Para kay B (Ricky Lee)

Pagkatapos ng isa’t kalahating taon ng pangungulit sa mga ate ko, sa wakas napadalan na rin nila ako ng kopya ng Para kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin) na isinulat ng nag-iisang Ricky Lee.  Nang malaman ko noon na irerelease na ang librong ito, na-feel ko agad na maaaliw ako dito at inassume ko na agad na magiging paborito ko ‘to kahit hindi ko alam kung tungkol saan, para kanino, o kung makakakonek ba ako sa utak at puso ni Ricky Lee.  Basta naramdaman ko lang, imaginary love at first sight.


Kagabi.  Natapos ko na siyang basahin.  Hindi ko alam kung ano ang mga tamang salita na dapat kong gamitin para i-describe ang mga nabasa ko.  Kakaiba.  Ni hindi ko nahulaan ang mga mangyayari sa bawat page na binuklat ko.  Tagos sa puso.  Hindi ko sigurado kung dahil emo lang ako o kung dahil wala akong puso kaya parang lumagpas sa magkabaling side ng ribs ko ang 5 love stories na nabasa ko.  Masterpiece.  Magkakaroon talaga ng himala at maghahalo ang langit at lupa kung kokontra ka pa.



Hindi ako magaling magsummarize.  At kahit alam kong marami-rami na rin ang naunang nakabasa nito kesa sakin, ayoko pa ding basagin ang kainosentehan ng mga taong hindi pa, kaya hindi ko ikukwento ang bawat detalye ng kwentong pag-aari ni Ricky Lee.  Kahit na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa din ang 5 karakter na binuo niya, ang bawat eksena na parang napanood ko sila sa pelikula, parang ako mismo ang direktang nakuwentuhan nung mga bida, parang nakaupo ako 10 inches away sa malaking screen sa sinehan.


Limang love story.  Iba’t ibang anyo ng love.  Lahat ata ng anggulo ng in-love ay nadaplisan, tinamaan, at na-bulls-eye.  May bawal na pag-ibig.  Parang you and me against the world.  At sa tingin ko kasama ako dun sa “world” na ‘yun.  Medyo nabigla din ako dun sa isa pang kwento pero siguro ganun nga talaga kapag tinamaan ka ni kupido, mararamdaman mong siya nga si “the one”, sino man siya, kung anuman ang kakulangan at kalabisan niya, ang mas matimbang pa din ay ang bawat tibok ng puso.  Nakakaaliw naman ang daloy ng kwento nung isa.  Naalala ko tuloy ang paborito kong professor noon sa Humanidades 1 dahil ikinonek ng sumulat ang mga karakter at ang pag-ibig sa pop culture.  Sobrang nakarelate ako dahil dun at dahil naramdaman kong baka maging katulad ko ‘yung bida.  Matindi ang emosyon nung isang kwento.  Actually, lahat naman nung 5 love story.  Pero parang ang lalim nung love na nagdudugtong sa kanila.  Unrequited love.  Parang affected ako at gusto kong sisihin ang love na ‘yan.  Tsk.  Pinakakinilig ako dun sa isang kwento.  Nakakakilig din yung isa, pero iba ‘yung tama nito sa’kin.  Umibig sa isang tao from the past, umibig sa memories na iniwan niya, umibig kahit na hindi mo alam kung umibig ka nga.  Pinaka-safe na pag-ibig.  At parang may possibility din na maging katulad ko ang bida dito.



Sabi nung sumulat, may quota ang pag-ibig: sa bawat limang iibig, isa lang daw ang magiging masaya.  Hindi ko alam kung totoo ‘yan o hindi.  Kung oo, nakakalungkot naman.  Pero iba iba pa din naman ang kahulugan ng masaya, ‘di ba? At saka ang happiness pa-iba-iba din ang tagal ng pagtambay sa buhay ng tao, minsan matagal, minsan paputol-putol, minsan panandalian, minsan unnatural, minsan imaginary, minsan buwanan, minsan kunwarian, minsan iniischedule, pinagpapaliban pa minsan at minu-move sa mas ok na timeslot.  At kung hindi man totoo ang quota niya, anu’t ano pa man, mahirap pa din ang umibig, ‘di ba? Demanding. Nakakagutom. Challenging. Parang kukurtahin n’ya [pag-ibig] muna ang puso at isipan mo hanggang sa magsparring na sila at pagbubuhul-buhulin ang paniniwala, emosyon, attitude, pangarap, at small at big intestines mo at sisigaw ng Dr. Kwak Kwak.


Hindi ako ma-cheesy na tao.  Hindi ako naniniwala sa “I love you”, flowers, at sa kalandiang text na “Gud pm. Kumain na ba u? Baka magutom ka nyan. Mis u na.🙂🙂 :)”.  Pero naniniwala naman ako kay destiny, na nageexist ang the one nating lahat (pero hindi lahat ay nagkikita, nagkakakilala, o nagkakatuluyan), at lahat ng movie na hinding hindi ko pagsasawaang panoorin ay puro love story.  At ngayon, idagdag mo pa ang bago kong paboritong libro na Para Kay B.  Ikaw na ang bahalang mag-isip kung nakadagdag sa ka-cheesy-han ko ‘yan o nakabawas sa paniniwala ko sa true love.

10 thoughts on “Para kay B (Ricky Lee)

  1. hmmp. maganda ang storya kung hindi kami pinag-project ni Sir ng storyang ito.hindi ko malalaman na mayroong ganito ka ganda na libro pala…. kinakabahan na nga ako kasi mamaya na namin eprepresent ang kwento, kami pa ang number one. hehe .

    • good luck!!! sana naging ok ang presentation nyo. Astig ang professor nyo dahil sinama niya ang librong ‘to sa acad requirements nyo kaya i-hug mo siya. Ang mga masterpiece na tulad neto ay masarap pagkwentuhan ng maramihan. Sana na-enjoy din ‘to ng mga classmates mo na hindi mahilig magbasa.

      • ngayon ko lang nabasa reply mo Starlet… hehe Succesful kaya ung presentation namin nun. humanga nga si Sir sa amin eh… nagustuhan ng mga audience ung ideas na ginamit namin para ma.i present ang libro… sa masaning na pagsasalita kasi un.

      • isang bonggang congratulations!!!! nga pala may bagong libro si ricky lee: “Si Amapola sa 65 na Kabanata” na malapit nang i-launch🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s