Bakit

Sa lahat ng exams na napagdaanan ko mula kinder hanggang ngayon, ang pinakaayokong salitang mangunguna sa mahabang pila ng mga salita na nagtatapos sa question mark ay ang salitang BAKIT.  Para kasing hindi eksakto yung magiging sagot ko.  Tipong kahit mag-suicidal review pa ako at lumagok ng isang pack ng redbull at extra joss, parang nakasalalay pa rin sa judgment at mood ng teacher ko sa minutong checheck-an na niya ang papel ko ang kapalaran ko.  Hindi din biro ang hanapin ang mga tamang salita, sa tamang order, na makakakuntento sa lakas ng dating ng isang bakit.  Mapa-exam, job interview, tsismisan sa palengke, sa txt ng isang kaibigan, sa facebook comment ng ex, sa witness stand, sa formspring, at sa interrogation ng nanay mo.


Bakit ko favorite ang pelikulang “500 Days of Summer”? Dahil maganda ang story at cool ang soundtrack.  Dahil ang astig ng pagkakaayos sa mga eksena.  Dahil bagay naman ‘yung mga artistang gumanap, may chemistry.


Bakit ako nag-apply noon sa ChemSoc nung freshie ako? Dahil nakakaexcite ang magkaroon kaagad ng instant friends, ng tambayan, tutors at extra-curricular activities.  At dahil nakakatawa sila nung block orientation.


Bakit hindi ako naniniwala sa “I love you”? Dahil masyadong cheesy.


Bakit gusto kong maging engineer? Dahil sabi nila magaling daw ako sa Math. Dahil malaki daw ang kikitain ko balang araw. Dahil ‘yan ang unang profession na nalaman ko nung elementary ako na hindi kasing ordinaryo ng ‘paglaki ko, gusto ko pong maging doktor’ o ‘nars’ o ‘pulis’ o ‘bumbero’ o ‘titser’.  At hindi na kailangan ng uniform para ipakilala, habang kumakanta, ng mga puppet sa TV sa mga batang namumuo pa lang ang mga pangarap.



Bakit gusto kong mag-blog? Dahil wala akong diary ngayon. Dahil mas mabilis magtype at mag-edit kapag kapartner ko ang keyboard at computer screen kaysa sa ballpen at papel.  Dahil hindi na uso ang salitang privacy ngayon.  Dahil hindi na uso ang dear diary.



Pero habang tumatagal, narealize kong mas kaya kong sagutin ang mga tanong ng isang bakit kaysa sa tanong nina ano, saan, kailan, sino.  Ano ang capital ng Uzbekistan? Saan namatay si Antonio Luna? Kailan naimbento ang microwave oven? Sino ang ninang sa kumpil ng presidente ng ultimate fans club ng Sexbomb Dancers? Uurong ang utak ko sa lahat ng ‘yan.  Mas mahirap hanapin ang mga tamang salitang tutumpak at magsasatisfy sa question marks na ganyan.  Mas trip ko na ang bakit.


Bakit ko favorite ang pelikulang “500 Days of Summer”? Dahil kakaiba ang love story, kakaiba si Tom at si Summer, kakaiba.  Dahil ako si Tom.  Dahil ako si Summer.  Dahil parang nanalamin ako sa mga konseptong pinaniniwalaan ko.  Parang hindi ako pinaasa, pinaikot, at iniwang nakabitin, hindi ako kinulong sa unrealistic na mundo, hindi ako nabahiran ng kacheesyhan at hindi ako pinana ni kupido at idineport sa isla ng loveteams na kung saan The Bachelor lang ang palabas sa tv buong taon. At dahil ayoko ng happy ending.


Bakit ako nag-apply noon sa ChemSoc nung freshie ako? Dahil gusto kong maging independent.  Dahil gusto kong isigaw na kaya kong mag-alay ng dugo at pawis sa labas ng classroom.  Dahil gusto kong maramdaman na hindi lang ang achievement sa buhay ay dahil sa uno na maaari kong makuha sa Geog1.  Dahil gusto kong maipagmalaking may nakaalam na nag-exist ako sa UP noon, may magpapatunay na hindi lang ako kumain ng isaw o nagjogging sa acad oval o nanood ng oblation run.  Dahil gusto kong maging masaya.



Bakit hindi ako naniniwala sa “I love you”? Dahil hindi na siya original.  Gasgado na.  Social norm na lang, kailangan at dapat sabihin.  Masyadong general, lahat nakakaalam, of all ages.  Dahil binalatan na at pinudpod ng maraming maraming tao ang kinang, emosyon, at halaga niya sa maling lugar, maling pagkakataon, maling tao.  At dahil mahirap siyang isipan ng reply bukod sa I love you too.



Bakit gusto kong maging engineer? Dahil ayokong magpahila sa idea na babae ako.  Dahil gusto kong patunayan na hindi kulong sa harap ng mga libro at test papers ang brain cells ko, na kaya kong i-apply ang natutunan ko sa lectures at experiments, na kaya kong habulin ang natural na galing ng mga lalaki sa pag-assemble at pagrepair ng mga bagay bagay, na kaya kong magbaon ng pako at kilalanin ang iba’t ibang klase ng screw driver.  Dahil wala sa itsura ko ang maging isang engineer.  Dahil gusto ko ang amoy ng tagumpay laban sa mga maling akala at pag-uunderestimate *evil laugh*. At dahil ito ang pangarap ko.



Bakit gusto kong mag-blog? Dahil nauubos ang oras ko sa isang bagay na alam kong ginagawa ko para sa sarili ko at hindi para sa ibang tao.  At kapag binabasa ko ang blog ko, parang nababalik ko na din yung oras na inubos ko.  Dahil para siyang time machine ng buhay ko, parang guidance counselor ko, parang piggy bank ng mga kwento ko.  At dahil masaya ako.

7 thoughts on “Bakit

  1. wow engineering din pla si ikaw? engineer na ba o engineering stud pa lang?

    ayos! ayaw ko rin ang ganyang tanong na bakit. bakit kamo? kasi bigla na lang lumilitaw si plato sa kawalan. now you know.

    hakhak!

    bakit ako nagbloblog. kasi wala lungs!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s