Pressure, layuan mo ako!

Isang oras na lang mananakawan na ako ng isang oras sa 2009 life ko.  Hindi ko alam kung iyon ba ang dahilan kung bakit nilalamon at hinihigop ako ng nangmamatang PRESSURE ngayon.  Kung usapang literal at pilosopohan ang gagawin ko, dapat magkasing-payat na kami ni Kim Chiu sa ‘di matapos-tapos na pressure at force na pumupush at nangungurot sa mundo ko.


Kahapon, nagpakalasing kami ng ate ko sa kapeng siya mismo ang nagtimpla na talagang nagpasuko at nanghiya sa bagong creamer namin.  Habang nanggagalaiti ang caffeine sa lalamunan ko at naguumapaw ang nota sa pagvivideoke namin, naghihinagpis ang puso ko dahil nabigo akong masaksihan ang reunion concert ng eraserheads.  Hindi naman ako naglupasay at humagulgol buong gabi, nanghinayang lang ako sa pagkakataong marinig at mapanood silang muli bilang eraserheads.  At dahil dun, nagpakalulong ako sa kape at sa videoke, cheers.


Kanina, dahil tila nagsawa ata ang world wide web sa akin na halos wala akong makitang bago para sa akin, nauwi muli ako sa blog world ko at muli nafrusrate ako na wala akong bagong kwentong maaaring ialay.  Feeling ko tinatraydor ko ang deadline na binibigay ko sa sarili ko.  Kung tatanungin ako kung bakit nagpapahumaling ako sa blog, hindi ko din alam ang sagot at lalong hindi ko kayang ipadama kaninuman ang sayang naireregalo nito sa kalooban ko.  Sabi ko sa nanay ko malapit na akong mabaliw at ready na naman daw ang ate ko sa pondong ipangmemental asylum niya sa akin.  Nakakabaliw palang maghalungkat ng mga personal na kwento at prinsipyo at magic-in ito sa isang makabuluhan at nakakaaliw na anyo.  Ang dami ko nang listahan ng topics na pwede kong ibahagi, pero nauudlot ako palagi, laging may blank mode.  Dead air.  ——————————- Gayunpaman, hindi pa din ako sumusuko sa mapagkunwaring ako, makakasulat pang muli ako at makakapagkalat ng maraming-maraming tsismis salita na sisiguraduhin kong kasing inspirational ng mga awitin ni Jamie Rivera, peksman.


Nang mabakante ang energy capsule ko para sa aking blog, naalala kong malapit na ang Toefl exam (Test of English as a foreign Language) ko.  Aminado akong minaliit ko ‘yun nang una kong malamang kasama iyon sa admission requirements ko.  At take note: sa sobrang tiwala ko sa sarili ko na hindi ko na kailangan ang approval ng exam na ‘yun para mapatunayang karapat-dapat akong matanggap sa eskwelahan nila, inemail ko ang admin office at nakipag-deal at nagmakaawang i-consider na nila ako kahit hindi ko ma-experience ang Toefl.  At isang matigas ngunit mahinahong hindi ang natanggap ko.  At ngayon, kinakain na ako ng pressure ng Toefl.  Hindi ako magaling sa ingles.  Lalong hindi ako effective sa presence ng time limit.  At kapag pinagsama sila, naiimagine ko na ang pagtawa sa akin ng pressure sabay apir kay Toefl.  Kung maubusan ako ng dugo bago ang exam ko, welcome ang blood donors.  Kung takot ka sa dugo, ipagdasal mo na lang na makapasa ako.  Idasal mo na ding makaligtas ako sa bangin ng pagkabaliw.


Bakit ang dami-daming anyo ng pressure sa buhay ko? Ngayon nais kong madaliin ang sarili ko na ayusin na ang future ko.  Kailangan makagraduate naman ako.  Kailangan umangat naman ng kahit isang level man lang ang passion ko sa pagsusulat at pagiilusyon pangangarap.  At ngayon halata na namang nonsense ang iniisip ko.  Bakit lagi na lang naniniksik at nakikiepal si Pressure, at pilit ino-o.p. ang kakaunti at mahiyaing mga positive brain cells ko? Pero kaya ko ito, mas powerful naman siguro ako kay pressure dahil siya ay imaginary lamang, konting pitik lang, makikick-out ko din siya sa buhay ko.  At sigurado ako na kung kaya kong gawin, kaya mo din.

*** nanakaw na ang isang oras ko.  Bakit ganyan ka daylight savings time?

2 thoughts on “Pressure, layuan mo ako!

  1. oops! relax ka lang diana.. lahat tau may pressure na dala2 sa buhay natin.. un iba araw, un iba paminsan2 at un iba bihira lang pero kahit ano man jan sa 3 ang occurences ng pressure eh dapat strong at handa taung harapin ito.. just focus on ‘here and now’.. tama un isipin natin un future pero matagal pa un kaya wag masyadong magisip tungkol dun.. dapat un ngayon muna.. tama yan isang pitik lang si Pressure! 0=) BOW.. haha..

  2. tama ka jan. minsan talaga nasa katinuan ako, madalas ayan pressured at emo. kaya nga naghahanap ako ng enlightenment. para maliwanagan ang utak at puso ko. pero paalaala ko din ito sa sarili ko na wag akong magpapetiks petiks sa buhay dahil marami pa akong pangarap at nanjan lagi ang evil spirits este pressure at kung anu ano pang dingding na haharang sa akin.

    wagi ka sa comment jaimz. nadaig mo kami ni nyoy. salamat talaga. sobra.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s