AB #1 pusa at leggings

ANG LEGGINGS NA WALANG KASING TIGHT at ANG SINAPIANG PUSANG KEYCHAIN

–dahil napapadalas ang sobrang paglamig ngayon, ibinili kaming dalawa ng ate ko ng nanay ko ng tig-isang leggings.  Leggings na sa sobrang sikip ay sadyang kumakapit at nagiistick sa balat.  Talaga namang walang sinabi ang lamig ng hangin.  Susuutin ko iyon ng madalas dahil baka sakaling matunaw ang fats ko sa stress at pressure ng leggings na iyon.

–wala akong masabi sa pusang baliw na parang lasing na parang bading na tunog bruha.  Tumatawang keychain pero parang hindi.  Binili ng nanay ko sa halagang $1.99, discounted price pa daw ‘yun.  Kung converted sa php ang price nun, hindi ako gagastos ng halos P100 para dun.  Kayang kaya naman gawin ng ate ko ang tawa ng pusang ‘yon, mas magaling pa.  Next time ‘pag nagkita kami, ivivideo ko ang ate ko.

—>>> ang nagkukunwaring pusa