Sino ako? My name is *tut-tut*

Ilang beses ko nang narinig ang pangalan ng tatay ko sa tv.  Hindi dahil nanalo siya sa lotto o naging extra siya sa pelikula ni Brad Pitt, sadya lamang marami siyang katoto na nagkalat sa Pilipinas.  Nagkataon naman na halos lahat ata sila ay medyo naliligaw ng landas at sa kulungan nag-eenrol at nagququalify, syempre bukod ang tatay ko.  Masyado kasing simple ang pangalan ng tatay ko, isa na nga lang, simple at maiksi pa.  Buti na lang tatlo ang first name ko.

Kung tutuusin, ang unang pangalan ko ay hindi na bago sa pandinig ng paring nagbibinyag at nurse sa ospital.  Madami-dami din sa tipikal na anak na babae ng isang tradisyunal na pamilyang Pinoy ang nabiyayaan ng pangalang Maria.  Madami talaga kami.  Sa bahay pa lang namin, may apat na agad akong katulad sa first name.  Idagdag ko pa ang mga naging kaklase at kaibigan ko mula elementary hanggang college.  Ang dami dami talaga namin.

Hindi rin kakaiba ang ikalawang pangalan ko.  Iyon ang pinakagasgas at pinakagamit sa tatlong pangalan ko.  Ipinakilala ko ang sarili ko sa mundo, kaibigan at kaaway, as  *insert name here*.  Iyon ang pangalang binabanggit ko sa first day of school at ginagamit ko sa mga taong hindi ko masyadong kaclose.  Kahit na sa tingin ko ay masyadong tunog malandi, nakasanayan ko na din na idikit sa katauhan ko ang 5-letter word na ‘yon.  Sabi ng tatay ko, nagandahan daw kasi siya sa meaning ng pangalan ko, goddess of the moon.  Bukod pa dun nainspire na din daw siya sa isa sa mga paborito niyang singer noon.

Kung nalalandian ako sa second name ko, mas lalong itinatakwil ko ang ikatlong pangalan ko.  Masyadong stereotypical.  Isang simpleng pangalan ng mga kababaihan.  At kapangalan pa niya ang bulaklak na paborito ng mga nanliligaw.  Ang masakit pa dun, hindi man lang nanay ko o tatay ko o lolo ko o mga ate ko ang nag-suggest ng salitang ‘yon.  Ni wala ngang kaalam-alam ang pamilya ko na naisulat na ng nurse sa ospital ang kumikinang at malanding third name na ‘yon.  Ang asawa ng pinsan ko ang may pakana ng lahat, at ang personal reason niya, maganda daw pakinggan.  At dahil sa nakakatuwang pangyayaring ‘yon, nabigyan ng justice ang second name ko.  Mas lalong nagtunog at nahalatang inspired ang pangalan ko sa favorite singer ng tatay ko noon.  Dun pa lang, di ko na maatim na napabilang ako sa populasyong sinuwerteng napangalanang ****.

Hindi naman ako laging galit sa mundo.  Paminsan-minsan napagkakatuwaan ko din ang pangalan naming magkakapatid.  Bukod sa pare-pareho kami ng first name, pare-pareho kami ng first letter ng second name.  At ang nakakaaliw pa, kung kukunin ang first at second letter ng second names namin, da-de-di-do-du.  Hindi ko lang alam kung sa simula pa lang ay sinadya na ng tatay ko ang ganyang pattern pero para sa akin nakakatuwang paglaruan paminsan-minsan ang pangalan namin.  Kapag wala akong magawa, pinapahulaan ko sa mga nakikilala ko ang pangalan ng mga kapatid ko gamit ang pattern na ‘yan at kahit mga taong matagal ko ng kakilala, nalilito pa din sa pangalan naming lahat.  At as I expected, naaaliw ako sa paggana ng creativity ng utak ng mga kaibigan ko.  Bukod diyan, sinabi din ng tatay ko sa amin na binata pa lang siya, binalak na niya na gamitin ang letter D sa mga magiging future anak niya dahil nagsisimula din sa letter D ang last name niya.  Para daw magandang pakinggan ang initials, DD.  Parang tunog celebrity tulad ni Marilyn Monroe, atbp.  Kanina ko pa iniisip pero si Marilyn Monroe lang ang naisip ko.  Gayunpaman, pagbibigyan ko na ang ideya ng tatay ko.

Sa last name, masasabi kong pinalad kami na magandang pakinggan ang apelyido ng tatay ko.  Kahit na hindi ko na mabakas ang sinasabi ng tatay ko na lahing Chinese daw namin (kung cocompute-in ko, may 1/64 siguro akong Chinese blood, so kailangan kong makatagpo ng may 63/64 na dugong Chinese para magkaroon ako ng Chinese na anak *-* ), ok na din dahil sa tingin ko tunog pang-mayaman kaya bagay kapag yumaman na ako balang araw.  Sinuwerte din ako sa middle name ko, tunog Spanish at kakaiba.  Sa nickname naman na kinalakihan ko, ok-ok na din ako.  Hindi man gaanong ka-unique at kahit nabiktima din ako sa tipikal na batang Pinoy na inuulit ang pangalan, masasabi kong nadikit ko ang full identity ko sa pangalang ‘yon mula elementary hanggang mapadpad ako sa college.  Kahit tunog pambata, ‘yun ang naging sukatan kung gaano kami ka-tight ng mga tao sa paligid ko.  Kahit na alam kong madami akong ka-nickname, siguradong sigurado na lilingon ako kapag narinig ko ang pangalang ‘yon.

Ilang beses ko na ding inisip na sana may expiration date ang mga pangalan natin.  Kailangang irenew o maaaring ipacancel o pwedeng palitan ng bago kapag naexpire.  O di kaya pansamantala lang ang mga pangalang ibinibigay ng mga magulang natin hanggang sa magkaisip at magkamuwang na tayo para nasa ating mga kamay na ang desisyon sa sarili nating pangalang papangatawanan.  Marami na din akong naiisip.   Pero naisip ko din na karapatan at part na din ng role ng mga magulang ang mag-formulate at mag-imbento ng pangalan ng sarili nilang mga anak, kahit gaano pa ka-corny o ka-weird, sila ang nabigyan ng special power na ‘yon at wala na akong magagawa dun.  May mga paraan man ngayon na maaaring magpaganda ng mga pangit na first name o last name, ma-hassle man o magastos, alam kong posible ang kahit ano ngayon.  Pero kung tutuusin, marami na din naman akong napagdaanan bitbit ang pangalang mayron ako.   Marami na din akong nasabihan ng full name ko at nadikitan ko naman siguro ng magandang image ‘yon.  Naisulat ko na din sa mahahalagang forms at records ang napakahabang pangalan kong ‘yon.  Sa mga narinig at nakilala kong mga kaibigan, masasabi ko na din naman na kahit papaano ay maganda-ganda pa sa pandinig ang pangalan ko, kaya masaya na din ako sa kapalaran ko.  Gaganti na lang siguro ako balang araw sa mga magiging anak ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s