tru lab.

First love never dies.  But, true love buries it alive.

Love is blind.  Love is not blind – it sees more, not less.

Love is like a rosary full of mystery.  Love is not a mystery; it’s everything.

Love is simple.  Love is complicated.

Andami-dami namang meaning ng love.  Love is ganito.  Love is ganyan.  Minsan malalim, minsan walang kasing babaw.  Minsan nakakagaan ng pakiramdam parang instant gamot sa problema, minsan nega at tinutulak kang maging suicidal.  Minsan tagos sa puso mo kapag tinwit ng kaibigan mo kaya ia-RT mo pa, minsan hindi ma-konek ng brain cells mo ang logic kaya narealize mong wala lang maisip na facebook status ang kaibigan mo kaya inimbento nya  lang yun kasi uhaw siyang makakuha ng sandamakmak na ‘like’ at ☺ ☺ ☺ mula sa kanyang mga kaibigang emo.


Kung ako ang iinterview-hin mo (o formspring kaya, dali meron ako nun, dahil cool ako, at dapat maki-ganun ka din dahil ‘yun ang uso ngayon, pramis), wala kang mapapala sa akin.



Mag-iisang buwan na palang nawawala ang pinakapaborito kong pantalon.  Nung isang linggo ko lang napansin.  Minsan ko lang ‘yun suotin, kapag may special occasion lang, dahil ayokong maluma siya kaagad.  Nung isang linggo, dahil kailangan ko ng lucky charm sa matindi kong exam, naalala kong suotin siya.  At sa kasamaang palad, nalaman kong nawawala na pala siya.  Parang end of the world, halos isang oras din akong naghanap, isang oras na sana inubos ko sa pagrereview.  Pero dahil ayokong isagad ang kamalasan ko, nag-aral na lang ako at pilit kinalimutan ang bad news.  Isang linggo din akong nadepressed, brokenhearted.  At para pasayahin ang sarili ko (nagmarathon ako ng Dora the Explorer), bumili ako ng bagong pantalon.  Ang saya-saya ko.  ‘Yun ang una kong nakita at mukha namang ok kaya binili ko agad.  Rebound pants.  Syempre sinukat ko agad pag-uwi ko.  Excited. Pagharap ko sa salamin, mukha akong nakapajama.  Medyo maluwag.  Unflattering.  Hinubad ko na lang.  Depressed.  Naisip ko, pampalubag loob, pwede na sigurong pagtiisan, at least may susuotin na ako kapag dumating ang mood kong ayokong pag-isipan ang itsura ko o kaya kapag alam kong mabubusog ako sa pupuntahan ko at kailangan ng extra space.  Nung isang araw, sinukat ko siya uli sa harap ng salamin.  Sablay talaga.  At dahil hindi naman siya nakakatulong sa depression at pagkamiss ko sa paborito kong pantalon, binigay ko na lang siya sa nanay ko para ipamigay kung kaninoman pag-uwi niya sa Pilipinas.  Alam ko naman kasing ‘di dadating ang araw na nanaisin ko siyang suotin kahit gaano pa ako ka-wasted o kaantok.  Sayang lang ang pagiging pantalon niya sa mga kamay ko.  Mabuti pang may maka-enjoy sa kanya, may maka-appreciate.  Alam kong makakatagpo siya ng ka-baywang niya.  Happy ending sila.  Ako, namimiss ko pa din ang pantalon ko.  Niregaluhan na ako ng ate ko nung isang araw.  Mas ok siya kaysa dun sa pinamigay ko.  Pero naalala ko pa din ‘yung paborito kong pantalon.  Iba pa din.  Minsan nga iniisip ko magmumulto siya at bigla ko na lang siyang makikita uling naka-hanger.  At kapag nangyari ‘yun, ‘di ko na siya iwawala.  Kahit gawing ransom pa ‘yun kapag kinidnap si kobie the doggie ng mga kapitbahay kong kontrabida.


Mahina ako sa english.  At aminado akong marami akong words na hindi ko alam ang meaning kaya kung mag-uusap tayo, ‘wag na ‘wag mo akong babanatan ng napaka-flamboyant mong pananalita dahil magsasara ang utak ko at ang pinto patungo sa friendship natin.  Kanina, habang nagrereview ako para sa exam ko sa Materials Science, humarang sa takbo ng utak ko ang salitang ‘intrapolation’.  At kung alam mo ang salitang ‘yon since birth, ikaw na nga.  At dahil iisa lang naman ang solusyon sa lahat ng problema ng mundo ngayon, ginoogle ko kaagad.  Lahat ng nasa itaas ng page, interpolation ang pilit binibigyan ng meaning.  Napaka-intrimitida.  ‘Di ako magaling sa vocabulary pero marunong akong magtype ng words, U gugel yu! At sa wakas may search result entry ng intrapolation, dali-dali kong kin-click.  At swerte nga naman, ang nagload na webpage ay pdf ng librong binabasa ko.  Napakainam.  Isang malaking tulong, salamat.  Ilang segundo pagkatapos, bago mag-init ang ulo ko, nag-assume na lang ako ng meaning niya.  Mukhang nagkonek naman sa mga salitang katabi niya.  Minsan may mga bagay na hindi na dapat i-google pa.  May mga bagay na nasa harapan mo na, hindi mo pa din makita, o sinasadya mong hindi makita.  Lingon ka kasi ng lingon sa maling direksyon.  Minsan ang simple-simple, ginagawa pang komplikado.  Minsan lumiliko at kung saan saang sulok ka pa sumuot, dun pa din naman pala ang butas na lalabasan mo.  Kaya kapag may tanong sa exam na ‘di ko alam ang sagot, intrapolation siguro ang sagot.


Andami ng bawal kainin ng tatay ko.  Bawal siyang magsoftdrinks, mag-patis, kumain ng taba o ng masyadong matamis.  Bawal na din siya munang bumili ng sapatos.  Mas malala pa ang sakit niyang ‘yun sa high blood niya.  Kahit na sa tingin ko naman ay magkakamukha ang mga sapatos na nagugustuhan niya, lagi na lang siyang nakakakita ng sapatos na mas okay daw dun sa mas luma niyang nabili.  Mas pinili pa nga niyang regalo ang sapatos kaysa sa pustiso.  Minsan kapag nasa mall kami at sinabi niyang, o sige mauna na kayo dun, susunod na lang ako, ang translation lang nun ay pupunta lang ako sa mga sapatos, kaya mauna ka na dahil kontra ka naman lagi sa taste ko.  At basta usapang sapatos, hindi uso sa kanya ang pagdadalawang isip.  Kapag tinamaan ka daw, tinamaan ka.  Kaya kapag nakahanap ka daw ng hindi mo inaasahan ng sapatos na gustong gusto mo, bilin mo daw dahil baka hindi ka na makahanap uli ng ganung kaganda (o kakomportbale, depende sa idea mo ng perfect shoes) o baka mabili pa ng iba sa moment na magdalawang isip ka.  Kahapon sinamahan namin ang nanay ko sa tindahan ng sapatos.  Babalikan niya daw ‘yung rubber shoes na nagustuhan niya nung isang linggo.  Pagdating namin dun, wala na.  Sayang.  Hindi ako mahilig sa sapatos o magshopping kaya ‘yung sayang kong ‘yon, baka hindi kasing emosyonal ng iniisip mo.  Wala kasi akong experience na naisahan ako sa mga bagay na ginusto kong bilhin at binalikan kong uli.  Naniniwala akong dapat pinagiisipan muna ng 1000x bago mo bilhin ang isang bagay, hindi ako masyadong naniniwala sa love at first sight, pero malakas ang paniniwala ko sa destiny.  Noon, napatunayan kong epektib ang prinsipyo kong ‘yon sa buhay.  Nang magtagpo ang landas namin ng pinakapaborito kong bag.  Nakakaaliw ‘yung bag na ‘yun, love at first sight.  Ang tagal kong tinitigan ‘yun sa SM.  At dahil wala naman akong pera nung araw na yun at uuwi na kami, nagbabye na lang ako sa kanya.  Oras.  Araw.  Linggo.  Tinamaan ata ako.  Parang binabangungot niya ako gabi gabi.  At talagang nag-ipon ako.  At dahil ang hirap mag-ipon nung college ako, pinag-isipan kong mabuti kung gagastusin ko ba talaga ang pera ko o itatago ko na lang yung pera ko.  Saka baka makakita ako ng ibang mas maganda, mas worth it.  Kaya ipinaubaya kong muli sa destiny ang lahat, kapag andun pa din siya pagbalik ko, para sa akin talaga siya, at kailangan ko na siyang bilhin.  Kapag wala na siya dun, e ‘di wala.  Move on.  Pagbalik ko, true love.


Define love.  Parang one million dollar question.  Wala namang makakapagsabi ng tamang sagot.  Walang makakaalam kung ano ang tamang sagot.  Kaya walang mag-uuwi ng one million dollars.  Sorry, you lose.  Better luck next time.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s