw na ginawa ni Bro, sisimulan ko na ngayong pahalagahan at bigyang pansin ang lahat ng bagong dumadating, maliit man, may sense o medyo may sense lang, mababaw o simple man, buong puso kong iwewelcome sa star-ful kong life.

Para ito sa mga friends, past, present, future, imaginary man o half-tao lang, ito ang paraan ko ng pagbabahagi ng tsismis bago, mga bagay-bagay, at kung anu-ano pa sa aking buhay, na sa halip na isikreto ko pa, ishe-share ko na lang SA IYO para masaya at para maisip mong I care for you this much na kahit hindi ka pa nagtatanong ng kamusta at wazzup ay kusang-loob na akong magbibigay ng update at flash news sa aking life para lang sa iyo. Ma-touched ka.