Ang dimple ko

Meron akong dimple sa kaliwang pisngi.  Meron akong dimple sa kaliwang pisngi na hindi marunong lumitaw kapag ngumingiti ako.  Kahit ilang beses kong praktisin sa harap ng salamin, ayaw niya pa din.  Kaya sa lahat ng pictures ko, hindi halatang biniyayaan ako nun.  Kaya kung nakita mo na ako sa personal, sa pictures sa mga illegal na sites o sa billboards malamang iniisip mo nang nagfifeeling lang ako at desperada lang magkaroon ng photogenic na ngiti.  Pero totoo, isasangla ko pa ang buhay ng mayor namin kahit pati ang wig niya (full set edition), may dimple talaga ako.


Labingsiyam na taon ko nang kinoconfront ang dimple ko.  Kung ayaw niya namang magpakita, bakit pa niya ako sinamahan sa buhay ko, di ba? Kung tutuusin, ang existence nila ay may kaakibat na purpose na magpacute sa mga pictures, para kahit may malaking taling siya sa ilong o pwede ng i-connect-the-dots ang mga pimples niya sa mukha, masasabi pa ding, ay ang lalim ng dimples ng batang ‘yan.  Pwede ko namang palabasin ang dimple na ‘yon paminsan-minsan sa mga ‘di inaasahang pagkakataon tulad ng: kapag nagtotoothbrush ako, nagsasalita o sumisigaw, nanguya o nasipsip ng candy, kapag (note: imagination start) nag-uhhmm ako sabay tago sa upper at lower lip o kapag kinagat o dinilaan ko ang labi ko (tapos na ang imagination time).  Hindi na rin masama, pero kapag picture-an na, nawawala na siyang parang bula pwera na lang siguro kung ang pose na gagawin ko sa picture ay may kinalaman sa mga nabanggit kong pagkakataon, solved na ang problema kong napakalalim.  Kaya naiisip ko na lang minsan na kabilang ang dimple ko sa mga nilalang na hindi pa matagpuan ang calling nila sa buhay o hindi pa nakakabili ng purpose driven life, gulong-gulo, nababaliw, naliligaw.  Pangpalubag loob na lang ‘yan sa sarili ko.



Hindi big deal para sa maraming tao ang ganitong problema.  Kaso nanghihinayang kasi ako na ako na nga lang ang nabiyayaan ng dimple sa aming 5 magkakapatid, mahiyain pa ang naampon ko.  Ito na sana ang bagay na maisasampal ko sa mga taong walang kasing kulit na nagsasabing nakakalito daw kung sino ang sino sa amin.  Ito na sana ang edge ko.  Madedescribe ko na  sana ang sarili ko, physically.  At siguro mas naging camera whore ako kaysa sa kakatihan kong maging cameraman sa lahat ng okasyon.  At baka humble ko pang maikukuwento sa iba na may dimple ako kaysa sa magtunog naghahallucinate at nakaka-whatever sa sinumang makukwentuhan ko.  Baka sakaling may iba akong comment na natanggap sa mga pictures ko bukod sa malaki ang mukha ko at matambok ang pisngi ko.


Maraming bagay sa buhay na hindi man natin nakikita, cool na tayo sa ganung setting.  Batok, bumbunan, leeg, tenga at kung anu-ano pa sa katawan natin.  Hindi man natin nakikita kahit ano’ng ikot at baluktot ng katawan natin, alam nating nandiyan sila sa bawat pagkapa at paghimas natin sa kanila.  Hangin, salubsob sa daliri, ingrown na kuko sa paa, multo, hindi man sila nakikita ng ating mga mata gaano pa ito kalinaw, sa bawat pagdating naman nila ay siguradong nagpaparamdam sila at nagpapaepal upang i-assure tayo na nandyan na sila.  Ang mga tunay na kaibigan at mahal sa buhay na kahit gaano man katoxic ang schedule o gaano kalayo ang lugar na ginagalawan  o gaano man kaiba ang direksyon ng buhay sa iyo o kung buhay pa o patay man  kahit na hindi  mabigyan ng pagkakataong mangamusta o dumalaw o magpakita ng mahabang panahon, sa kabila ng lahat, madadaig ng tibay ng samahan at pagmamahal para sa isa’t isa ang anumang hadlang, mararamdaman mong forever na silang nandyan para sa iyo anuman ang mangyari.  Si Bro, ang mga alaga niyang angels, at ang buong setting ng mundong ginagalawan nila, hindi na natin kailangang hingan ng pruweba at picture upang patunayang totoo sila at alam nating bahagi sila ng buhay natin na walang ending kahit pa minsan ay may ilang elementong nagpapaduda sa ilan sa atin.  Hindi lahat ng bagay sa buhay ay katulad ng isang dimple.  Hindi lahat ng misyon sa buhay ay kasing babaw ng halaga ng isang dimple.  Hindi lahat ng buhay ay kailangan ng isang dimple, hindi lahat ng buhay ay nadadaan sa isang dimple, hindi lahat ng ngiti ay nasusukat ng isang dimple, hindi lahat ng pictures ay kailangan ng isang dimple.  Muli akong nagliliwanag ngayon, pausoAte, kuhanin mo na ang martilyo at pako, simulan na nating palalimin ang pakipot na dimple na ito, dali. Ikaw gusto mo ba?

10 thoughts on “Ang dimple ko

  1. hoi ilusyonada, meron ako dimple, malalim at visible… on 2nd thought baka naman di ikaw ang kapatid ko… huh? sino ka? anong pangalan mo? do i know you? ARE YOU HELPING TO MY MOTHER? OF COURSE YES, I MEAN, I HOPE EVERYBODY HAPPY… BECAUSE I WANT TO SPEND TIME WITH MY COUNTRY. HAHAHAHA

    • *standing ovation* panalo ang english mo, napatumbling ako sa sobrang galing. idol ko talaga si manny. nyahahaha iha-hire ko siyang tutor sa english, gusto ko ang tabas ng dila niya,… madulas. hahahahahaha

      and napapaisip pa din ako kung may dimple ka nga… all i know is may taling ka sa ilong. medyo naaagaw niya yung attention ko e. harhar *o*

  2. Buro nanaman ako dito sa office kaya binasa ko nalang ang blog mo DIANA! hahaha! tapos na ang mga pinaencode skn ng boss ko kaya magpapakabulok nnmn ako dito sa net..

    nakakatuwa ang blog mo tungkol sa iyong dimple.. may dimple ka pla, di ko din napansin.. hehe.. naalala ko tuloy bigla un may pimple ka na malaki sa ilong nun 4th yr tau.. parang nun ka lang nagkapimple kasi.. haha..

    • wow, tumatakas ka na din sa boss mo. tsk tsk. aaah papapalitan ko na talaga ang pangalan ko, nalalandian ako. haha

      sabi na, wala ng naniniwalang may dimple ako!!! di bale papakita ko sayo kapag nagkita tayo. meron talaga, mahiyain lang. haha

      ano ka ba nagkaroon din ako ng malaking pimple nun 3rd yr ako!! showy ang mga tagihawat ko, laging gigantic. kadiri. hahaha

  3. grabe, hindi ko inaakalang dadating yung last paragraph ng entry mo. medyo nawindang ako. akala ko bitter ka lang talaga sa shy type mong dimple. =D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s