The Last Lecture (Randy Pausch)

Problemado? Nega? Stressed? Pressured? Hindi kita matutulungan at mapapaligaya sa ngayon.  Naubusan na ako ng jokes at kahiya-hiyang personal experience ko para i-enlighten ka.  Pero ibabahagi ko sa’yo ang isa sa mga librong naka-inspire sa akin at sana makatulong na talaga sa biyahe ko ng pagbabagong-buhay at malay mo sa iyo din.  Ikalat ang positive energy.  *saboy*

lens2145209_1219888634the_last_lecture

The Last Lecture — Isang normal na event sa mga college campus (dito) ang talk ng isang professor, entitled The Last Lecture, na may concept na kunwari ‘yun na nga ang kahuli-huling lecture sa buhay nila at nag-iimpart ng tanong sa chosen professor kung anu-ano ba ang mga words of wisdom, pahabol na payo, huling habilin at kung anong legacy ang nais niyang iwan sa iba.  At kailangan nilang i-summarize sa pagkakataong iyon ang lahat-lahat.

At sa pagkakataon ni Randy Pausch, literal ang kahalagahan ng The Last Lecture niya.  Diagnosed with pancreatic cancer, isinalin sa libro ang bersyon niya ng lecture na iyon.  Ito ang footprint na iniwan niya para sa mga taong naging bahagi ng buhay niya at pati na din sa mga taong hindi pa niya nakikilala at higit sa lahat para sa asawa at tatlong anak na naiwan niya.  At kahit nabawasan ako ng pera nang mabili ko nang biglaan sa tindahan ang librong ito, nakapagdonate naman si Randy Pausch ng positive energy at enlightenment sa buhay ko sa bawat salita at emosyon niya at sa pagiging masayahin at submissive niya sa ending ng buhay niya.  Kahanga-hanga.


At ibabahagi ko sa iyo ang ilan sa linya niya na totoong nakapagpaisip at nakapagparealize sa pagtingin ko sa buhay.

Experience is what you get when you didn’t get what you wanted.  It’s a phrase worth considering at every brick wall we encounter, and at every disappointment.  It’s also a reminder that failure is not just acceptable, it’s often essential.

Kahit na nakakadepressed talaga ang halos 2 taon ko nang pagtigil sa college at kahit na pakiramdam ko ay wala ng patutunguhan ang professional goal ko sa buhay, muling nagising ang naiidlip kong fighting spirit.  Experience ang lahat ng ito, at dahil diyan maipagmamalaki kong mayaman na ako sa experience.  Pwede na akong magpautang.  Pero tama talaga na sa bawat kabiguan ay ang may kaakibat na karanasan, aral at ang panibagong pagkakataon.

When you’re frustrated with people, when they’ve made you angry, it just may be because you haven’t given them enough time.

Mahirap langhapin ang mga ganitong payo.  Hanggang ngayon, nahihirapan akong alalahanin ang mabibigat na salitang ito.  Subukan mo, baka sakaling mas mabuti kang tao kaysa sa akin.

Yes, I’m a great optimist.  But when trying to make a decision, I often think of the worst-case scenario.  I call it “The Eaten By Wolves Factor”.  If I do something, what’s the most terrible thing that could happen?  Would I be eaten by wolves?  One thing that makes it possible to be an optimist is if you have a contingency plan for when all hell breaks loose.

Tama.  Ang ibang anyo at anggulo ng optimism.  Kailangan mag-isip at maghanda.  Gisingin ang brain cells at lahat ng muscles at senses with fingers crossed kahit nakapikit pa at nanginginig ang mga mata.

So many graduating seniors have this notion that they should be hired because of their creative brilliance.  Too many are unhappy with the idea of starting at the bottom.

You ought to be thrilled you got a job in the mailroom.  And when you get there, here’s what you do:  Be really great at sorting mail.

No job should be beneath us.  And if you can’t (or won’t) sort mail, where is the proof that you can do anything?

Sakto.  Walang masama at lalong hindi dapat ikahiya kung magsimula ka sa isang simpleng trabaho kung makakatulong naman iyon sa future mo o kahit sa personal na aspeto ng buhay mo(karanasan o sa pag-iipon ng pera).  At syempre huwag magpakaburo sa unang step, trabaho mo na ang mag-effort at magpakabuti upang umangat at matupad ang inaasam-asam mong dream job.

The brick walls are there for a reason.  They’re not there to keep us  out.  The brick walls are there to give us a chance to show how badly we want something.

At ang phase ng buhay kong ito ay isang brick wall.  At matitibag ko din ito.  Aja.

Madami pa siyang nakakaaliw na kwento at ginintuang payo na nakakatouched at nakaka-inspire talaga.  Sana’y mabasa mo din ang librong ito (tip: maraming second hand copies sa Amazon at EBay) at maibahagi din sa ibang tao.  Kung kuripot kang talaga, mapapanood sa youtube ang mismong The Last Lecture ni Randy Pausch click mo ITO.  At bisitahin mo na din ang webpage ng librong ito:  THE LAST LECTURE.  Isa siyang ilaw at inspirasyon para sa mga taong may negatibong pagtingin sa sakit na cancer at sa maraming taong nawawalan ng pag-asa sa buhay o kahit sa mga simpleng taong may simpleng problema sa araw-araw ngunit halos isumpa na ang bawat elemento ng mundo sabay sabing god,bakit ako pa?

2 thoughts on “The Last Lecture (Randy Pausch)

  1. hahaha! kakatuwa gusto ko na ding mabasa ung book.. actually naghahanap lang ako ng mgandang bday present debut kasi ng frend ko eh ang trip nia 18 books… hehehe… i don’t know what to give actually peo the last lecture is one of my choices… may iba ka pa bang alam…? hehe anyway, your writings are interesting….
    nice job.. weeee

    • wow, salamat sa pagbisita. inaagiw na ‘tong blog ko dahil 1month na akong hindi nadalaw dito pero salamat sa pagbasa at pagcomment (hurray!!!) hmm, para sa 18 books? ok talagang choice ang librong ‘to pero depende din sa trip na istorya ng kaibigan mo, baka kasi mahilig siya sa fiction books. Meron pa akong paboritong libro, “the Spellman files” at “Dateable: Are you? Are they?”, nandito din yun sa blog ko. O kaya try mo yung book ni Ricky Lee na “Para kay B” though last year pa ‘yon kaya baka nabasa na nya ‘yun. Pero mabuti na kinoconsider mo ang The Last Lecture, inspiring. O kaya tanungin mo na lang ang friend mo ng 5 books na gusto nyang magkaroon siya then dun ka na lang pipili ng ireregalo mo sa kanya, may element of surpise (20% nga lang) pero at least sure kang magugustuhan nya. *o*

      salamat uli sa pagbisita. sana makapagblog uli ako. n_n

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s