21 years and 20 days

Happy birthday.

Belated happy birthday.

Kung isa akong lalaki, kakadebut ko lang sana.  Kung nagpaiwan sana ako sa Pilipinas, graduate na ako at baka chemist na ako.  Kung cool ako, malamang nagpainom na ako dahil legal na ako. Yehey?

21 yrs old na ako.  Minsan parang gusto kong sabihin sa bawat taong makakasalubong ko na 21 na ako.  Wala lang gusto ko lang namnamin ang saya na hindi ako 16 o 11 o 7 yrs old ngayon.  Ayokong mapunta sa sitwasyon ko ngayon na parang wala pa ako sa katinuan.  Paano ko haharapin ang mundo ng twitter, facebook, ipad, twilight, at justin bieber kung buhul-buhol pa ang brain cells ko at namumuo pa lang ang mga pangarap at social identity ko?  Ngayon pa lang naiiyak na ako sa tuwa.  Buti na lang mabilis akong lumangoy nung sperm cell pa lang ako at ako ang nabuo at lumabas nung September 04, 1989.

Sa totoo lang, wala pa naman akong nagagawang kamangha-mangha sa tagal kong nakikiubos ng oxygen sa mundo.  Hindi pa ako graduate, hindi ko pa na namemake-over ang sarili ko (kaya hindi ako pwedeng maging bida sa mga teleserye na hindi makikilala ng kababata ko o nawawala kong kapatid kahit magkakasama kami hanggang halos matapos na ang serye at nasa bingit na kami ng kamatayan note: magandang eksena sana ‘yung nakabitin kami sa bangin) at higit sa lahat hindi ko pa din nakikita ang Backstreet Boys.  Pero sa tingin ko naman ay may mga nagbago na sa akin, simple lang pero nakakadagdag sa mga dahilan ko para magpasalamat na 21 yrs old na ako sa panahong mas cool manood ng you-and-the-vampire-against-the-world love story at hindi na napapanood sa tv si ugat-puno, agatom, at palikpik (note: sasaktan ko ang ka-edad kong hindi saulado ang opening song ng sineskwela).

Hindi ko kayang isa-isahin ang lahat ng kapasala-pasalamat na bahagi o naging bahagi ng buhay ko simula ng umuha ako sa delivery room.  ‘Yung iba mahirap iexplain sa ibang tao yung saya na nabigay sa akin, ‘yung iba nakakahiyang i-share at dapat na lang sigurong itago, ‘yung iba sobrang obvious na halos lahat ng kakilala ko ay alam na, ‘yung iba naman kaya ko pang ishare sa world wide web at sa mga stalkers ko tulad nito.

1.  Naibili ko na ang sarili ko ng mga bagay na hindi ko akalaing mabibili ko para sa sarili ko.  Thank you me.

2.  Nakasakay na ako sa eroplano.  AT nakapag-c.r. pa ako sa airport ng lupain ni hello kitty.

3.  Marunong na akong magsulat ng kung anu-ano bukod sa pangalan ko.  Dati rati nakikibasa lang ako sa mga short story, tula, at vandals ng mga ate ko.  Mas magaling at mas nakakaaliw ang mga gawa nila lalo na ‘yung tula ng ate ko na tungkol sa araw na natatae na siya.  Pero mas makapal ang mukha ko dahil ako lang ang may blog sa aming magkakapatid.

4.  Nakatuntong na ako sa UP diliman at dahil pinalad ay nakapag-aral din dun at nakakain ng isaw.

5.  Kaya ko ng ayusin ang malagubat at walang direksyon sa buhay kong kilay at hindi na ako umaasa sa mga panahong pagtitripan ng mga kapatid ko ang kilay ko.

6.  Nagdadrive na ako.

7.  Natupad ko na ang pangarap kong mag-engineering.  Susunod na dapat ang pangarap kong maging speaker sa graduation para lang i-bore ang makikinig sa akin.  Pwede din na sabihin ko sa kanila na “Hindi matutupad ang inyong mga pangarap” para maiba naman at para mas matandaan nila ang guest speaker nila habang buhay.

8.  Hindi na ako sa diary nakikipag-usap ngayon, meron na akong mga mas maaasahang kausap dahil sumasagot sila at nagpapatawa kapag emo na ako.

9.  Meron na akong bank account.  Pero hindi pa nga lang ako mayaman.

10.  Hindi pa din sirang sira ang buhok ko kahit na natitiis ko ng gumamit ng curling at flat iron.

11.  Kahit na milya milya na ang layo ko sa mga taong kilala talaga ako kahit magparetoke pa ako o magpa-blonde, nakakausap ko pa din sila ng libre.  Dear facebook, twitter, at skype, i ♥ you.

12.  Kahit saang sulok ng mundo ay may nagtitinda ng kape.  Paraiso!!!

13.  Naipasa ko na ang unang 3 sem ko sa bago kong school kahit wala akong cheatmates. Yahu.

14.  Natupad ang #1 at #9 dahil may part time job na ako.

15.  Natunaw ko na ang fats na naipon ko nung naging out-of-school youth ako.

16.  Dati iniimagine ko lang ang sliding folder na laptop ko, ngayon dahil wala na akong mabilan ng sliding folder dito, namalimos na lang ako ng laptop.

17.  Buti na lang nakilala ko ang Friends, that ’70s show, How I Met Your Mother, at Big Bang Theory.  Dahil kung hindi, hindi na ako makakarinig ng nakakatawang joke.  At hindi ko maaalala kung paano tumawa.

18.  Hindi na masyadong nasulpot ang pimples ko kahit super excited ako.

19.  Kung walang TFC, ubos na ang dugo ko kahapon pa.

20.  Nakahanap ako kanina ng snickers sa taguan namin ng pagkain.

21. #mce_temp_url#

Hindi ako ma-birthday na tao dahil kj talaga ako. at hindi cool.  Pero dahil 21 na ako at nakabili na ako ng beer ng hindi ipinapahuli sa pulis, gusto kong i-off ang kj mode ko ngayon at isipin na pwede naman talagang pagdikitin ang salitang birthday at happy kahit na walang partey, regalo, o bonggang bonggang pabati.  At dahil hanggang 10 seconds lang ang limit ng off button ko, medyo nacheesyhan na ako sa sinabi ko.  Happy birthday na lang uli sa akin.

5 thoughts on “21 years and 20 days

    • tambay ka dito sa wordpress?? o STALKER BA KITA?? haha nakakanood ako ng Pinoy TV, lumipat na ang nanay ko sa eat bulaga e. bongga naman ng TV5, ok ba mga shows dun?

      • di na ako updated dun sa BFGF e, sayang, namiss ko na si ser keyan. at please, ayoko ng makita pa si willie. err. (parang may nakaraan lang kami. haha)

      • di ko na rin yun napapanood. huli kong silip dun uba na trabaho ni Alex Gonzaga tapos andun na si Alwyn. Haha ang title ata ng bagong show ni Willie ay “Wiling Willie Kami.”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s