Isa ba itong joke?o sagot sa bilbil sa tiyan nating lahat?

Mayron akong joke.

May isang malubhang pasyente.  May sakit siya puso.  Ok na siya nang biglang *poof* muling may pumutok malapit sa kanyang puso at siya’y ideneklarang dead on the spot  ng janitor ng doktor.  Isa, dalawa, tatlo.  Nag-iiyakan na ang lahat ng biglang siya’y muling nabuhay.  Ang sabi daw kasi ni God sa kanya, hindi pa daw niya panahon para mag-enroll sa langit kaya siya’y pinabalik.  Ok na uli siya, nagmove-on at nagpa-make-over mula ulo hanggang paa.  Retoke dito, padagdag dito, pabawas diyan.  Lahat nabago na halos maisabuhay na  niya ang salitang perfection sa mundong ibabaw.  Isang araw, matapos ang isang successful na operasyon sa balakang, habang patawid siya patungo sa waiting shed para intayin ang syota niyang d.o.m, nang biglang *poof* nakaapak siya ng bubble gum, nasagi ng isang pedicab, nabusinahan ng saulog at sumulpot ang *poof* isang truck.  Dead on the spot.  Reklamo agad siya sa opisina ni God.  Ang gulo gulo n’yo naman ho, sabi mo last last week na hindi ko pa panahon.  Ang bilis naman ng ultimatum ko.  Nakakaloka ka.  (ako si God) Ah,eh, hindi kasi kita namukhaan e.

Kung sa tingin mo ay walang kasing corny ang joke ko, ngayon pa lang ay iexit na ang window na ito at kalimutan mo nang nag-eexist ang blog ko o na tunay akong taong humihinga at nag-iingay at hindi isang low-class na virus sa computer na kayang gumawa ng sarili niyang blog at pumunta na lang sa youtube para panoorin ang latest music video ni manny pacquiao  nang paulit-ulit para patunayang dadaan si ara mina sa bandang kaliwa ng puno ng saging @1:50 habang nagpupush-up si pacquiao sa putikan.  Kung nalampasan mo ang ‘di kaaya-ayang simula ko, masaya ako para sa’yo at dahil diyan isi-secret nating dalawa na wala pang music video si pacquiao na ganyan at idea ko pa lang  ang lahat ng ‘yun para makatulong sa singing career niya at bilang bonus na din reregaluhan kita ng dvd ng Tatlong Baraha.  *o* Ngayon pa lang nais ko nang sabihin sa’yo na walang anuman.


Ang tanong ko ngayon: Marunong nga kayang mag-joke si Bro?  At willing kaya siyang makipagbiruan sa kahit sino sa atin?  Sino kaya mas corny sa aming dalawa?  Original kaya ang mga banat niya o naniniwala siya tulad ko na kahit laos na ang joke basta’t smooth ang pagdeliver, bebenta pa din?  Nung bata pa ako, sabi sa akin ng mga ate ko, ok lang daw makipagbatuhan ng jokes kay Papa Jesus.  Hindi daw siya kj katulad ng akala ko noon.  Hanggang ngayon, naniniwala pa din ako sa sinabing ‘yun ng mga ate ko.  Paminsan-minsan, kapag sawa na akong magpaka-emo at gusto ko namang pagtawanan ang sarili ko, nakikipagbiruan ako kay Bro.  Syempre kahit feeling close ako, marunong naman akong magpreno at mag-peace sign sa Kanya at inaassume ko lagi na natutuwa siya sa akin.

Naalala ko ‘yung librong What Happens If I say “Damn you God!” na nabanggit sa amin nung Religion II teacher namin noon.  Hinalungkat ko talaga ang library namin para lang mahiram at mabasa ‘yun.  Kahit na hindi ako gaanong religious, na-curious ako sa title at dahil kaunti lang naman ang shelves sa library namin at wala akong masyadong kaagaw sa search ko sa librong ‘yun, tenen, natagpuan ko din siya.  Hindi ko natapos basahin ‘yun.  Pero sa pagkakatanda ko, na-enjoy ko ang pagbabasa ko nun.  Simple.  Magaan.  Casual.  Hindi tulad ng mga Religion textbooks namin.  Parang tropa lang kayo ni Bro.  Sa mga oras na ito, isang pindot na lang ang layo ko para mabili ang isang used copy ng librong ito sa amazon.com.  Mapigilan ko sana ang pagkati ng mga kamay ko.

Sa tingin ko, ok lang kay Bro na magpakatotoo tayo sa pakikipagkwentuhan sa kanya.  Hindi parang nasa job interview ka ng isang bigating kumpanya at halos lahat ng fluid sa katawan mo ay nais magevaporate at magcondense nang sabay sabay.  Hindi parang nagsasagot ng survey na yes or no lang ang sagot.  Pero hindi din parang beauty contest na puro safe answers ang ida-dialogue mo, tipong tanong ni Bro ay “So, ano’ng ginawa mo sa nahuling nang-hold-up sa inyo ng jowa mo?”, aah niyakap ko siya nang sobrang tight, ganito o (yakap), sabay sabing Ok lang tol.  God bless you always. “Bakit?”.  Syempre Bro, I want world peace (kaway, kaway). Hindi kj si Bro.  Sobrang haba ng pasensya at pang-unawa niya gaano pa tayo kakulit.  At kahit ilang beses tayong magpanggap na lagi tayong good samaritan on-the-go, kilalang-kilala niya ang bawat isa sa atin, bawat isa.  Alam niyang paminsan-minsan ay nagagalit tayo, nakakagawa ng masama o nakakasakit ng iba at hindi mo kailangang pagtakpan ang lahat ng iyon sa kanya.  Handa siyang tanggapin lahat ng iyon sa isang simple at siyempre taos sa pusong sorry.  Kahit pa sa pakikipagkwentuhan natin sa kanya ay maibuhos natin ang bugso ng emosyon natin, positibo man o hindi, ok lang sa kanya.  At lahat tayo, welcome laging makipag-usap sa kanya.  Kung ma-emo ka, ready pa din siyang makinig at willing din siyang mag-joke upang buhayin ang naghihingalo mong pagtingin sa buhay.  Kung kinikilig ka, kaya niya ding maki-ride at magpayo ng walang kasing lalim na love verses at principles.  Kung tinatamad ka o sumasakit ang tiyan mo o giniginaw ka o naguguluhan ka, lagi siyang nasa mood para ientertain ka at wala siyang tinatanggihang kaibiganin at mahalin.  Kahit sino pwedeng makipagtropa sa Kanya at kahit sino pwede ding magbiro at makipagkulitan sa Kanya basta marunong magpreno at mag-peace sign at magsabi ng taos pusong sorry.  At ang mas cool pa dun, sa bawat bonding session n’yo, kaya mong ilabas lahat lahat at gagantihan ka pa niya ng positive energy at pakiramdam na kay gaan at hindi ka niya huhusgahan bagkus ay may gift ka pang free counseling at advice o pwede ding emotional o spiritual transformation at (wait there’s more) hinding hindi ka niya itsitsismis kanino man.  Ganun siya ka-cool.  Kung iniisip mo na ngayon kung tagasubaybay ako ng show ni Santino, pwes magka-wavelength tayo at dahil diyan may extra kang cd mula sa akin, Ang Tunay na Idol, ang 11th album ni April Boy Regino kaya mapapakinggan mo na ng buong buo at masasabayan mo pa ang Ye ye Vonel.  Mas paborito ko nga pala si Joy kaysa kay Santino.  Sa tingin mo mauubusan kaya ng baon si Bro kung maghahagisan kami ngayon ng super corny jokes?


May isa pa akong tanong:  Kasalanan ba ang magpaBelo? Tama bang iparetoke mo ang kung ano man ang ipinagkaloob sa iyo ni God?  Kung beauty pageant ito, walang second thoughts, no to Belo.  Kung tatambay tayo sa lungga ng mga showbiz people, isang showbiz na sagot ang matatanggap mo, being/staying beautiful physically comes with the job.  Kung bibisita tayo sa kampo ng mga makalumang lola, isang litanya kung bakit mali ang kung anumang salamat po doktor na pagbabago.  Sa tingin ko, bahagi na din ng pag-usbong ng technology at ng takbo ng utak ng mga tao ngayon ang mga ganyang klase ng transformation at make-over.  At siguro dahil na din sa never-ending na paghahanap ng satisfaction ng mga tao at ang pagkahumaling ng karamihan sa perfection, parang isang normal na balita na lang sa atin ang mga ganyang tsismis.  Hindi siya 100% mali para sa akin.  Sa tingin ko, para lang din siyang isang makabagong paraan ng pag-aalaga at pag-develop sa sarili.  Parang nagpatrim ka ng buhok dahil marami ng split ends.  Parang nagvocal lessons ka lang dahil sobrang saliwa at magkagalit talaga kayo ng mga nota kahit na ang kinakanta mo lang ay ang Crazy Love ni Kim Chiu.  Parang nagbraces ka lang para gumanda-ganda naman ang spacing at alignment ng iyong mga ngipin.  Mas mahal nga lang.  Mas moderno.  Mas malalim ang paghuhugutan ng pagbabago.  Siguro ok lang naman na magpadagdag o magpabawas lalo na kung bahagi ng trabaho ang maging kaaya-aya sa paningin ng iba o kaya personal happiness o kaya stress reliever.  Malamang para sa mga may pera, hindi big deal ang pagdedesisyon sa  bagay na ito.  Pero sana hindi lang daanin ang lahat ng problema sa ganitong paraan.  ‘Wag sana itong maging 1st choice.  Kung nais mong patunayang masaya ka kahit single ka, o ayaw mong iwan ka ng asawa mo o nagbreak kayo ng boyfriend mo o dahil gusto mong ipakita sa mga friends mo na may mapapala ka sa pagiging workaholic mo at pagiging kuripot at the same time.  Hindi dahil nandyan si Belo at ang iba pang ka-uri niya at marami-rami na din ang naka-experience ng magic powers nila ay dapat nang maging social norm na lang ang pagiging unnaturally developed o ang prinsipyo ng modernong kagandahan.  Ayoko din namang magtunog nangongonsensya lalo na kung may chance ka naman o may pera para i-try at pasayahin ang sarili mo o kung sinumang mahal mo at hindi naman natin kilala ang isa’t isa.  Sa bagay ang mahalaga naman sa bawat creation ay kung ano ang nasa kaloob-looban at kaibuturan ng iba-ibang costume nating lahat, peke man o natural, o.a man o simple, maganda man o hindi.  Sasabihin ko sana ang linyang everybody was born beautiful para ipahayag ang bitterness side ko sa topic na ito pero nagbago ang isip ko.  Pero mukhang nasabi ko na kaya ikakambyo ko na lang, dialogue ni Bro ang line na iyon, hiniram ko lang.  Pero kasama sa package ng innate kagandahang ‘yon ay ang utak at free will natin na gumagana naman at hindi de-baterya.  Epekto na din siguro ng mundong ginagalawan natin, iba iba ang sa tingin natin ay maganda at may kakayahan tayong magdesisyon kung paano natin papaikutin ang ating galaw sa konseptong iyon.  Gayunpaman, dahil nga updated si Bro sa lahat ng happenings sa buhay ng bawat isa sa atin at ayaw niyang naliligaw tayo at hindi na muling nakakabalik sa tamang daan , isinama niya din sa packaging natin ang konsensya na kahit ako ay hindi ko kayang level-an at i-proxy sa mga ganitong klase ng desisyon sa buhay.  Muli, huwag magpaapekto sa mga tulad kong magulo ang reasonings sa buhay.  Isipin mo na lang na isa akong mahiwaga at out-of-nowhere na sinok, isang lagok lang ng laway tubig, makakamove-on ka din.  P.S.  Basta ang mahalaga mahalin si Bro at mahalin ang sarili ng buong-buo, sa kahit anong paraang posible.

12 thoughts on “Isa ba itong joke?o sagot sa bilbil sa tiyan nating lahat?

  1. “P.S. Basta ang mahalaga mahalin si Bro at mahalin ang sarili ng buong-buo, sa kahit anong paraang posible.”

    -AMEN!

    haha Si santino aka marcelino aka religion ang topic ngaun hehe

  2. kahit na magmumukhang may conference ang ganitong sagutan sa comment section ng blog ko, sasagot pa din ako. pang padami din toh ng comments, kunwari siksikan ang mga tao dito. *o*

    oo nga noh, si patricia busy busyhan e, nagkakayod pambili ng diaper at gatas. pero teka di ba dapat busy ka na sa thesis at kung anu ano pang requirements for grad? pagala gala ka pa sa world wide web.

    ang galing kunwari madami na akong comments. hahahaha

  3. wow, so comment whore ka din pala dito. ahaha

    may anak na si bestest pal mo? actually siya na lang kulang, mbm na eh. ahaha

    matagal pa graduation ko… Y_Y
    pero busy na din kaso pastime na ang pag-surf ng net eh xD

  4. pareho lang tayo. di bale blog ko naman ito so pinapahintulutan kitang magflood ng comments. ikasasaya ko pa yan. haha

    sinabihan ko na si patricia na dumalaw dito e, hindi pa siya nagrereply sa email ko.

    busy pa yun ha? nakakapagSURF pa sa net? haha

  5. unang-una, THE BEST ANG NAME NA GAMIT MO, PNP SUPERINTENDENT! BENTA!

    akalain mong may iba ka pang pwedeng sabihin bukod sa obstruction of justice. hahaha

    ate este boss tanggapin mo na na ang kapatid mo ay isang mabuting nilalang (lumiwanag ang kalangitan)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s