One day, Isang araw

Anong meron nung Feb 04, 2006?

a.  birthday ng kaibigan kong si Maan (HAPPY BIRTHDAY maan!)

b.  nagkasabay at nagkausap kami sa jeep ng crush ko

Crush: Para!

Driver: Lalalalala lalalala!

Crush: Para!!!!

Ako: (pasigaw) Manong, para daw.

Driver: Ah, ok.

Medyo three-way nga lang ang usapan namin.

c.  pilot episode ng season16 ng Daisy Siete

d.  nalimutan kong magsaing kaya bumili na lang kami ng Pancit Canton

e.  kinagat ako sa paa ng aso namin

Isa lang ang totoo diyan.  Pero hindi lang ‘yun ang meron sa February 4.

Ilang araw na lang ang nalalabi bago kami magpaalam sa beloved alma mater na kumupkop sa amin ng 4 na taon.  Ang sarap ng pakiramdam na pinaghirapan at pinagpuyatan namin ang bawat araw sa apat na taon na ‘yon at konting hinga na lang, magbubunga na ang lahat.  At syempre bago ipagkaloob sa amin ang inaasam-asam naming diploma, bilang exchange gift kailangang magbigay ang mga magulang namin ng grad fee.  At bilang bonus naman sa amin dahil sa perang ipinagkaloob ng mga nanay at tatay namin, mayron kaming graduation picture.  Tatlong shots ang bawat isa sa amin, iba-ibang anggulo para sulit ang bayad.  Feel ko naman ang araw na ‘yon, habang nag-aayos kami sa cr na may multo daw, February 4Paano kaya ako ngingiti? Magpoponytail ba ako o ayos nang nakalugay ang buhok ko? Hindi ata pantay ang eye shadow mo friend. Dumating ang chance ko.  Next.  Click.  O ganito naman.  Click.  O sa kabila naman.  Medyo ibaba mo.  Ayan.  Ok.  Click.  Nang mapasakamay ko ang grad pic na ‘yun, eto na ba ‘yun? Napailing na lang ako.  Kung pwede lang sabihin sa nanay ko na, Nay hindi na ako nagpakuha ng grad pic, maarte ‘yung bading, magpicture na lang tayo dito, tayo-tayo, ok ba? Kung huhusgahan ang grad pic ko, halatang haggard at stressed ang itsura.  Totoo naman.  Apat na taon ng high school life.  Punung-puno talaga ng stress, academic man o extra curricular o social life na dulot ng buhay high school.  Pero lahat ng panahong iyon, masarap balikan at ulitin.  Iba ang pakiramdam kapag high school ka pa lang, ‘yung feeling mo independent ka sa sense na pakikipag-socialize sa iba’t ibang klase ng tao hindi dahil anak siya ng kumare ng nanay mo o dahil kapitbahay mo siya, ‘yung feeling na corny na ang cartoons o kung anu mang kababawan ng mga nasa elementary, ‘yung feeling na dalaga ka na o binata ka na at wala nang magagawa ang magulang mo para hadlangan ang agos ng panahon.  Mas masaya pa lalo dahil hindi pa sakop ng realidad ng buhay ang mundong iyon.  Malayo pa sa takot na hindi ka makahabol at makasama sa graduation, sa pressure ng thesis o sa kaba ng paghahanap ng trabaho.  Balanced lang, kaya masaya.  Kaya sa tuwing nakikita ko ang graduation picture ko na naka-frame pa dahil na rin sa kagustuhan ng tatay ko, napapangiti pa din ako (background music ang tinig ni Sharon Cuneta highschool life, oh my highschool life, ay walang kasing saya….lalalalala).


******

Katulad ng mga nakaraaan kong kwento, maraming beses ko nang naipahiya ang sarili ko.  February 4 ang isa sa mga napili kong isama sa most embarrasing days ko.  Kahit na naranasan ko ng mahulog at gumulong mula sa mataas na hagdan, nasaktan pa din ako ng matipalok ako nang araw na iyon.  Mababa lang naman.  Buong akala ko na nasa huling step na kami ng hagdan.  Dahil may hinahanap kaming kaibigan, hindi ko na nagawang tingnan ang dinadaanan ko.  Sa kasamaang palad, may dalawang steps pa palang naghihintay sa kahihiyan ko.  Hindi ako naiyak kahit masakit.

May mga sari-sarili tayong bersyon ng kwento ng mga akala ko sa ating buhay.  Akala mo crush ka din nung crush mo pero hindi pala, sadyang malikot lang ang utak ko mo at friendly lang talaga siya.  Akala mo sa isang linggo pa ang birthday ng girlfriend mo pero kahapon pala kaya malamang nagtatampo siya.  Akala mo papasa ka dahil kumpleto naman ang attendance mo at nagpasa ka naman ng lahat ng assignments at projects at friends pa kayo sa friendster ng prof mo pero  hindi pala kasama ang lahat ng ‘yun sa icoconsider ng prof mo sa kahuli-hulihan.  Akala mo hindi uulan kaya sinadya mong iwan sa bahay ninyo ang payong mong kulay orange at may drawing ni Tweety bird.  Akala mo sa iyo siya nakatingin pero hindi, malikot lang talaga ang utak ko mo.  Akala mo ok tingnan sa iyo ang may malaking ribbon sa ulo dahil nakita mong nagpapalikahan ng ribbon ang ulo ng mga nasa tv.  Akala mo masasarapan ka sa focaccia bread dahil tunog pang-mayaman pero hindi pala mas masarap pa pala ang pandesal sa kanto nyo.  Walang masama sa mga pagkakataong ganyan.  May posibilidad din naman na totoo ang akala mo.  Baka totoo.  Baka nga.  Pero hindi katanggap-tanggap ang dahilan na akala mo kasi kaya wala ka nang nagawa pa para lamang iligtas ang sarili mo sa butas ng kahihiyan o sa hukay ng pagkakamali.  Mag-isip at huwag lang mag-akala.


******

Kahit ramdam na ramdam ko ang sakit sa kanang paa ko, normal pa din ang ginawa kong paglalakad.  Ngumiti sa mga nakasalubong naming kaibigan at nagpaalam sa ibang kaklase bago kami umalis.  Parang walang nangyari.  Panahon na kasi para asikasuhin ang isa sa mga final requirements namin bago ang graduation, ang research paper.  Kung ikukumpara sa ibang high school, mababaw lang ang topics na naisip at ginawa naming lahat.  Walang scientific experiments o inventions o kung ano mang malalim na ideya.  Mahaba-haba din naman ang prosesong pinagdaanan namin bago kami nakapili ng topic na pumasa sa English teacher namin.  Bago namin siya napa-oo, ilang beses niya kaming sinermunan at kinonsensya na dapat nakakaisip kami ng mga social issues o kahit anong may social relevance, ‘yung malalim at pinag-isipan.  Ang research paper namin, Gossips: Incessant Babbling (Causes, Growth and Effects).  Naisip namin na kung pipili kami ng isang topic na pag-aalayan namin ng panahon at effort, bakit hindi na lang sa isang bagay na may kinalaman sa hilig namin o ‘yung madali kaming makakarelate at hindi kami tatamarin.  At dahil kakaiba naman ang naisip namin at may koneksyon naman sa social setting na gusto ng teacher namin, pumayag na din siya.  Hinding-hindi ko makakalimutan ang panahong ginagawa namin ang research paper na ‘yun.  Mula sa pagdayo pa namin sa national library para lamang sa mga mas matanda pa sa aming newspaper clips, sa gulo sa mga personal naming buhay na umeksena sa paggawa namin ng research, sa masarap na ulam ng nanay ng ka-group namin na siyang bumubuhay sa mga utak at energy namin hanggang sa stressful at nakakapuyat na last night bago ang deadline.  Dahil hindi pinayagan ang iba sa amin sa overnight para mapagsasama at mafinalize ang ipapasa namin, ang naisip naming paraan, ym.  Isa lang ang gabing ‘yun ng high school life ko na sa couch ako nagpalipas ng magdamag at natulog ng kaunti habang naguupload ng file, buzz! ang isa sa groupmates, konting pikit, buzz! uli hanggang sa makapagsend na kami lahat ng file at nacompile na ang pinaghirapan namin sa isang tunay na research paper.  At last.  Deadline, habang bina-browse na lang namin ang bawat page bago ipasa sa teacher, isang nakakatuwang pagkakamali.  Sa lahat ng proof reading at editing at revisions na ginawa namin at sa dinami-dami ng beses na naiprint namin ang bawat pahina, nakalimutan ng mga stressed at pressured naming mga mata, ang pagbago sa page numbers sa upper right corner.  Gayunpaman, satisfied at masaya kami sa kinalabasan ng group effort namin at ayon sa isang kaibigan isa daw kami sa mga nabiyayaan ng kumikinang na grade (hindi namin nalaman ang final grade ng research paper hanggang sa muli naming pagdalaw sa school sa sumunod na school year, college na kami.  hindi ko nalaman ang tunay na grade namin hanggang ngayon, kaya nananatiling tsismis ang mataas daw na grade namin, isang totoong tsismis).  At proud akong nauna kami sa Gossip Girl, xoxo.


******

Habang nababaliw kami sa research paper, February 4, may natanggap kaming lahat na group text mula sa isang classmate.  Dahil usong-uso ang group message sa amin noon kahit wala ng sense o laugh trip lang, sanay na kaming makatanggap ng sangkatutak na text mula sa isa’t isa.  Tenten, tenten (cellphone ako), Flash news:  Wowowee ultra stampede, marami ang namatay at sugatan.  Pare-pareho ang reaksyon namin.  Joke ba ‘to? Si Arvin talaga.  Naku joke lang ‘yan. Pagbukas namin ng tv, mahabang intermission sa research paper namin ang nangyari.  Nakakagulat at hindi kapani-paniwala.  Kawawa naman sila.  71 ang namatay at marami ang sugatan.

Simula ng makarating ako dito sa Amerika, halos naging buhay ko  na ang TFC (tunog promotion, pero hindi).  At ang isa sa paborito naming panoorin, ang Wowowee.  Mahalaga sa amin kung sino ang mga guests o kung artista ba ang maglalaro sa hep hep hurray o kung sino-sino ang kasali sa Willie of Fortune.  At kadalasan, naaaliw talaga ako sa mga kwento ng mga buhay nila.  Jologs ko kung maririnig ako ng mga kaibigan ko pero kahit anong may kinalaman sa Pilipinas o kahit ano mang paraan na makapagbibigay koneksyon sa kulturang Pinoy, makakatulong sa lungkot at depression ng mga tulad kong nasa ibayong dagat.  Kahit corny, kahit paulit-ulit naming mapanood, hindi nakukumpleto ang araw ko kung hindi ako nakakarinig ng nagtatagalog sa tv.  At bonus pa sa akin kung maririnig ko ang ingay at saya sa Wowowee.  Paborito ko ang Papa Boogie.  Ikaw?

February 4.  Wala namang enggrandeng celebration o anu mang pagkilala sa araw na iyon o happy february 4 sa iyo (insert name here).  Hindi ko ‘yun inaalala hanggang gawin ko ang blog na ito. *-*

7 thoughts on “One day, Isang araw

  1. sang-ayon kaming dalawa ni leandro na para kang si bob ong magsulat..ayiee! favorite book na ni leandz ang blog mo..except hnd xa book..favorite blogsite..aun..

  2. loraine!!!! salamat talaga sa pagbisita, natouch ako, sobra. sa inyong dalawa ni bunso, mwah. hintayin mo yung dolphin na stuff toy pag uwi ko. gusto mo buhay na dolphin pa e. *o* salamat talaga.

  3. alexis, pumunta ka din, natouched din ako. *o* sige ikaw ang gagastos ha. buti na lang mayayaman kayong mga kaibigan ko. wahahaha pero thank you talaga. *_*

  4. Aba may papalit na kay pareng bob ah! bkt ba ngayon ko lng nabalitaan to?!. . . pwede ba kitang irecomenda sa mga friends ko para naman makatipid2 kmi? instead na bumili kmi ng book ni bob eh d2 nlng sa blog mo???hehehe ibebenta ko ung site mo? oh i min irerecomend lng pla! whahahaha. . . miss you dear! mwah!

  5. totoo nga ang sabi nila na ang mga tunay na kaibigan ay laging maaasahan. 3 na ang naniniwala sa akin, kunwari hindi ko kayo friends para kabilib bilib naman ang talent ko. hi fans.

    pero mula sa kaloob-looban ng akin puso, maraming salamat sa inyong tatlo (ang dami, wheew), napangiti nyo ako, ayieh. mwah

    una kayo sa listahan ng pamamanahan ko. *o*

  6. pu3k: sikreto lang talaga tong blog ko, pano ka nakarating dito? di ko nga to pinagkakalat e. haha pero salamat sa pagpaparamdam, busy busyhan kayo lahat jan ah, wag ka muna mag-aasawa ha. *o*

    kayo na ang financiers ko ha. natouched talaga ako. labyu pu3k, nyoy at raine.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s