Review: The Wrestler

Mula ng iluwal ako ng nanay ko hanggang sa puntong ito, never, as in never akong nahilig o naakit ng art of wrestling.  Unang-una, naiingayan ako.  Tandang tanda ko pa nung umuwi kami sa Marinduque noon at dahil magdamag na kaming bumiyahe mula Cavite, sabik na sabik akong matulog sa loob ng barko.  Ang ganda pa ng upuang nakuha namin, katabi ng gigantic flatscreen tv dahil na rin siguro kami ang unang pasaherong dumating at nambulabog sa nagpapahinga pang kapitan.  Ang hindi ko alam, ang tv palang ‘yon ang magiging sagabal sa pagpapahinga ko.  Sino kayang nakakaaliw na staff ng barko na ‘yun ang nakaisip na wrestling ang ipalabas sa halos ilang oras ding pagpalaot namin sa karagatan?  Feeling ko nga binangungot ako sa pagtulog ko with the background music na dagundong ng wrestling.  Ikalawa, hindi siya nakakaentertain.  Ikatlo, walang mabuting naidudulot sa akin at sa buong mundo.  Ikaapat, wrestling=majority of male population at dahil anti ako sa kahit anong social norm tulad na lang ng thinking na may kalamangan ang mga lalaki sa mga babae sa ilang aspeto, ang tanging papel ko na lang ay makipagdebate sa mga kaibigan kong fanatic.

official movie poster

mukhang pang-scary movie ang dating.

Hindi man ako mahilig sa sine, ipinanganak akong may tatay na halos mundo na niya ang panonood ng mga pelikula basta’t may pagkakataon.  Isa sa mga panimulang balak niya ngayong taon ay panoorin at masaksihan ang lahat ng controversial at much-awarded na mga pelikula ngayon.  At dahil napanood na niya ang Benjamin Button, Revolutionary Road, Gran Torino, Slumdog Millonaire, The Reader, ang huling naiwan na choice para sa amin nung araw na ‘yon ay ang THE WRESTLER.  Matagal ko na ding nabalitaan ang pelikulang ‘yon.  Bukod sa hindi ko kilala ang bida na si Mickey Rourke, title pa lang, ang sakit na sa pandinig ko.  Nang manalo bilang Best Actor si Rourke sa Golden Globes, isang malaking HUH sa amin ng ate ko.  At dahil sabi naman ng tatay ko na isa namang beteranong artista na si Rourke at bilang tiwala na din sa desisyon ng Golden Globes, hindi na ako nagpaka-‘objection-your-honor’ habang bumibili ng tiket ang tatay ko.  Baka sakaling maganda ang takbo ng pelikulang ito saka nakalibre naman ako sa tatay ko.  At bilang panata ko sa pagsubok sa mga bago at kakaibang experience upang lumawak ang pagtingin ko sa mundo at may maikwento ako sa mga fans ko tulad ng aso namin, pagbibigyan kong aliwin ako for once ng no less than the art of wrestling.

Sa kalahatan, maganda ang The Wrestler.  Simple ang kwento.  Parang Pinoy indie film ang cinematography, ‘yung tipong parang personal videocam lang ang ginamit.  Nagmukhang napakapersonal at makatotohanan ang dating.  Ok ang konsepto ng istorya.  Parang tipikal na kwento na maririnig mo sa tsismisan o mapapanood sa Maalala mo Kaya.  Dramatic ang flow ng mga eksena.  Pakiramdam ko tuloy, nakakahanga at nakakabilib ang tulad nila.  Mantakin mo, all-out ang suporta at pag-appreciate nila sa isa’t isa.  Marunong silang tumingala at rumespeto sa mga mas bihasa at mas beterano sa kanila.  Lahat sila, professional.  Nandun ang passion at determination nila sa trabaho nila.  Nasaksihan ko ang tunay na mundo nila.  Mukhang masaya na mahirap.  Masaya dahil kumikita sila at sumisikat at nakikilala ng lahat at mukhang naeenjoy naman nila ang pagpeperform at pagpapasaya sa maraming tao.  Mahirap dahil halos naisusuko at naisasantabi na nila ang ibang aspeto ng buhay nila na hindi bahagi ng mundo at takbo ng propesyon nila.  Dahil dun, hindi basta-basta at mahirap sa kanila ang muling pag-abot at paghaplos sa mga bagay na iniwanan at pinabayaan nila at pagsusumiksik sa tunay na mundo, sa realidad ng buhay kapag dumating na ang puntong patapos na ang buong palabas ng buhay na pinili nila sa simula.  At hindi rin ganung kadali para sa kanila ang iwan ang mundong sila ang bida, buhay na nakasanayan na nila, mundong tumanggap sa kanila ng buong-buo, kahit pa abot tanaw na nila ang takipsilim sa mundong ‘yon.

Magaling din ang pagganap ni Rourke bilang si Ram, ang bida sa kwento.  At madali din makarelate sa character na ipinakita niya.  Hindi ko naman pinagsisihan na panoorin ang pelikulang ito pero hanggang ngayon, naantig man ako sa tunay na napagdadaanan ng mga wrestlers, hindi ko pa din matanggap na kabilang sa form ang entertainment ang mundo nila.  In short, may kabuluhan ang The Wrestler, manood ka.

***** Hindi ko alam kung swerte man kami, pero pagdating sa isa sa highlight ng pelikula, nang atakihin si Ram (sorry, spoiler), biglang nag-seizure ang katabi ko sinehan.  Halos tumayo nga ang lahat ng tao at napatunayan ko kung gaano kabilis ang 911, akala talaga namin ay matutuluyan na.  Dahil dun hindi namin napanood ang halos 5 minuto ng pelikula pero dahil din dun nakatanggap kami ng re-admission ticket.  Hindi ko alam kung swerte nga ba pero masasabi kong hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ‘yun at ang the Wrestler.  Huwag lang sanang kupitin ng ate ko ang ticket na ‘yon.  Sayang din.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s