AB # 7 BOOKWORM
Note: Kung napadpad ka dito sa blog ko at nakurta ang brain cells mo kakaisip kung ano ang silbi at katuturan ng 2 extrang page sa blog ko (Ano’ng bago, Star Ngayon) pwes kahit ako man ay naguguluhan sa kaibahan at purpose nila. Pero dahil nasimulan ko na, sino pa ba naman ako para itigil pa ang kabaliwang ito? Kaya sabay sabay tayong malito, ok?
Masasabi kong bookworm ako, bookworm paminsan-minsan. May mga panahong sobrang tinatamad akong magbuklat ng libro, minsan naman ay sobrang kating-kati akong makahiram o makabili ng bagong libro. Basta may isang libro akong natapos na nakapagpaligaya sa akin, siguradong-sigurado aligaga na ako sa susunod na librong kakalikutin ko. Minsan din takaw-tingin ako sa mga libro, kapag natuwa ako sa cover o sa excerpt ng istorya, kahit na kapos ako sa mga oras na nasilayan ko siya, gagawa at gagawa ako ng paraan maiuwi lang siya. Kaya minsan nagmumukhang tambakan ng libro ang bahay namin. Pero hindi ako full time na bookworm kaya kung makikipagkwentuhan ka sa akin tungkol sa mga may “sense” at infamous at well-recognized na libro, ‘wag ka nang magtangka dahil isa lamang akong nagpapanggap na bookworm. Pwera na lang kung ang librong pagkukwentuhan natin ay Sweet Valley Junior High o Madison Finn o Sisterhood of the Traveling Pants, game! P.S. Hindi ko na nabasa ang Sweet Valley Senior High, meron ka ba? pahiram?
Huling librong nabasa?
Ayoko ng nagrarank ng mga librong nababasa ko. Kadalasan kasi naaapektuhan ng emosyon ko o ng personal na kalagayan ko ng mga panahong iyon ang judgment na naibibigay ko, kaya madalas sablay ako sa pagpopromote ng mga libro. Kaunting libro lang naman ang natapos at nakadismaya sa akin. Kapag hindi ko na trip ang takbo ng istorya, hindi ko na talaga pinapatagal pa ang hinagpis ko, isinasara ko na agad ang libro sabay tago sa tambakan namin sa bahay. Kaya kapag natatapos ko ang isang libro, may bonus point na ‘yun sa akin, siguradong papasa sa panlasa KO.
The Spellman Files – Binili ko lang ito dahil 25% off (heaven na sa akin ang ganyang kababang discount) ang mga libro sa pinagtatrabahuhan ko at nagkataong siya lang ang read-able sa paningin ko. Puro pocketbook-ish ang dating nung ibang libro at hindi ko talaga keri si Danielle Steel at si James Patterson (pero maganda ang mga super love story books niya, na 3 lang ata) dahil nakicreepihan ako sa mundong kinukwento nila. At dahil nalulungkot at tinatamad ako, kailangan ko ng simpleng libro at dahil nakita kong funny daw ang librong ito, siya ang naging chosen one. At buti na lang tumama ang gut feeling ko (minsan lang mangyari) na worth it itong basahin. Hindi nasayang ang pera at panahon ko. Totoo na ito (ows): Sobrang nakakaentertain ang istorya at mga tao sa librong ito. Bebenta ang mga banat at kaabnormalan ng mga salita at kilos nila. Pero katulad ng paggawa ko ng movie review dito, alam kong mahihirapan akong gawan ito ng synopsis ng hindi ako nagtutunog conyo at retarded kaya kokopyahin ko na lang ang excerpt sa mismong back cover nito.
Meet Isabel “Izzy” Spellman, twenty-eight-year-old private investigator with relentlessly intrusive bosses (Mom and Dad), a chronically perfect lawyer brother (often under duress), an uncle who randomly disappears on benders (“Lost Weekends”), and a kid sister on her trail (hired by her parents to ascertain the identity of her new boyfriend). When Izzy snaps, the only way out of the family business is to solve an ice-cold missing persons case that leads to the disappearance of someone she loves…
Naisip ko lang bigla na kung nahihirapan na akong gumawa ng review at summary ng isang libro, malamang hinding-hindi talaga ako makakabuo ng sarili kong libro. Pero saka ko na poproblemahin ang mga ganyang bagay, sa ngayon basahin mo ito dahil matutuwa ka talaga. Kapag hindi ka natuwa, bumalik ka dito at i-ano mo ako (ikaw na ang bahala sa verb na gagamitin).
P.S. May part 2 at 3 na ang librong ito: The Curse of the Spellmans at The Revenge of the Spellmans. At ayon sa internet, nabili na ng Paramount Pictures ang rights ng The Spellman Files. May director at nasa planning stage na kaya mukhang hindi ako sasablay sa isang ito. Kaya kung ako sa iyo, itaya mo na ang kaunting panahon at atensyon mo sa mga pinagsasasabi ko kanina at sa librong ito. Note: Hindi siya x-rated na story at hindi rin siya wholesome-wholesome, sakto lang, gets?
Librong binabasa ngayon?
At dahil natuwa ako sa The Spellman Files, syempre naghanap agad ako ng librong mapagbabalingan ko ng atensyon (dahil hindi ako makahanap ng The Curse of the Spellmans, hindi makahanap=namamahalan ako sa nakita ko). Kaya nauwi ako sa librong ito, Dateable, Are you? Are they?. Nakakailang chapter pa lang ako, pero naaaliw na ako. Totoo. Andami kong narerealize at naiisip. Tinatamaan ako sa mga sinasabi niya, bilang isang babae, dahil oo ganun nga ka-engot ang mga tulad ko. Although, no to dates talaga ako, malaking tulong na din ang mga salita niya sa mga prinsipyo at paniniwala ko sa buhay. Ikukwento ko na lang uli ang librong ito kapag natapos ko na siyang basahin. Note: Hindi siya para sa mga taong nasa bingit na ng pagpapakasal at pagpapaka-stable sa buhay. Huwag mo ng subukan pang basahin ito kung nasa stage ka na talaga ng paglagay sa tahimik, (30-ish and up), dahil baka umurong ka at muling magpaka-pakawala. Pero for fun’s sake,sige i-try mo na din, maraming marami kang matutunan at marerealize bilang isang babae o bilang isang lalaki sa librong ito, pramis.