5/4

Nung bata pa ako, napagbabaligtad ko ang evaporated milk at condensed milk.  Akala ko sa langit napupunta ang mga lobong nabibitawan ng mga batang mahina ang attachment sa pisi.  Akala ko bawal uminom ng tubig kapag kumain ka ng madaming manggang hilaw at bagoong.  Ngayon solved na ako sa mga maling akalang ‘yan.  Pero, nasobrahan ata ako.


Characters:

Grade 6: ako noong 2002

4th yr HS: ako noong 2006

2nd yr College: ako noong 2007

Present: ako as of may 13, 2010 2:12 am

Present: Bbbboooorrrriiiinnnnnggg.  Define boring.

Grade 6: Kailangan sobra sobra ang letters? ‘Yan lang ang gusto mong malaman ang meaning? Idedefine ko na lang ang tanging natatandaan ko nung Grade 4. SPONTANEOUS COMBUSTION! (ehem) Spontaneous combustion is the gradual accumulation of heat in a material until it reaches igniting point and burns naturally.

2nd Yr College: Alam ko pa din yan hanggang ngayon.  Scrap you.

Present: Ikaw na, ikaw na ang GC. Define GC.

4th yr HS: Pa-define ka ng pa-define.  Para kang Biology exam ni Mam Butil.  Ganito lang yan, GC=ako.

Present: Mas GC ako sa’yo, believe me!!

Grade 6: GC??? GC ba ako?

4th yr HS: Grade conscious.  Parang ‘yun lang, di mo pa alam? FYI, GC ka din.  Pero hindi ka ganung kagaling.

Present: Ang harsh. Pero tama!!!

2nd Yr College: Ano ba kayo.  Iisa lang tayo.  Saka hindi sapat ang ka-GC-hang inaakala n’yong meron kayo para makasabay sa tunay na mundo.  At ‘yang talino na ‘yan, hindi lang kayo ang meron niyan.  At isa pa, madami pa kayong maaari at dapat matutunan sa labas ng apat na sulok ng classroom.

4th Yr: Nosebleed.

Present: Wow ha, mas emo ka pa sa akin.  Ako dapat ang emo sa atin, ‘di ba?

Grade 6: Emo?? Emo ba ako?

4th Yr: LOL. Hindi ka emo.  Basahin mo nga ‘yang diary mo.  Puro kababawan ang laman.  Tapos snoopy pa ang design sa cover. Napaka-inosente. tsk.

Grade 6: Hindi ‘yun kababawan. Ang hirap kayang magmove on kay Rico Yan.  2 months pa lang, 2 months!!!

Present: Move on.

4th Yr: Oo nga,  2 months na ngang kasal si Claudine e.  Ang feeling-era mo naman.

2nd yr College: Infairness, pwede ng i-consider na emo.

4th yr: Wait, bakit tayo nag-uusap ngayon? May special announcement?

Grade 6: Nakita mo na ang Backstreet Boys???

4th yr: May work ka na, fresh from graduation.  Teka, tinapos mo ba ang BS Chem?

2nd Yr college: Mali. Hindi siya naging chemist at hindi pa siya graduate.

4th yr & Grade 6: HUWAT?!!!!!!!! Joke ba yan?

2nd yr college: Ano namang masama kung hindi pa siya graduate? So, ano na nga bang announcement? Uuwi ka na sa Pinas?

4th yr & Grade 6: Isa na namang HUWAT???!!

Grade 6: Hindi ka pa graduate at wala ka sa Pilipinas.  Nag-asawa ka na lang ng isang matandang foreigner at nakatira ka ngayon sa New Zealand?

4th yr: Sabi na malas ang mapasama sa Class Prophecy sa annual.  Hindi natutupad ang pangarap. Hay.

2nd yr college: O.A.  Wala pa siyang asawa.  Wala siya sa New Zealand. Hindi siya miyembro ng out of school youth. At meron pa rin siyang pangarap, meron naman ‘di ba?

Present: Meron?

4th Yr: Hindi ka sigurado? Kelan ka pa naubusan ng self confidence?

Present: Ewan.

Grade 6: Kung wala ka sa New Zealand, nasan ka? Kung nasa States ka, bakit hindi mo pa din nakikita ang Backstreet? Mahina ka.

4th Yr: At nakakainis ang maiiksi mong sagot. Nakaka-bore ka kausap.

Present: Hello. Ano  ba una kong sinabi? “Define boring.” sinagot n’yo ba?

2nd yr College: Lahat ba ng tanong ay may kaakibat na sagot? Lahat ba ng tanong ay matatapos sa isang sagot? Lahat ba ng sagot ay hindi pwedeng maging tanong sa isa pang sagot?

4th Yr: Lalim. Kelan ka pa naging fan ng wikang Filipino?

2nd Yr College: Simula ng makalabas ako sa comfort zone mo. Mas masaya pala. Mas may sense na ako ngayon. At hindi na tunog trying hard ang blog ko.

4th Yr: May blog ka pa din? sa Friendster ba? Ano ‘yan, gumawa ka ng second account? Malamang napuno na yung unang account mo?

Present: Wow ha, Friendster. Sa lagay na ‘yan, proud ka pang may Friendster ka? Ilan na ba ang friends mo at ang testimonials mo? Subukan mong basahin ang mga testi n’yo sa isa’t isa ng mga friends mo, “Eto na ang testi mo na matagal mo ng hinihingi.  ‘Yang si <insert name here> mabait yan.  Sobrang sweet. As in ang sipag sipag niyang magsend ng quotes sa akin. Matalino, cute, at mapagkakatiwalaan, masipag,…….”. Alam mo bang nagkakaubusan kayo noon ng positive na adjectives para sa isa’t isa? tapos lagi na lang mag-eend yung testi n’yo sa “o ayan na ha, gawan mo din ako🙂 ” kaya paulit ulit ang sagutan nyo. i’m sure maduduwal ka sa lagkit at asim ng mundo ninyo.

2nd Yr College: Bakit ano bang meron sa Friendster? Hindi na kami nagpipilitang mag-testi sa isa’t isa para lang magbolahan at paulit ulit na idescribe ang isa’t isa.  Pero dun nga ako nagboblog, medyo tago din kasi yung blog feature dun e. Ok na din, simple lang.

Present: Laos na laos na ang friendster ngayon. Hindi lang siya laos, madami akong kakilala na tinatanggi na may friendster sila noon. Iba na ngayon, mas cool na.  Facebook, Twitter, Formspring, Tumblr.

Grade 6: Blog? Friendster? Facebook? Twitter? O.P. ako.

4th Yr: Infairness, alam mo ang O.P.  Pero oo nga, O.P. ka, pansin mo?

2nd yr college: Anyway, bakit nga tayo nag-uusap? May sense pa ba ang usapang ito? Sayang ang oras. Sayang ang pagkakataon. Sayang.

Present: Bakit ako ba ang dapat makaalam? Sobrang stressed out na nga ako e. Kakatapos lang ng eleksyon diyan sa Pinas.

Grade 6: Sino’ng nanalong president? Si Raul Roco ba? Siya ba?

4th yr: Ay, sorry, kakamatay niya lang.  Si GMA ba buhay pa? Baka siya?

2nd yr college: Siyam ang buhay ni GMA. Wala pa siyang balak mamatay hangga’t hindi pa nagkakaroon ng ChaCha. So sino’ng nanalo? Mar Roxas? Chiz Escudero? Wag mong sabihing tumakbo si Susan Roces? Kill me now!

Present: Mali. Mali. Mali. Si Erap.

Grade 6, 4th yr, & 2nd yr college: %8%^&$#^*Y(^&s#^IZb!!!!!! S*it. Ok, maglaslas na talaga tayo. Goodbye world.

Present: Wag n’yo akong idamay. Ayoko pang mamatay. Hindi pa tapos ang Agua Bendita.  Saka, joke lang ‘yung kay Erap.

Grade 6, 4th yr, & 2nd yr college: amp ka!

Present: Muntikan lang. 2nd lang siya.

Grade 6, 4th yr, & 2nd yr college: what the hell!!!!

Present: Hindi naman siya nanalo. Si noynoy ang bagong president.

4th yr: Noynoy? kapatid ni Kris?

2nd yr college: pumayag si Cory? Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Ninoy.

Present: Patay na si Cory.

Grade 6: Andami ng namatay. Pero sigurado ako buhay na buhay pa si Dolphy.

Present: Tanggap ko na ‘yung kay Noynoy e. Pero hindi n’yo maiimagine ang dami ng mga artistang pulitiko ang nanalo. Nakakakurta ng brain cells.

Grade 6: Konsehal na si Jolens? Mayor sa Manila si Ynez Veneracion at vice mayor si mon confiado? Senador na si Ara Mina?

4th yr: Panalo ang mga artistang kilala mo. Sikat na sikat.

Present: Hindi pa senador si Ara Mina, natalo siyang konsehal sa QC.  Pero artista pa din naman ang nanalong Mayor nila, si Herbert. So may nagtayo pa din ng bandila ng showbizness sa City of the Stars.  Si Jolens, ‘di pa niya naiisip pumasok sa pulitika. Although laos na siya ngayon at sigurado akong hindi na siya makilala pa ng mga magiging anak ko. Unless magbold siya or maging pulitiko nga. Si Ynez at Mon matagal ng break, masyado ka ng late sa balita. Fan ka ba ni Ynez? I-update mo kaya ang wikipedia entry tungkol sa kanya, ang nakalagay lang sa page e “Ynez Veneracion, isang artista sa Pilipinas”. Para namang wala siyang naiwang legacy. Hello. Si Ynez? Si Ynez kaya ‘yung……. basta artista siya, este “sikat” na artista noon.

2nd yr college: Teka, teka, nalolost na ako sa usapan. Ang layo na natin.

Present: Malayo talaga ako senyo. Milya milya ang layo.

4th yr: Pero kausap ka naman namin ngayon. Ano’ng point?

Present: ‘Di ko nga din alam kung bakit ko kayo kausap e. Gusto n’yo i-share ko na lang senyo ang mga bagong words ngayon?

Grade 6: OO!!

Present: Jejemon.

Grade 6: Ang bagong kalaban ng Pokemon at Digimon.

Present: Wowa.

4th yr: Pacute na kawawa? Ano man ‘yang word na ‘yan, naiinis na ako.

Present: Ano ka! Sikat si Wowa. Siya ang lola sa Agua Bendita. Ok, next, Justin Bieber.

4th yr: Ang makabagong superhero.

Present: Mali. Siya ang makabagong Aaron Carter.

4th yr: Ang makabagong superhero ng mga batang may gatas pa sa labi pero nagbabra na.

Present: KPop.

Grade 6: Pop!! Pop cola!!! si Kris Aquino na ang bagong may ari ng gumagawa ng Pop, Kris’ Pop. Kpop for short.

Present: Fail ka dun. Korean pop culture ang KPop. Mas malala pa ito sa F4 madness. Next, Lady Gaga.

4th yr: ‘Yan ang bagong trend sa mga screen names ng bold stars?

Grade 6: Ang bagong pangalan ng child star na si Lady Lee, at bago na ang image niya ngayon.

Present: Epic fail na. Lady Gaga ang naglampaso sa lahat ng pop stars na nabubuhay pa sa ngayon. Bagong mukha ng pop music at fashion.

2nd yr college: Ano na? May patutunguhan pa ba tayo?

4th yr: Deep ka talagang tao noh?

Grade 6: E ano na nga bang mangyayari?

Present: Mangyayari sa akin o sa inyo?

2nd yr college: Sa atin!

Present: Hindi ko pa alam ang exact details pero alam ko may patutunguhan pa tayo. At magiging masaya tayo.

4th yr: Paano mo nalaman? Manghuhula ka na ngayon?

Present: Basta. May nagsabi sa akin.

Grade 6: Naku. Feeling ko talaga nasa New Zealand ka.

Present: May nagsabi nga. At sure daw sila.

2nd yr college: Sila?

Present: Oo. Sila. Kausap ko lang sila kanina. Kausap ko lang kayo kanina. Hindi n’yo lang matatandaan dahil hindi pa nangyayari sa inyo ang usapang tapos na sa amin. Hindi bale, maaalala n’yo din ang lahat someday. Next time na lang uli. Baka tuluyan na akong mabaliw. Kita kits.

9 thoughts on “5/4

  1. Hindi ko masunggaban yung gusto kong adjective, at yung magugustuhan mo. Adik, lukaret, makulit, creative. Ewan. Binasa ko lahat impernezz, langya nakukuha mo pang ilagay ang sarili mo at mag-isip para sa mga edad mong yun? Ang lakas siguro ng emotional attachment mo sa mga stages na yun. Tanginits di ko na alam kung may sense pa sinasabi ko pero hindi ko masasapawan haba nung poste, syef. Hindi ka naman siguro ganyan sa jeep o MRT ano?

    Padaan. Naligaw, nagbasa, sumigaw, umalis, babalik.

    • kahit anong adjective, tatanggapin ko. mababaw naman akong tao.😀 ewan ko nga ba kung bakit parang attached ako sa mga age kong ‘yan, kahit na mahina yung memory ko minsan, bigla bigla na lang minsan nagfaflash yung mga simpleng nangyari noon, tipong nung araw na nahulog ako sa kanal. at narealize kong nakakaaliw palang ireminisce yung dating ikaw, makikita mo yung mga pinagbago mo at ng paligid na ginagalawan mo.

      at sorry hindi ko alam kung ganito ba ako kapag nakasabay mo ako sa MRT o sa jeep. baka.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s