emo na lang ang itawag mo sa akin.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang emo.  Basta nakasanayan ko na ang paggamit sa salitang “emo” kapag nachicheesy-han na ako sa sarili ko at bumubula na ang bibig ko sa sobrang kadramahan.  Sa totoo lang, iba iba naman ata ang kategorya ng ka-emo-han.  ‘Yung iba ayon sa trip na music, sa damit na suot, sa pagka-chaos ng bangs, sa direksyon ng eyeliner, sa madalas na paggawa ng music video sa tabi ng bintana habang umuulan, sa pagpopost ng quotes sa facebook at twitter, sa paghahanap palagi ng pagkakataong maheartbroken, sa dalas ng pagpapakita ng signs ng pagiging suicidal, sa dami ng nakolektang tattoo sticker mula sa chichirya, madami, sobrang lawak ng mundo ng mga emo na hindi na kaya pang sugpuin ng kung sino mang pokemon.

Sa tuwing nasa katinuan ang ate kong Korean-wannabe at nakakapagchikahan kami, lagi kaming nauuwi sa mga bagay, lugar, tao, pagkain na namimiss namin.  Nakakadepressed, nakakainis, nakakalungkot, nakakagutom, nakakaemo.

Sa sobrang dalas ko ng emo, sanay na akong mag-emote sa sarili ko.  At dahil dun, naisip kong mas madaling paraan pala yun para ma-update ko ang blog kong ito.  Dahil araw araw naman akong nakakaisip ng kung anu-anong namimiss ko, susubukan kong pahirapan ang sarili ko at alalahanin pang lalo ang mga ‘yun.  Dear me, wag sanang maudlot ito.

Sa totoo lang, madami akong namimiss.  Pero para tumagal tagal naman ang bago kong trip na ito, 5 na lang muna ang kunwaring namimiss ko sa mga oras na ‘to.  Game?

1.  CHOCOLAIT

Ito ang original version ni Chuckie.  Favorite ko ‘to nung bata ako at lagi ko pa ‘yang baon with matching Yan-yan at Hello Panda.  Hindi ko nga ata alam nung bata ako kung paano iispell ang salitang “chocolate” dahil dito.  Kahit na minsan ay nadudumihan ko ang school uniform ko kapag nainom ako nito(o yes, butas ang lalamunan ko), hindi ako nadala.  At sobrang saya ko lang ngayon dahil may chocolait sa ref namin ngayon. Magpanggap na bata once again.  Yey.

2.  ultimate bonding experience with highschool bffs

Mas mahirap solusyonan ito kaysa sa Chocolait, pero ‘di naman ganung kalala ang ka-emohan ko dahil kakakausap ko lang sa kanila kahapon at nung isang araw.  Pero namimiss ko pa din ang mga gala naming pinipilit namin sa schedule magkita kita lang kami o kahit simpleng tambay lang para patawanin at pasayahin ang isa’t isa.  Sa mga panahong o.a. na ang acad stress tulad ngayon, parang gusto kong gumala, magkalat ng kahihiyan sa mall at sa bus, at lituhin ang mga sarili kakadivide ng tamang bayad at sukli ng bawat isa kasama ang mga taong nagegets agad ang emosyon, problema, jokes, chismis ko sa isang titig ko lang.

3.  totoong weekends

Sana maenjoy ko uli ang weekends kagaya noon.  Tipong ok lang gumising ng alas dose ng tanghali at manood ng tv maghapon habang kumakain ng camote cue at cheese stick (panalong kombinasyon) tapos ipagliligpit ako ng plato ng ate ko nang walang anumang pressure ng deadline ng kung anu ano.

4.  Powerpuff girls

Fighting crime, trying to save the world, here they come just in time, the powerpuff girls, POWERPUFF!!  Ayan, kumanta lang ako, ok na ako.  Ang ayaw sa powerpuff na ka-age ko, kj.

5.  bagyo na walang pasok

Ayoko naman ng bagyong mapinsala pero gusto ko ng bagyo na maulan lang pero dahil hindi tumitigil ay mawawalan ng pasok.  Wala ng sasarap pa sa umagang bihis na bihis ka na at handang mag-agahan nang biglang tatawag ang classmate mo na wala kayong pasok.  Gusto ko ang mga ganyang eksena, tapos dadaan pa ako sa denial stage at magkukunwaring gusto kong pumasok at ‘di maniniwala sa balita ng classmate pero deep inside, nagpaplano na ako kung ano ang memeryendahin ko.  Tapos naguumapaw pa sa tuwa ang puso ko dahil makakanood pa ako ng sineskwela at ng Georgie at mauumpisahan ko ang Mojacko.

4 thoughts on “emo na lang ang itawag mo sa akin.

  1. Pasensya na sa pagsaboy ng emo virus. well, nothing’s changed. emo pa rin. ako. haha. and apparently, emo ka pa rin.

    Lakas, across miles umaabot ang ka-emohan natin.

    Bakit kaya never ako naging fan ng chocolait? Batang Moo ako eh.😛

    • infairness naeenjoy ko na ang ka-emohan within me. haha wala na tayong pag asa, unless may isa sa atin na maenlightened para magkalat ng positive energy!

      favorite ko din yung moo, nakakaaliw kaya yung hahanapin mo si moo dun sa picture sa likod ng box. di naman ako choosy, nagbabaon din ako ng moo. ang takaw ko nung bata ako. bwahahaha

      • Ayoko enjoyin ang ka-emo-han ko, baka masanay ako eh.

        Matakaw ka pala nung bata, bakit hindi ka tumangkad? LOL. Pero favorite ko nga yung hahanapin mo si Moo. Yung Chuckie ngayon puro pakulo na lang sa straw nila eh

      • tama, ako na ang representative sa atin sa pagiging emo. para balanced.

        well, at least creative ang chuckie. gusto ko tuloy ng chuckie. >_<

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s