RK wanna-be

Sino’ng mag-aakala na darating ang araw na magkakaroon ako ng sarili kong check book? Kung tutuusin, sa halos sampung buwan ng existence ng kauna-unahang bank account ko, dati pa dapat ako nagantimpalaan nun, dahil free ‘yun, kasama na dapat ‘yun sa package ng friendship n’yo ng bangko mo.  Pero dahil first time ko ngang mag-open ng transaction sa isang  bangko at paminsan minsan ay may katauhan akong nabibingi natatanga sa accent ng mga english spokening creatures na nakakasalamuha ko sa araw-araw, hindi ko naintindihan ang tanong ng teller ng araw ng binyagan kong iyon, Would you want to have a checkbook? Kausap ang tenga ko: ano daw? bakit ngayon ka pa nagmalfunction? another day of embarrassment.  Congratulations.  Kausap ang utak ko: Siguro naman naintindihan mo kahit ‘yung last word bago mag-question mark? Oh no.  You’re going down, (insert name here).  Processing.  Checking for results.  Attempting to recover some files.  Dull mode.  Sa pagkakaalala ko, laging sinasabi ng tatay ko hindi pumapalya sa kahit anong transaction, halimbawa bumili ka ng laptop o kaya bumili ka ng sapatos, ang sunod na offer sa’yo, would you like to sign up for our *something-free-but-actually-not-service-but-if-you’re-dumb-enough-you’ll-probably-be-fooled-and-say-yes* o would you like to open a membership card so you will gain points everytime you purchase something from us, wouldn’t that be fun? at ang ginintuang payo niya ay isang mabilis na sagot na Thanks na lang.  then smile. Tama, eto ang solusyon ko.  Mautak.  Kausap si boy teller: (smile muna) hmm. no thanks. (smile uli).  At nang padalhan ang ate ko ng sarili niyang checkbook, takang taka ang tatay ko kung bakit walang para sa akin.  Ang sagot ko lang para maibangon ang image ko ay ewan ko lang tay, hayaan mo na.  Pero habang tumatagal, naramdaman ko ang kahalagahan ng presence nito.  At dahil nahihirapan na akong magtransfer ng cash sa account ng ate ko sa tuwing nagpapasulat ako sa kanya ng tseke kapag may kailangan akong bayarang bills o kung anu mang gastusin ko via mail, nagrequest na ako kay teller.  Miss, bigyan mo ako ng checkbook.  (Confident na ako dito) Teller:  Ok, can I have a valid id? (nahuhulas na ang confidence ko) Binuksan ko ang wallet ko pero sa puntong iyon alam ko nang wala akong mahahanap dun.  Memory check:  School id? wala ako nun dahil more than 1 year na akong out-of-school youth.  Driver’s license? lalong wala.  Ni bisikleta hindi ako marunong.  At wala akong sense of direction.  I.d sa work? Hindi uso ang id sa amin. name tag lang, at sa tingin ko babatukan ako ng teller na ito kapag iyon ang ipinakita ko.  At isa pa, hindi ko pala yun dala.  Passport? Malamang hindi ko dala.  Ano pa bang i.d? Girl scout? Red cross? I.d sa fans club ng Sexbomb? Bakit hindi ko naisip na kailangan ng i.d? Confidence level back to ground zero.  Halungkat pa sa wallet ko.  Barya.  Gift card. resibo. resibo. piraso ng papel na haggard-looking.  Eto, movie ticket ko nang manood ako ng twilight.  Dear bro, baka naman twilight fan itong si teller girl? Pls, yes?  At dahil, ten years na nakakalipas, syempre to the rescue ang tatay ko, ah miss wala siyang i.d na dala ngayon e.  Teller:  Ok, it’s fine.  We always see you come here so I guess it’ll be okay.  Ganun lang kasimple ‘yun, isang linya lang ng tatay ko samantalang ilang drops ng pawis in and out ang na-feel ko, how dare you ate teller.  Nang dahil dun naramdaman kong wala akong proof of identity ngayon.  Hindi ba’t dapat kang maawa? Ako din naaawa na sa sarili ko.  Pity me. 10x.  Pero ang ending, nasa piling ko na ang checkbook ko.  Kahit wala man akong milyones sa kauna-unahang bank account ko, masaya na akong posible na ang ilusyon kong pumirma at magbayad gamit ang isang tseke.  Ate, pabili ng kendi.  Eto bayad.  Sabay abot ng… *n*

f.y.i.  RK=rich kid.  Napulot ko lang ‘yan sa IM vocabulary ng conyo kong ate.  Obviously, nakakahawa ang ganyang sakit, nararamdaman ko ang ate ko sa tuwing nagamit ako ng tunog malanding salita sa blog ko.  Naniniwala akong gagaling din ako.  Oo, isa lang itong phase.  Move on.

9 thoughts on “RK wanna-be

  1. at nga pala nyoy, salamat sa pagtangkilik sa akin, sobrang touched na ako, ayieh. dahil diyan matutupad na ang mga kahilingan mo sa buhay at magkakatuluyan na kayo ni mara (so highschool ng issue ko).

    siguro naman nag-iipon ka na ng pangsuporta sa akin. mabuti yan. pagpalain ka nawa. *o*

  2. sosyal-sosyalan. how i wish na isa akong RK, tipong haciendera. haha
    may passport naman ako e saka green card pero hindi ko dinadala, bukod sa tinatamad ako e siguradong mawawala ko yun. *o*

    salamat uli sa dalaw, kundi inaagiw na tong blog ko.

    nga pala ikamusta nyo na lang ako sa ibang friends natin diyan, uso pa ba ang unli at gm?

  3. namimiss ko na nga ang pagtetxt e, hindi uso dito. saka wala akong cellphone. ang galing napapadami natin ang comments ko. yehey.

    balik kayo lagi, para may kausap ako. tenks.

  4. konti na lang masisipag mag GM, puro mga quotes pa. mag iisang taon na nga ata akong hindi nag unli eh

    nga pla, fan ka ng sexbomb? ung isang entry mo, may content naman about daisy siete. ahahah

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s