AB # 6 Twit-twit Twit-twit
Hindi naman masyadong halata na isa akong tambay at pakawala sa world wide web kaya napasali na din ako sa twitter. Siguro dahil na rin sa inggit, pero matagal ko na kasing iniisip kung ano ang meron talaga sa twitter. At ang masasabi ko lang:
- perfect place para mang-istalk
- madaming artista lalo na sa hollywood kaya maraming-maraming chika
- puro english ang status nila kaya nahihiya akong magtagalog kaya english kung english (next time kapag di ko na kinaya at dinugo na talaga ako, coconyo na ako eventually)
- walang smiley ‘di kagaya sa plurk. kaya kulang sa emosyon, walang pangpa-cool. it’s all about the words man.
- walang karma points kaya walang excitement, walang feeling ng pagiging determined para maabot ang nirvana, hindi na kailangan ng fighting spirit at walang gigil factor bayaran ako ng plurk world
- ok din ang ilang features tulad ng privacy at custom layout
- masarap mang stalk nasabi ko na ba?, kahit subukan mong pigilan, mauuwi’t mauuwi ka sa ganun.
- mas cool ang format (timeline) ng plurk, hindi masakit sa mata, sa twitter kung sangkatutak ang chuchu mo (ang finafollow mo) at sadyang makati ka sa pagupdate ng status mo, halatang-halata ang kahabaan sa homepage. nakakapagod.
- maraming-maraming tao kaya kung extrovert ka talaga, ito’y para sa iyo.
- ‘di ko pa nahahalungkat talaga ang twitter kaya wala akong masyadong masabi na kapani-paniwala. Sa ngayon, makiki-twit-twit muna ako.
P.S. Private account ang akin as if naman may magsesearch sa akin, ipupublic ko kapag sikat na ako baligtad ata. Iiembed ko sana ang mga status ko doon dito sa blog kaso ayokong ikalat ang twit twit world ko Dang ang gulo ko
2nd P.S. Walang twitter si atom. O bakit. Gayunpaman, Next prospect sa listahan: search, click: follow.