AB # 4 Go team!!! at ang snow?
GO TEAM!!!!!!!!

Nakaka-enjoy pala ang print shop, try mo. Isa na akong artist, yeah.
Malakas ang hinala ko, may tama din ang bago kong boss. Take note: siya pa ang mismong naglagay ng amazing pin na iyan sa apron ko, sabay sabing, do you want to be on my team? Sa ngayon, hindi ko ma-classify kung anong klaseng baliw siya, kung kauri ko ba o mas malala. Para saan naman kaya ang pauso niyang ito? Hinuhulaan kong napukaw lang nito ang atensyon niya habang nagmo-malling siya, biglang *ting* idea, mukhang bagay ito sa TEAM ko (kami ‘yun). Ale, pabili ng madami NETO, MADAMING-MADAMI !!!!! BWAHAHAHAHA. Alang-alang sa kanya, binuo namin ng ate ko ang Go!!!! Team cheer. At ngayon, nafifeel ko na ang Team SPIRIT Spirit team o spirit lang ‘yun ng boss ko? P.S. habang tinatype ko ang last sentence ko, napaisip ako sa tamang ispeling ng s-p-i-r-i-t, tama ba? Di bale, mahina naman talaga ako sa ingles, bawal magjudge, hmp.
SNOW, nandyan ka pala? Wazz’up?

sikreto lang natin sa tatay ko na naipost ko ang picture niya dito, magsumbong, kukurutin ko sa talukap ng mata, deal?
Sa wakas, naprove ko na sa sarili kong nasa amerika na ako. Bumagsak din ang snow sa unknown place na ito. Kahit na alam kong matagal pa bago muling maulit ang snow-snowan dito, hindi ako nagphotoshoot. Tinatamad kasi ako ng araw na iyon at ayoko nang ipagyabang na nakakita na ako ng snow, ayoko talaga, masikreto akong tao sa totoo lang. Pero medyo mahiyain ang napadpad na snow dito. Madaling matunaw, selfish biyatch. Mas mukha pang snow ‘yung printshop brush effect ko. Kaya ikaw na ang bahala kung naniniwala kang nakakita na ako ng snow o sadyang mahilig lang talaga akong magkaskas ng styro sabay saboy sa Earth. *tsing*