Remember Me?

Ngayon pa lang feeling ko kandidato na ako sa mga magkaka-Alzheimer’s 60 years mula ngayon.  Nalilito na ako sa mga birthdays at pangalan ng mga taong kakilala ko.  Hindi ko namamalayan na ang taong kinamusta ko limang minuto ang nakakaraan at ang taong sinabihan ko ng ang tagal na nating hindi nagkikita nang hindi pabiro ay iisa lang pala.   Nakakalimutan ko na ang subject ng kinukwento ng kausap ko pagkatapos niyang magre-enact at magemote emote ng halos 30 minutes.  Pati favorite kong color at kung ilang taon na ako ay nakakalimutan ko na din.  Kung kaibigan kita at nag-aalala ka na kung kilala pa kita, kung feeling mo kasali ka sa mga kakausapin ko dito, pwes, ika’y magalak, kilala pa kita at malamang espesyal ka dahil maliit lang ang memory space ko at isa ka sa mga nakapasa sa audition ng kung sino ang tunay na unforgettable.

Naaalala pa kita…..

..dahil pinatunayan mong first impressions don’t last at kahit isa ka sa mga kinakainisan kong tao nung bagets pa lang tayo sa highschool, isa ka pala sa mga magiging masugid na tagasalo ng sikreto at problema ko at tagasakay sa mga trip at kabaliwan ko.

..dahil narealize kong hindi lahat ng super matatalino sa mundo ay nakakainis, nakakadepress, nakakainsecure, nakaka-tulalang kasama.  Hindi ko alam na pwedeng pagsabay-sabayin ang pagiging mabait na anak, kapatid, kaibigan, classmate, roommate, estudyante 24 hrs/7 days/4 weeks/12 months/365.242199 days.  Isa ka sa mga natitirang miyembro ng  “ang kabataan ang pag-asa ng bayan”.  At oo, naalala kita sa tuwing gusto kong kumain ng tapsilog.

..dahil naramdaman ko kung paano maging masaya bukod sa makakuha ng mataas na grades at perfect attendance.  Sa lahat ng mga oras na ginabi tayo noon kahit high school pa lang tayo, narealize kong hindi pa end of the world kapag inabutan ka na ng madaling araw at wala ka pa ding masakyan pauwi.

..dahil ikaw lang ang kaibigan kong pumupunta lagi sa bahay para makipaglaro sakin ng Barbie kahit na dalhin mo pa ang lahat ng gamit ng Barbie mo sa amin.  At kahit na halos hindi ko maintindihan ang point ng weekly assignment natin sa Science na makinig at isummarize ang AM radio show na “Bago ‘Yan Ah” tuwing hapon ng Sunday habang nanonood ng TV ang mga ate ko at nageenjoy sa meryenda nila, naaaliw na din ako dahil bonding moment na din natin ‘yun paminsan minsan.

..dahil sinabihan mo akong mas malaki pa ang braso ko sayo.

..dahil kasama ko kayo sa isa sa pinakahindi ko makakalimutang adventure ng maiksi kong buhay sa diliman.  Parang life and death ang pinagdaanan natin, at kahit hindi man ako nakarating sa finish line, hinding hindi ko pinagsisisihan na sumubok kasama ‘nyo. Kahit ulitin ko pa ang buong application process, gagawin ko, lalo na kung kasama ko kayo. P.S. Hindi ako emo. Pramis.

..dahil ikaw ang best at pinakamalanding buddy sa buong mundo. Hindi man tayo nakapagbuddy date, sobrang masaya ako na ipinaglaban kita sa buddy bidding kahit na nakakabankrupt ang presyo mo.

..dahil isa ka sa mga piling taong matiyagang nagbabasa ng nobela kong email at sinakyan mo ang lahat ng kabaliwan, ka-emo-han, sikreto, kalokohan ko. Kahit na hindi ikaw ang unang naging kaclose ko nung high school, isa ka sa mga taong naiintindihan ako kahit sa isang tingin lang. At syempre dahil sa pustahan natin na alam kong ako na ang mananalo.

..dahil ikaw ang tanging crush ko nung college na hindi ko man lang nalaman ang pangalan.

..dahil kahit magkaiba tayo ng tropa at kaunti lang ang bonding moments natin, isa ako sa mga unang sinabihan mo ng sikreto mo. At dahil sayo napatunayan kong kaya ko palang magtago ng sikreto kahit gaano pa ito ka-juicy. Kahit na hindi na tayo nagkikita at kahit mahanap mo na ang hinahanap mong “the one”, ako pa din ang GF mo, kahit maging blonde na ako.

..dahil feeling ko noon soulmate tayo. Hindi ko akalain na may taong kasing-luwag ng turnilyo ko sa ulo para kumuha ng 2 magkasunod na subjects sa 2 sobrang magkalayong building.

..dahil sinabi mong ako lang ang taong kilala mong walang sense of humor.

..dahil hindi ko man kayo kaclose nung high school, hindi nyo nakakalimutang makipagkwentuhan sakin sa email. At narealize kong pwede pa ding lumalim ang friendship kahit hindi kayo nagkikita at nasa magkabilang panig kayo ng mundo.

..dahil kahit ang tagal na nating hindi naging magclassmate, nagkakaintindihan pa din tayo sa mga kabaliwan natin. At sa mga kwento mo, naalala ko ang buhay nung elementary pa lang tayo.  Tama nga ata ang sabi nilang hindi masamang lumingon sa pinanggalingan. Lalo na kung alam mong hindi ka naman talunan sa chinese garter, jack stones, at sikyo.

..dahil ikaw  ang favorite teacher ko. At dahil wala ng mas aaliw pa sa mga gimik sa exams mo, ang speech choir naming super fail, ang pagtakip mo ng folder o scarf sa bibig mo kapag natatawa ka na, kay astroboy at betty boop, kay megastar.  At paano ko naman makakalimutan ang araw na pinaluhod at pinagrosaryo mo kami pagkatapos mong sabihing “Iniwan ko kayo ng maayos, ang dinatnan ko ay…… <cricket cricket>…. chaos”? Ikaw ang ultimate mommy ko.

..dahil ikaw ang kasama ko ng matapon natin ang isang tray ng pineapple juice na pinapabenta satin ni mam cachuela nang dahil sa kakulangan sa hand and eye coordination.

..dahil nafeel ko ang saya ng magkaroon ng Ipod nung high school. At sa lahat ng nanay-nanayan ko sa school, ikaw lang ang masama ang loob na anak-anakan mo ako. Kahit na itinatakwil mo ako minsan at hindi pa natin nahahanap ang tunay kong ama, alam ko sa kaibuturan ng puso mo, na ako ang paborito mong anak.

..dahil pinatid mo ako nung kinder tayo pero hindi ako nadapa dahil magaling akong magbalance. At hanggang ngayon, galit ako sa’yo.  At oo alam na alam ko ang buong pangalan mo.

1/2 pa lang ito ng memory ko.  Kung wala ka dito, wag kang mag-alala, isipin mo na lang andun ka sa kabilang 1/2.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s