Mabuhay. Balik-blog. with pasalubong.

Sabi nila, kung sinuman sila, nakakapagod magsulat, nakakastress, nakakabaliw, nakakatamad, nakakaubos ng oras, tinta ng bolpen, yellow paper, o ng battery ng laptop.  Lalo na kapag wala namang katuturan at patutunguhan ang lahat ng nais mong isulat.  Dahil sa huling tuldok ng huling sentence sa huling paragraph, wala namang nangyari, walang nagbago.  Nagsulat ka lang.


Ang dami ng nangyari mula ng nag-emo ako sa akala kong mabubuhay kong blog ito.  Namatay na si Michael Jackson at si Cory, kasal na si Mar Roxas at Korina, buntis na naman si Angelina Jolie at malapit na uling maging presidente si Erap.  Ang dami ko na sanang nasulat kung hindi lang ako napagod, kung hindi lang ako tinamad.  Baka hindi sana ako naghihingalo ngayon sa paggawa ng essays sa English writing class ko.  Baka hindi ko napagbuntunan ng atensyon ang nuggets ng Mcdo at donuts ng Krispy Kreme.  Baka hindi nagmukhang bilaran ng araw-araw na pangyayari sa buhay ko ang Twitter ko.  Baka hindi ko ginagawa ang post na ito.  At baka sikat na ako.


Madami na akong in-official na bagong simula sa buhay ko. Bagong simula sa buhay estudyante: ang bagong trip na inangkasan ko ngayon.  Kasabay ‘nun, ang hamon ko sa sarili kong magising sa binuo kong ilusyon kasabwat ang blog na ito, gaya ng realization ko na walang mabuting maidudulot sa mga pangarap ko sa buhay ang paglalaro ng cafe world.


Pero namiss ko ang magsulat. Mali pala sila, kung sinuman sila, hindi nakakapagod ang magsulat, hindi nakakatamad, hindi nakakaubos ng kung anuman.  Para sa akin.  At ngayon, gaya ng mga nagsa-Saudi, pinakawalang kalapati, iwinalang pusa, damong binubunot, mga dating manliligaw na nabasted ng huli nilang niligawan, kulot na buhok na pilit pinapastraight, mga tabang natunaw pagkatapos i-lipo o mga inosenteng batang nagtatanan, muli akong nagbabalik-loob, muli akong nagpaparamdam at muling magiingay.  Hindi man ako nangangakong hindi ko na maiisipang maglayas, susubukan kong magsulat ng magsulat hangga’t may inspirasyon pa ako, may tinta ang bolpen ko, o hanggang masaid ang battery ng laptop ko.  Welcome back me.

4 thoughts on “Mabuhay. Balik-blog. with pasalubong.

  1. Bilib ako sa husay mong magsulat..Halos binasa ko nga lahat ng post mo,hehehe. Hmm,halos pa lang naman… Tama, wag kang tumigil magsulat. Yan ay isang gift na dapat mong i-share sa mundo.

    Nga pala, dinagdag na kita sa blog roll ko bago pa man ako humingi ng permiso.
    Mag- iwan na rin ako ng bakas,,,,

    http://lipadlaya.wordpress.com

    At pareho pala tayo ng theme,,, sulat lang ng sulat…..

    • wow. maraming salamat. sana nga sipagin akong magsulat ng magsulat. at sana nga may sense talaga ang blog kong ito. salamat uli. na-inspire akong muli. ^o^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s