Yellow Paper

Meron ka bang yellow paper?

Ilang araw pa lang tayo magkakilala nun.  Hindi ako mahilig magdala sa school ng isang pad ng yellow paper dahil nadala na ako nung high school na halos linggo linggo ako kung bumili ng iba’t ibang klase ng pad paper, 1/4, lengthwise, crosswise, yellow paper, pero lagi pa ding nauubos.  Nang itext mo ako nung umagang ‘yun para lang manghingi ng yellow paper, hindi ko alam kung alin ang nasayang, kung ‘yung pisong pinangtext mo o ‘yung iilang piraso ng papel na nakaipit sa notebook ko na nasa loob na ng bag ko.

Halos isang taon lang tayo naging magkaibigan.  Hindi ko lang alam kung naging magkaibigan nga ba tayo.  Parang masyadong malalim ‘yun dahil kung tutuusin hindi na ata tayo magkakilala ngayon, parang ganun.

Kaya pala parang pamilyar ka.

Sa 21 taon ko bilang tao, kadalasan mas natatandaan ko ang ibang tao na nakakasalamuha ko kesa sa sila na matandaan ako.  Hindi ko alam kung weird ba ‘yun o hindi.  At sa bihirang pagkakataon nung araw na ‘yun, narealize ko na pumapalya pala ako paminsan minsan.  Para sa akin, ‘yun ang unang araw na nakita natin ang isa’t isa.  Hindi pala.  Mas natandaan mo ako imbes na ako ang makaalala sa’yo.  Hindi ko alam kung weird ba ‘yun o hindi.

Diane!

Hindi ko alam kung bakit ‘yan ang tawag mo sa’kin.  Hindi sa hindi ko gusto ang pangalang ‘yan pero hindi ako sanay.  Parang hindi ako, parang hindi ako dapat lumingon kapag may narinig akong ganyang pangalan.  Pero lumingon ako nung araw na ‘yun.  Hindi ko din alam kung bakit.  Siguro dahil alam kong ikaw ‘yun.  O baka dahil iniisip ko na ikaw sana ‘yun.  Sa halos isang taon nating magkakilala hindi ko din alam kung bakit hindi kita kinokorek sa tuwing tinatawag mo akong ganyan.

Maglalakad na lang din ako.

Hindi ko alam kung bakit bihira akong mag-Toki.  Siguro dahil takot ako ma-late.  Siguro dahil madalas huling subject ko na lagi ang Math.  O siguro dahil mas naeenjoy kong maglakad at magmuni muni.  Pero kadalasan ayokong mag-Toki dahil mas maraming oras ang mauubos dahil mapapalayo ako.  Nung araw lang na ‘yun ko naappreciate ang Toki.  Hindi ko alam kung ayaw mo lang ma-late.  Wala kang barya.  O ayaw mo lang mag-Toki mag-isa.

Merry Christmas din dindin..

Isang beses ka lang tumama sa pangalan ko.  Siguro dahil Pasko.  Mabait naman lahat ng tao kapag Pasko.  O baka dahil wala namang mawawala sa’yo kung babatiin mo ako.  O siguro dahil ‘yun na rin naman ang huling beses na kakausapin mo ako.

2 thoughts on “Yellow Paper

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s