AB # 8 Cupid and my one true (latest) love
CUPID — Bagong comedy series na nakaka-apat na episode pa lang dito kaya malamang malayo-layo pa ang mararating nito bago makadayo sa Pinas. Pero sa isang taong tulad ko na ang tanging kinaaadikang palabas ay Grey’s Anatomy at Gossip Girl at hindi naniniwala sa mushy-mushy cheesy-chessy ewness love sa totoong buhay, ito ay kakaiba (para sa akin), simple, light, nakaka-entertain, nakakakilig, nakakaaliw, nakaka-aaaaahhh, ang sweet. Pero hindi pa ako lalanggamin in the near future, sa ngayon, magpapagayuma muna ako isang oras bawat linggo, sa bawat episode ng Cupid.
MY ONE TRUE (LATEST) LOVE
= Kris Allen. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip = + Danny Gokey. Ang boses at musicality nila = heaven para sa akin. Hindi man sila ang pakakasalan ko balang araw (dahil sigurado ako, mamamatay at malilimutan ko din ang pagmamahal ko sa kanila pagkatapos ng ilang taon), sa ngayon, kaya kong tapusin ang araw ko sa pakikinig ng kanta nila o sa pagkanta ng kanta nila (hanggang sa duguin sa pagkarindi ang ate ko).
Note: Hindi mahalaga ang video presentation dahil mas nakakainlove siya sa BOSES. Nang marinig ko ang kantang ‘yan, nadesisyonan ko nang ‘yan ang wedding song ko. Kaya sa papakasalan ko balang araw, aralin mo na ang kantang ‘yan O arkilahin mo si Kris Allen para sa akin O si Kris Allen na lang kaya ang pakasalan ko (dahil diyan, baka hindi na umattend sa kasal ko ang ate ko dahil sa bitterness).
Pagkatapos ko laging pakinggan si Kris Allen, sabay play sa playlist ko ng kantang ito, nagigising ako sa katotohanan at nalilito ako dahil kay Danny Gokey. Magaling din siya at nakakahumaling, totoo. Ito ba ang tinatawag nilang two-timing? Ito na nga ata.