Earth Day ngayon.

Sobrang labnaw at lapot na ata ng schedule ko sa araw-araw kaya hindi ko naalalang Earth Day ngayon.  Dahil diyan, babati ako ng Happy Earth Day.  Sino pa ba naman kasi ang umaalala sa Earth Day, ‘di ba? Pero kung nakokonsensya ka na ngayon kay Mother Nature, itapat mo na lang ang kahit anong mahalagang event sa buhay mo, binyag, kasal, anniversary/monthsary ng syota-syotaan mo o ng asawa mo o ng crush mo, 1st day sa work, engagement, pagsagot sa manliligaw o kahit hindi nanliligaw, araw na nagpakalbo ka o nagpakulay-orange ng buhok, araw na sinuntok mo ang prof mo sabay sabing teacher lang kita!! bwahahaha ay sir, joke lang ‘yun ha, Earth day kasi e, naghahanap ako ng event sa buhay ko, ano’ng facebook mo sir?, gantihan mo ko sa mafia wars, madali lang ‘yun sir, ayaw mo nun?? uhm,….fashion wars, sir?, pwede din combo, sa April 22 para mababati mo ang sanglibutan at maipamukha mo sa kanilang panahon na para maging green, hindi lang sa dugo, sa buhok, sa mata, sa kuko, sa panty o sa paboritong power ranger.



Wala pa akong nagagawang remarkable para kay Mother.  Bukod sa slogan contest na sinalihan ko noon nung grade 4 ako na sobrang biglaan, one day notice mula sa Science teacher ko, at bakasyon pa nga kaya walang preparasyon at wala namang makakaisip na magaling ako sa paggawa ng slogan lalo pa’t English, pero naipanalo ko pa din kahit na isang malaking puno lang ang nasa white cartolina kasama ang simple ngunit malaman na slogan ko na syempre hindi ako ang may gawa kundi ang ate kong magaling pero walang kaalam-alam ang mga kalaban kong paslit at mga judges na nadaya ko na sila.  Hello, hindi man ako magaling magimbento ng seryosong unquotable quote pero marunong akong magmemorize, isang linya pa nga, yakang-yaka.  Kung hindi ‘yun counted sa participation ko sa Earth day, bukod dun wala na.  Sa pagkakatanda ko hindi pa ako nagtatanim ng puno bukod sa munggo na tinanim namin nung grade 4 kami sa labas ng classroom namin o baka naman tumubo pala ang mga butong pakwan na hinagis ko sa kung saan saan kapag naiinis ako dahil ayaw bumuka kahit anong kagat ko, ‘yun nga lang may kahalong laway ko na.  Hindi rin ako maasahan ng nanay ko sa pagdilig ng mga halaman niya.  Marami-rami pa siguro ang mga napitas at na-murder kong mga dahon mula sa mga kapitbahay namin at sa nanay ko nang hindi nila nalalaman para sa ingredients sa luto-lutuan ko.  De-spray pa ang deodorant na gamit ko at hindi ko sinisermunan ang mga jeep na buga ng buga ng maiitim na usok at kahit sino o anong nagbubuga ng masamang anyo ng hangin.  Hindi ako marunong gumamit ng tabo kapag naghihilamos pero mas malakas gumamit ng tubig ang mga ate ko.  Nanghuhuli din kami nung bata kami ng mga starfish at kung anu-anong unknown pa sa akin noon sa tuwing nakakalapit kami sa dagat na namamatay din naman dahil sa tabo lang namin nilalagay o sa plastik para iuwi mula sa probinsya na milya-milya ang layo sa bahay namin.  Hindi naman ako nagtatapon ng balat sa kung saan-saan, madalas, pero hindi naman ako marunong magpulot ng mga nakikita kong kalat sa tabi-tabi.  Magastos ako sa papel at sa tissue  at sobrang gastos ng aso namin sa dyaryo dahil sa pang-araw-araw niyang pag-ano kaya malamang marami na akong napatay na puno.  Buti na lang wala pa akong kasalanan sa animal kingdom bukod sa butiki na hindi ko minsan sinasadyang maapakan o sa mga langgam o gagamba na napapatay ko sa katripan.  Madami na ata talaga akong kasalanan kay Mother.  Pero nais ko pa ding bumati ng HAPPY EARTH DAY.  *Peace sign*


Wala akong personal na advice sa iyo para sa Earth Day.  Wala talaga.  Bukod sa payo ng nanay ko na huwag na akong maligo kapag off ako dahil nagkukulong lang ako sa kwarto kachikahan ang computer at hindi nga ako naaalikabukan dahil ayokong magdilig ng mga halaman sa labas.  Eto na lang, mula sa pinakamamahal kong Reader’s Digest (may hinanakit pa ako dahil nagkautang ako senyo ng hindi sinasadya, argh), mas makakatipid kung gagamit ka ng hand dryer sa public restrooms kaysa sa gumamit ng paper towel.  Mas kaunting electricity ‘yun kung ikukumpara sa amount ng papel na nagagamit at sa overall energy ng production at transportation ng mga paper towel na ‘yun.  Basta maniwala ka na lang sa akin kahit na mukhang nagjojoke lang ako.  Maghahanap muna ako ng iba pang kapani-paniwalang advice para kay Mother Nature.  Sa ngayon, huwag ka na lang munang maligo o ipunas mo na lang sa damit mo ang kamay mo para tipid sa paper towel at hand dryer.  Happy Earth Day uli.


6 thoughts on “Earth Day ngayon.

  1. Hello! Napadalaw ako sa blog mo matapos kong mabasa ang nakakataba ng puso mong comment. At seryoso, nakakatuwa ang mga nabasa ko (so far). Magaling! Para lang akong nakikipag-usap sa ka-klase ko nung grade 5. Ang natural, walang halong kiyeme o yabang. Galing sa puso.

    Salamat ha, nabuo mo ang araw ko. Aabangan ko ang ibang entries mo! Gudlak sa lahat!😀

    • Salamat sa pagdalaw. Ang sarap sa pakiramdam na may napadaan sa blog ko bukod sa mga ate ko (imagine: Bob Ong na nag-iwan ng bakas sa blog ko) nakakaoverwhelm. *o* Salamat talaga.

      Aabangan ko din ang maraming-marami mo pang artik, vlogs, at ang pagsulong mo sa mundo ng stardom. n_n

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s