Ako vs Me

Malapit ng matapos ang unang sem ko sa bago kong school.  Ang bilis ng panahon.  O sadyang mabagal lang ata talaga ako.  Dahil sa in-class essay writing midterms ko sa English na kinukuha ko ngayon, na-inspire akong gawin ang blog na ito.  Sa totoo lang, kung icocopy paste ko lang ang mismong essay na sinulat ko ‘nun, baka tuluyan na akong itakwil ng mga kakilala ko sa kababawan ng laman at pagkukwento ko doon.  Pero dahil paborito ako ng teacher ko dahil may sense naman daw ang gusto kong iparating, nakakatuwa ang nakuha kong grade.  At ngayong nakapagmuni-muni na ako at napagtanto kong may patutunguhan naman kahit papaano ang mga ideyang nabuo ko doon kung itutuloy ko ngayon, naisip kong magsayang muli ng oras at makipagbonding sa keyboard ko at para maisip ng nanay ko na busy-ing-busy ako sa mga assignments ko at mailigtas ko ang sarili ko sa pagliligpit ng mga plato, ikukuwento kong muli ang mababaw na kwentong nabasa ng teacher ko noon.  Mas ok ngayon, walang time limit, walang magchecheck bawal magcomment sa maling sentence structure o sa maling posisyon ng kuwit  ,,,,,,,,,, at higit sa lahat, in Tagalog. whew.


Tandang tanda ko pa kung kailan ko nalamang nakalusot ako sa pangarap kong school.  At lalong tandang tanda ko pa kung paano ko ibinalita sa bahay namin ang magandang balita.  Ilang araw bago ‘yun, naiwala ko ang digicam ng ate ko pagkatapos ng JS prom namin.  At hindi ko ipinaalam agad sa nanay at ate ko ang kasalanang nagawa ko.  Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob.  At dahil pinagpala ata talaga ako, dumating ang magandang balita.  Perfect timing.  Pagkauwi sa bahay, Ate…… ah, …… naiwala ko ‘yung digicam. “HHHAA?!!!!!!” Pero nakapasa akong UP!! At wala ng nasabi pa ang ate ko.  Nakaligtas ako.  Amen.  Pero hindi lang dahil dun kaya ako naging masaya, sobrang saya ko ng araw na ‘yon.  Parang nagliwanag ang kalangitan sa panahon ng kadiliman.  Kasing saya ng kapag absent ang teacher mo sa Biology sa araw na nakalimutan mong may exam kayo sa scientific names, kasing saya kapag nakasanggian mo ng siko ang crush mo sa canteen, kasing saya ng panonood ng Teletubbies o Shaider at ang pagpapakita ng panty ni Annie.  O baka mas higit pa ‘dun.  Sobrang saya.  Peksman.  Kahit magka-album pa si Mommy Dionisia bukas na bukas din. *Knock on wood*


Naaalala ko din kahit papaano nung araw na nalaman kong natanggap ako sa school na pinapasukan ko ngayon.  Naaalala ko din kung gaanong kadaming papel at emails ang naipadala ko bago ko nakumpleto ang lahat ng requirements.  Naaalala ko din ang kaba at pressure na baka abutin na ako ng literal na ten years bago makagraduate.  Naaalala ko kung gaano ako kasaya ng malaman kong tanggap na ako.  Masaya.  Pero kung magsasparring sila ng depinisyon ko ng “Masaya” nung araw na nakapasa ako sa UP, obvious kung sino ang knock out sa round 1.  Mas cool pa din ang nawalang digicam.


Buhay ko noon vs ngayon?  Dati araw araw kong naramdaman ang independence na inaasam asam ko.  Boarding house — walang tagaluto ng pagkain, walang manggigising sa umaga, walang maglalaba at mamamalantsa, walang instant groceries, at walang tagahatid sundo — iniyakan ko ang imagination ng lahat ng iyan ng unang gabi ko sa boarding house, parang nightmare na gusto kong takasan, pero pagkatapos ‘nun, matinding karanasan para sa akin na hinding hindi ko makakalimutan kahit dumating ang araw na malito na ako kung nasaan ang kanan at kaliwa.  Dati parang ayokong mag-isa, ayokong mag-solo flight, ayokong maging the grinch.  Sinubukan ko pang sumali sa org.  Ang dami kong nakilala at natutunan.  At dahil dun dumami din ang friends ko sa physical world at sa friendster *flash back: friendster = (facebook-multiply+twitter-myspace-others), kung di mo na talaga maalala, visit http://www.friendster.com for more information*.  Dati kinalimutan kong GC ako nung high school, na posibleng maging highest ako sa exams, na kaya kong magsipag at magpakalunod sa libro ng buong magdamag, nakuntento ako na maging ordinaryong estudyante — hangga’t pumapasa, walang problema.  Hindi ko man lang naranasang mabiyayaan ng uno at baka nga wala akong naging teacher na natandaan ang pangalan ko (bukod sa Chemistry lab teacher ko na board mate ko ^o^  *.  Kung susumahin, enjoy  ang buhay UP ko at hinding hindi ako magsasawang ulit-ulitin ang mga araw na ‘yon kung mabibigyan ng tatlong wish ng isang genie.


Ngayon nagbago ata ako.  Baliktarin mo lang kung sino ako noon at maiimagine mo na kung sino ako ngayon.  Hindi ko alam kung naging mas ok o naging hindi mas okay bilang isang estudyante.  Hindi ko tuloy alam kung pupurihin ko ba o itetreat ng ice cream ang sarili ko o dodrawing-an ng malaking star ang noo ko o kakantyawan at didikitan ng note na LOSER ang likuran ko.  Ewan ko nga ba kung bakit ‘di ko nagawang i-revive ang positive na bahagi ng katauhan ko noon at idinagdag sa positive na bahagi ng katauhan ko ngayon.  Epekto ata talaga ng pagtagilid ng utak ko o totoo nga ata talaga ang sabi nila na hinding hindi pwedeng isabuhay ang salitang perfection sa lahat ng aspeto.  Kung ‘di ka sang-ayon, ililibre kita ng front seat ticket sa kauna-unahang concert ni Mommy Dionisia. *knock on wood 10 to the n power times)

Masaya na uli ako ngayon.  Hindi man kasing saya noon, pwede na din, ok na din.  Lalo akong nagiging masaya kapag nabibigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong mag-reminisce tulad ng ginagawa ko ngayon, ang dami kong naaalala, ang dami kong narerealize.  At dahil sa essay ko, sa blog na ito at sa “saya” na naibigay ng bago kong buhay estudyante ngayon, lalo kong naramdaman kung gaano ako naging kasaya noon at napaalala ko sa sarili ko kung gaano dapat ako maging kasing saya sa N years from now.

One thought on “Ako vs Me

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s