High School.

stolen shot. ang tunay na kami.

Rewind.  Next life.  Wildcard.  Second chance.  Kung mabibigyan man sana ako ng pagkakataon na ulitin ang lahat, bakit hindi?

Namimiss ko ang high school.  ‘Yung simpleng buhay estudyante.  ‘Yung pagsakay ko ng baby bus araw araw kasabay ng alingawngaw ng mga jologs na kanta.  May kasamang kaba pa na baka masarhan ka ng gate at makuha ni Sir Manguera ang i.d mo.  Namimiss ko na din ang flag ceremony, ‘Oh my Jesus, through the Immaculate Heart of Mary, we offer you our prayer…’ hanggang sa pagkanta ng College Hymn at sa ‘you may pass now..’ at kapag minalas malas naman, mapaulit ni Mam Norris na magflag ceremony habang pinapanood ng ibang section na nakasilip sa mga bintana ng classroom nila.  Nakakamiss ang pagtambay sa recess, minsan pressured sa pagrereview o paggawa ng assignment, minsan sa pagiging parasite sa pagkain ng iba o kadalasan sa pagmamatyag sa crush o sa mga posibleng tsismis, mas ok lalo kung wash day ng mga college students.  Nakakamiss din ang long table sa canteen at ang maling ng Twin Bee.  Ang stress at taranta sa paghagilap ng kokopyahan o pagpapraktis ng presentation na wala pang script at props o pagbili sa Fina’s ng mga nakalimutang materials na kailangang dalhin.  Nakakamiss ang meryendang dala ng seatmate mo sa mga subjects na nakakaantok pasukan o paggugroup message sa mga taong abot tanaw mo lang naman pero dahil matatapos na ang Unlitxt mo, kailangan mong sulitin kahit tanong lang kung meron silang kendi o kung ano ang assignment sa susunod na araw.  Nakakamiss ang tunog ng bell, na halos kada oras sumisingit sa daldalan o sa panghuhula mo sa exam.  Nakakamiss ang mga locker at ang pagtambay sa piling nila.  Ang tambakan ng mga kalat, kung anu-anong papel at props, iwanan ng PE uniform, tagabantay ng payong na pilit kong iniiwan dahil sagabal sa bag, taguan ng maraming sikreto, karanasan at ala-ala.

Nakakamiss ang mga event sa Baste.  Feast ni St. Augustine, ang karakol, community mass, at syempre dahil walang pasok.  Intrams, ang pagbabati bati ng section alang alang sa cheerdance na dibdiban ang laban, career kung career, ang mga booth ng iba ibang org, ang kantyawan, at syempre dahil tatlong araw na walang pasok.  Feast of the Immaculate Conception, syempre dahil wala uling pasok at may extrang paraffle pa pagkatapos ng community mass.  Syempre ang recollection kada taon, parang field trip na medyo seryoso ang theme pero isa ‘yun sa bonding moment ng mga taga baste.  Ang retreat na isa sa pinakamalakas ang tama sa akin, dun mo marerealize na masarap palang maging kapitbahay ang mga classmates mo, ‘yung kayo kayo lang, kakwentuhan bago matulog at kasabay sa paggising sa umaga at kasama sa pagtatapos ng araw .  Ang career week na parang costume party ng mga graduating students pero sobrang nakakaaliw din naman.  JS Prom na kahit corny minsan ang music, pwede na din dahil maraming nabubuong ala-ala.  Foundation Day na kung tutuusin ay masaya naman.  Nandyan ang Mutya, paconcert, games, parada, kung anu-ano pauso at fund raising at syempre ang dance presentation ng mga estudyante.  Paborito ko ang mga folk dance dahil dun mo mararamdaman ang energy ng mga estudyante  at mapapansin ang pagkaconservative ng buhay Sebastino.  Nakakamiss ang Periodic Exam days.  Half day lang tapos papasok ka na walang laman ang mga bag na nagpapaliitan, ang cramming sa pagpapaphotocopy ng filler ng iba o pagpiprint ng project sa Computers at syempre ang paggala sa last day ng exams.  Nakakamiss din ang mga paningit at intermission sa mga klase, nandyan ang panahon ng kampanya ng Student Council, pagtuturo ng kanta nina Ate Vangie (pang Religion time lang ito), pagbisita ng ibang kongregasyon, pag-aannounce ng kung anu-ano ng mga org, practice ng cheering o kaya kapag manonood lang sa AVR at walang boring na lesson.  Nakakamiss din ang paghuhulog sa mga lata ng Bantay Bata, mga kung anu-anong bayarin sa tshirt, raffle, ticket atbp, paluwagan, o kaya mga simpleng utang sa mga kaibigan.  Nakakamiss ang pagpapasahan ng note, mapa-tsismis man o kopyahan sa assignment.  Nakakamiss din ang pagpapalit palit ng seating arrangement, bagong kadaldalan, bagong cheatmate, bagong makaka-close.  Nakakamiss ang kung anu-anong seminar at program sa auditorium, ang excitement kapag narinig mong mahaba ang pagtunog ng bell na malamang ibig sabihin suspended na ang klase, ang pagtambay sa bahay ng kaibigan o sa Twist and Twirl o kay Mang Diego.  Nakakamiss ang kung anu anong activities ng club, Linggo ng wika, English Fest, United Nations o Inter-org.  Nakakamiss ang nagkalat na COCC sa lobby, nakakamiss din naman ang Homeroom, ang super high tech na printer sa computer lab, nakakamiss ang bus ng Baste kahit na parang pangvarsity lang ata ‘yun.  Nakakamiss ang pagsusuot ng i.d., na mga freshmen lang ang hindi marunong maghubad pagkatapos ng klase, na kahit na sinusuot ko lang yun bago ako bumaba ng baby bus at hinuhubad kaagad pagka-bell, matindi din ang tulong na ikinontribute niya sa buhay ng marami kaya di malilimutan ang memories ng i.d. bilang ruler, pang-bully lalo na kapag kulay blue na ang i.d. lace, pangpasarap ng pakiramdam na taga-baste ka talaga, at ang moment na babawiin mo na siyang muli after silang mapasakamay ni sir manguera.  Nakakamiss ang uniform ng Baste pati ang makulay na jogging pants at shorts sa PE, ang c.r. at ang mga vandals dun, ang bawat haligi ng hs bldg, luma man at magandang setting ng isang horror movie, naging malaking parte ‘yun ng buhay ko.  Nakakamiss ang mga teachers, si Sir Ignao at ang paghanga niya kay Sharon Cuneta, si Sir Edwin at ang pagtatanggol niya sa Ginebra, si Mam Karangalan at ang paborito niyang lesson, love talk, si Mam Perez, si Sir Jaime, si Sir Victa, lahat.  Nakakamiss din ang mga guard kahit suplado ang iba, ang mga SA na matindi ang mga mood swings, si Mam Salonga at ang kanyang famous hairstyle, sina ate sa canteen, ang mga taga-Theo at syempre ang mga pari, si Fr. Glyn at ang kanyang de-remote control na kotse, si Fr. Madz at ang kanyang give away na 500pesos sa isang tanong niya sa homily at syempre si Fr. Ferdie at ang kanyang paghanga sa A1 at ang hidden talent niya sa pagsasayaw.  Nakakamiss ang iba ibang extra curricular activities.  Singing contest, cheering, essay writing, poster making, beauty pageant, quiz bee, spelling bee, speech choir, debate, extempo, sports fest, lahat na ata ng talent na pwedeng ungkatin sa kaloob-looban ng bawat estudyante.  Nakakamiss ang overnight at pagpapraktis ng kung anu ano, mapaseryoso o simpleng play lang kay Mam Cervantes, paggawa ng project tuwing Sabado, mapaMovie maker man kay Mam Mabel o comics sa Religion II.  Nakakamiss ang simpleng kilig ng buhay high school.  Iba -ibang love story na ata ang nabuo sa apat na haligi ng Baste.  May mga mababaw lang at may ibang naging simula ng malalim na samahan.  Nandyan ang pasulyap sulyap lang, pasimpleng crush, sikretong paghanga, bulgarang panliligaw.  May umoorder ng picture sa school photographer, may nabili ng roses at chocolates na free delivery sa mga classrooms ng mga SA kapag Valentine’s Day, may natambay sa labas ng classroom para mag-abang, may lumilibot sa lobby kapag recess para magmasid.  Kantyawan, lokohan, mababaw man pero nakadagdag kulay talaga sa buhay ng ilan.  Iba ang kilig ‘nun, pang highschool lang, maituturing na ‘so high school’ kung baga kapag napagusapan na sa paglipas ng panahon.At syempre higit sa lahat nakakamiss ang mgakaibigan. Ang mga taong muling bumubuhay sa bawat ala-alang iyan.  Kasama sa pagtuklas sa lahat ng bagay na iyan.  Karamay sa puyatan, cramming, kopyahan, kasiyahan, tsismisan, kantyawan, tampuhan, kilig, iyakan.  Kapiling sa apat na taon na hinding hindi malilimutan. Apat na taon na sana ay kaya kong balikan at ulitin.  Kung pwede lang sana, bakit hindi?

-12-06-08

5 thoughts on “High School.

    • eto kaya yung dati ko pang blog, binago ko lang yung layout. may patampo tampo ka pa dyan!! di na nga ako nagbablog e, kulang sa inspirasyon. ang arte ko lang. haha

      • haha magupdate ka dali. at least yung entries mo legit blog posts. yung akin parang diary lang eh. haha. baguhin mo na pangalan ng blog ko sa blog roll mo, “blabber boy” na. haha. check mo blog ko ang colorful na

      • so inuutusan mo pa ako nyan? wala pa akong maisip na isulat. magmumuni muni muna ako sandali. baka sakaling sipagin ako mamaya.

        ang cute ng layout ng blog mo, mas bagay sakin. hahaha joke lang. hello, english naman yung sayo noh, higher level. naks.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s