Review: GRAN TORINO

TATAY KO:  O, ano, Slumdog Millionaire ba ang gusto mo?

AKO:  Eehh, nakwento na ni ate ‘yun e, ok na ako dun.  Dadating din ‘yun sa DVD.

T:  E, ano na lang? Gran Torino?

A:  O sige! gusto ko ‘yon.  At least pwede kong ipagyabang na napanood ko ang Gran Torino, sikat kaya yon!

T:  Talagang history ‘yan.  Masasabi mong nawitness mo ang last great movie ng legendary na si Clint Eastwood.

ATE KO:  Bakit mamamatay na ba siya?

T:  E 78 yrs old na ‘yun e, malay mo.

*****

Dahil open-minded akong tao, at hindi gaanong kalaki ang tiwala ko sa sarili ko pagdating sa pag-appreciate ng mga pelikula, madalas akong humingi ng second opinion sa internet kahit na alam kong iba-iba naman talaga ang panlasa ng mga tao sa pag-appreciate ng beauty, mapa-pelikula man o hindi.

huwag husgahan ang palabas sa poster sa labas

huwag husgahan ang palabas sa poster sa labas ng sinehan

**

YAHOO CRITICS:  B

YAHOO USERS:  A

ROTTENTOMATOES.COM:  76%

ROLLINGSTONE.COM:  4 1/2 stars

EONLINE:  B

AT ANG MAPAGKUNWARING NILALANG NA MARUNONG MAGREVIEW NG MOVIE:  4 1/3 stars


Nakakamangha ang pelikulang ito.  Hindi man magaling na magaling na tipong dapat parangalan na best Hollywood film for 2009, maganda siya sa sense na hindi komplikado ang istorya at hindi masyadong pinaglaruan ang mga karakter .  Simple lang ang takbo ng bawat eksena, may tamang kiliti at kurot sa loob at labas ng katawan ng manonood.  Maganda ang musical scoring.  Hindi heavy drama at hindi din naman full packed action, hindi boring.  Hindi man engrande o makapigil hininga ang ending, masasabi kong hindi nasayang ang binayad ko ng tatay ko sa sinehan at irerekomenda ko pa din sa ibang maloloko kakilala ko na panoorin ito.  Ayoko nang ikwento dito kahit sa isang maiksing talata lang ang Gran Torino.  Una dahil mahirap palang gumawa ng review sa Filipino; pangalawa mas exciting kung surprise! ang kwento; ikatlo marami namang nagkalat na pirated dvd sa bangketa na baka mas fresh pa kesa sa kung kukwentuhan kita; at huli review-reviewhan lang naman ito kaya mag-effort ka na lang para sa sarili mong satisfaction.

2 thoughts on “Review: GRAN TORINO

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s