Chip Tsao: My Late and Violent Reaction

** Forwarded email mula sa isang kaibigan.  At sigurado akong hindi ang delinquenteng si CHIP TSAO ang kaibigan kong iyon. hmp.

 

The War At Home

March 27th, 2009

The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That’s no big problem—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke.

But hold on—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter.

As a patriotic Chinese man, the news has made my blood boil. I summoned Louisa, my domestic assistant who holds a degree in international politics from the University of Manila, hung a map on the wall, and gave her a harsh lecture. I sternly warned her that if she wants her wages increased next year, she had better tell every one of her compatriots in Statue Square on Sunday that the entirety of the Spratly Islands belongs to China.

Grimly, I told her that if war breaks out between the Philippines and China, I would have to end her employment and send her straight home, because I would not risk the crime of treason for sponsoring an enemy of the state by paying her to wash my toilet and clean my windows 16 hours a day. With that money, she would pay taxes to her government, and they would fund a navy to invade our motherland and deeply hurt my feelings.

Oh yes. The government of the Philippines would certainly be wrong if they think we Chinese are prepared to swallow their insult and sit back and lose a Falkland Islands War in the Far East. They may have Barack Obama and the hawkish American military behind them, but we have a hostage in each of our homes in the Mid-Levels or higher. Some of my friends told me they have already declared a state of emergency at home. Their maids have been made to shout “China, Madam/Sir” loudly whenever they hear the word “Spratly.” They say the indoctrination is working as wonderfully as when we used to shout, “Long live Chairman Mao!” at the sight of a portrait of our Great Leader during the Cultural Revolution. I’m not sure if that’s going a bit too far, at least for the time being.

Chip Tsao is a best-selling author and columnist. A former reporter for the BBC, his columns have also appeared in Apple Daily, Next Magazine and CUP Magazine, among others.

 

 

**********

Violent reaction.  OO yan ang tawag sa ginagawa ko ngayon.  Understatement pa nga kung tutuusin.  Kung may karapatan ‘yung lalaking naka-pose sa picture sa itaas na maglahad ng opinion niya, offensive man, may karapatan ako at ikaw na makigaya din.  What the, Chip Tsao, ano’ng pinagsasasabi mo?  Nais ko lang iparating na napaka-valid ng mga dahilang ibinigay niya kung bakit kaya niyang tiisin at tanggapin ang pag-apak sa lahi niya ng Russia at Japan.  Nabanggit pa lang si Hello Kitty, napa- oo nga naman na lang ako.  At ang pangunahing dahilan na ikinagagalit ng kaloob-looban niya laban sa mga Pilipino? isang hindi makataong salaysay, offensive, foul at napakababaw para panghugutan niya ng sama ng loob at inspirasyon sa pagbuo ng napakapropesyonal? niyang artikulo *palakpak para sa kanya*.  Dahil hindi kami magkauri, hindi ko igigeneralize ang mga HK Chinese, kahit na halos ipagmalaki niya ang pang-aalipusta niya at ng MGA kaibigan niya sa mga DH, ayokong ipagsigawan na I hate you HK people.  Ang pagkakamali ng isa ay hindi ko ibabato sa buong lahi nila.  Kung ipinagmamalaki niyang sila ang nagpapasweldo at bumubuhay sa ilang OFW, magpapasalamat ako sa kanya at sa mga katulad niya.  Ngunit sa pananaw ko, hindi pera o anumang materyal na bagay ang sagot sa pagtitimbang kung sino ang tama o mali, kung sino ang panalo o talo, kung sino ang api o mang-aapi.  Wala akong pakialam kung siya pa ang pinakamayamang nilalang sa balat ng lupa dahil hindi iyon isang excuse para apihin niya ang nais niyang apihin at hindi iyon kalamangan sa kahit sinong kapos sa materyal na pangangailan.  At nais ko ding banggitin ang salitang UTANG NA LOOB.  Ano pa man ang sabihin niya, kahit papaano ay may naitutulong ang mga DH sa mga taong katulad niya kahit may kapalit mang sweldo.  At dahil nga sa mga pananaw niya sa buhay at ang tila pagtingala niya sa mga makapangyarihang bansa, sa tingin ko ay hindi maaabot ng pang-unawa niya ang katotohanang iyon.  MUTUALISM ang meron sila pero para sa kanya parasitism ang lahat.  Tayo ang parasite, at siya ang *effin* na host.  Bow ako sa patriotism na mayron siya, kung ‘yun nga ba ang tawag sa ginawa niya at sa ginagawa ko ngayon.  Wala akong malinaw na kaalaman ukol sa isyu ng Spratly pero dahil sa kanya ay maglalaan ako ng panahon sa tunay na kalagayan ng kontrobersiya na ito dahil ayokong ipagsigawan kaagad na b*tch, sa amin ang Spratly nang dahil sa nayayabangan ako sa isang Chinese o dahil naliliitan ako sa HK.  Sa ngayon, sa tuwing maririnig ko ang mga salitang Spratly Islands, siya ang tanging naaalala ko at magdidialogue ako ng China! Madam/Sir, b*tch.  At salamat sa kanya, lalo kong napagtanto ang biyayang meron ako sa pagiging isang Pilipino.


A HK best-selling author and columnist published an offensive and degrading article against Filipinos regarding the issue of sovereignty over Spratly Islands, we can live with that — without HK there will be no perfect place to shop for cheaper stuff (branded or not)  and less chance of feeding our fashion hunger in a dime.  Oh, and there will be no Disneyland to go to in just an hour.  That will bring us, Filipinos, total misery. *sad face*  — Ako ito, nagpapakab*tch.

 

 

 

 

 

At dahil hindi ako magtatapos na hindi iuuplift ang Pinoy power ko o nating lahat, eto ang bonus:

source: Inquirer.net

Out of 88 countries na nag-participate sa Earth Hour 2o09, Philippines made it as the #1 participant with a total of 650 towns/cities which cooperated and participated.  Although hindi basehan ang 1 oras para sabihing tayo ang pinakamatipid at pinaka-nagke-care sa Mother earth, isang malaking accomplishment na din ito.  Nandun na ang awareness at objective na makacontribute sa isang simpleng aksyon at ang willingness na ialay o putulin ng kahit isang oras lang ang kung ano man ang ginagawa o planong gawin.  Naipakita din ang pagkakaisa at pagtutulong-tulong ng mga Pilipino sa ilang aspeto ng  buhay at ang pagbibigay halaga natin sa isang munting bagay na makakatulong sa mas malaking scale sa future kahit na isang maliit at third world na bansa lamang.  At sana ay magpatuloy ang intensyong ipinakita nating lahat sa event na iyon sa bawat araw  na darating.

12 thoughts on “Chip Tsao: My Late and Violent Reaction

  1. amen!!!! sabi nga ng american friend ko “what the ****!” (kanyang favorite expression) hay naku nakakakulo nga ng dugo ang nilalang na yan.. simula pa lang ng statement nya parang gusto kong bumili ng ticket papuntang HK at hunting-ngin siya…

  2. i agree. he’s so full of himself that he didn’t realize how foolish and idiotic he seems to be with this article considering his reputation and educational and professional background. and gawd, hanggang ngayon, hindi ako makaget-over at hindi ko makalma ang sarili ko. Thanks to him. err.

  3. oh! hi tsip, your so cheap,.. and with the way you talk, you shown to the world how imbecile you are!..

    i guess youre the best moron and the stupid headed person i ever knew,..

    dont under estimate Filipino’s cause honestly, you gain so much profit on our country,.. selling your pirated cellphones, and other type of cheap commodity,

    chinese survived because of Filipino’s cause you always pirate any good’s and that’s what i hate the most! but i never critixize any nationality,..

  4. good luck on your career tsip!

    i guess, after releasing your article online, with the bad insults on filipino would make you loose your professional career!

    s2pid!

  5. hehhehe
    kahit pala mataas na yung pinagaralan
    tulad ni chip tsao
    daig pa nfg tambay d2 sa pinas mangatwiran.
    wala man lang akong nakuhang magandang point of view mula sa reaction niya.

    pagulpi ko siya kay pacquaio eh

  6. we filipinos are too sensitive. medyo nakakaasar nga kaso pinasisikat lang natin ang Chip Tsao na iyan!!! Come on!!! Kung di natin siya papansinin, magmimistula lang siyang KSP.

    huwag natin siyang pasikatin! yun lang!!!

  7. matatagalan bago ko at ng maraming pilipino na makalimutan ang matatalas na salitang binitawan at idinura sa mukha nating lahat. at isang mantsa na ito sa pagkatao at reputasyon ni mr tsao.

    at sa ngayong kalmado na ako, hindi na ako magpapaapekto pa kay mr tsao at sa mga salita niyang iyon. Nakakaubos siya ng mga negatibong pang-uri at pandiwa at kung anu ano pa. Mabuti na lang talaga at isinilang akong isang Pilipino.

    ‘Wag lang sanang magtagpo ang mga landas natin mr. tsao, sana.

    ** salamat sa inyong pagbisita, ipagpatuloy ang pagmamahal sa lahing ating pinagmulan. *o*

  8. @pinoyonline
    tama ka. ang mahalaga ay mabuhay tayo ng maayos nang walang naaapakan at inaabuso; maging mas marangal at produktibong mga Pilipino.
    pero kahit papaano ay masarap din sa pakiramdam ang manindigan at makipaglaban para sa mabuting hangarin at sa kapakanan ng nakakarami. Dapat din natin tandaan na kung nais natin ng respeto mula sa iba, matuto rin tayong magbahagi ng respeto para sa kanila.

  9. Simple lang naman ‘to.

    Maaaring hindi man ganun kapulido ang pilipinas lalu na sa gobyerno pero hindi ibig sabihin na ang bahid ng iilan ay dungis na rin ng karamihan. Kung sapat ang oras mo Mr. Tsao, maglaan ka sa pagbabasa ng mga patunay sa internet na nagpapatanyag sa pilipino sa buong mundo para samutsaring larangan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s