SN # 4 Review: Push; Knowing

Nagmumukhang movie review page na lang ang section ng blog kong ito, pero ayos lang.  Kahit nahihirapan akong gumawa ng review dahil hindi naman talaga ako movie fanatic, isa lang akong subjective na tagapanood, go pa din.  At mahirap talagang gumawa ng review sa Filipino, sobra.  Shut up me.  Simulan na ang dapat simulan.

Push 6.5  out of 10

Chris Evans, Dakota Fanning, Camilla Belle

Tandang-tanda ko kung kailan ko unang napanood ang trailer ng pelikulang ito, (nang manood kami ng ate ko ng pinagkakaguluhan at kinababaliwan ng mga kababaihan noon na Twilight).  Ang reaksyon ko: hindi sa uy, mukhang ok yang movie na yan ah maaksyon o naku maganda yan, kasama si Dakota lalong hinding shocks!!! si the torch yan ah! Papanoorin ko yan kundi ay ate! yan yung kinukwento ko sa’yong ex ni Robert Pattinson, si Camilla Belle.  Pagkatapos nun, nakalimutan ko na ang kahit anong ala-ala ng trailer na ‘yun.

Pero isang araw, unexpected dalaw ang ginawa namin sa sinehan at nauwi kami sa Push na hindi ko alam na ‘yun pala yung Push.  Nagdalawang isip ako sa 6.5 na hatol ko sa pelikulang ito usapang career sa blog dito sa mapagkunwari kong blog.  Nang mapanood ko ang trailer nito, walang expectation mula sa akin at lalong hindi ako na-excite sa istorya nito.  Sa dinami-dami ba naman kasi ng mga pelikulang may superpowers ek ek, nakakasawa na.  Sa simula, ok ang takbo ng istorya.  Ok-ok na din ang concept  tulad ng classification ng mga special creatures kasama ang mga bida.  Watchers (nakakakita ng future), Movers (telekinetic), Pushers (kayang magpush ng thoughts sa mind ng iba), Sniffers (kaya niyang malocate ang isang tao o malaman ang anything tungkol dun by sniffing), Shifters (parang magician, kaya niyang i-change o itransform ang isang bagay to something different pero temporary lang), etc.  Naappreciate ko siguro ang movie kung hindi ko napanood ang ending.  At lalo kong narealize na malabo pala yung sense ng movie nang ikwento ko sa ate ko ang buong pelikula.  At sa bawat tanong niya, napapatanong din ako na oo nga noh, ewan ko.   Siguro nga masyado nang madaming superhero at sci-fi movies na sobrang lalim at tatag ng plot ng istorya kaya nasabi kong low class ang execution ng Push.

Bilang pangbawi, ok naman ang idea ng bida (Chris Evans) para matakasan ang mga kalaban at makasurvive silang lahat.  ‘Yun ang medyo nakacontribute sa pagka-unexpected ng mga scenes.  Pero kulang pa din ang over-all quality ng movie.  At hanggang ngayon, hindi ko pa din maexplain sa tatay ko kung bakit Push ang title.  Ewan ko lang.


Knowing 8.5 out of 10

Nicolas Cage


Nakakadisturb kung magkakatotoo ang pelikulang ito.  Ayos ang special effects except dun sa bandang huli na nareveal na kung sino man ‘yung unknown blondie na sunud ng sunod kay Caleb (anak ni John played by Cage) at umeksena ‘yung sasakyan nila (mali ata yung term ng sasakyan, basta something na mode of transpo nila).  Maganda din yung idea nung weirdo na bata na nagsulat nung prophecy through series of numbers na ibinaon sa time capsule na inopen 50 years after ng another group ng elementary kids.  Cool niya.  Gusto ko din ang ending.  May ilang questions lang sigurong gugulo sa utak mo tulad ng nangyari sa amin.  Pero convincing naman ang takbo ng istorya at ang lesson na nais nilang iparating sa pangkalahatan.  Overall, entertaining at may sense ang pelikulang ito.  Tapos kapag nagkita tayo, iaaction na natin ‘yung sign language ni Caleb at John, para cool!