SN #1 Broken Heart Syndrome
BROKEN HEART SYNDROME
Medical term: Stress Cardiomyopathy
Dahilan: emotional o physical stress tulad ng sobrang lungkot, depression, pagkatuwa, excitement, pagkagulat, atbp.
Symptoms: chest pain, breathing problems, low blood pressure, congestive heart failure
Ano ang kaibahan nito sa heart attack?
– Walang pamumuo ng dugo o baradong arteries at hindi nadadamage o nasisira ang anumang heart cells hindi tulad ng kaso ng atake sa puso. Mabilis naman ang recovery at paggaling ng mga nagkakaroon ng ganitong sakit. Base sa ilang research, karamihan sa naaapektuhan ng ganitong sakit ay wala namang history ng anumang heart failure o operation. Karamihan din ay mga kababaihan na nasa post-menopausal stage. Posible ding magkaroon ng ganitong sakit ang mga babaeng nasa 20’s pataas o ang mga lalaki . Hanggang ngayon ay patuloy pa din ang lubusang pag-aaral sa bagong tuklas na sakit na ito upang mas mabigyang linaw kung ano ang epekto, sino ang probable na magkaroon nito, paano nagsisimula ang sakit na ito at kung paano ito maiiwasan o magagamot.
source: www.hopkinsmedicine.org
***nagkaroon kaya ako nito ng hindi ko nalalaman? ouch.