Ang ipis at tsinelas.

Matagal na akong takot sa ipis.  Kahit na paulit-ulit pang sabihin ng nanay ko na mas malaki ako sa ipis, feeling ko lagi akong dehado kapag may ipis sa dadaanan ko.  Walang malaking nakakapuwing at naniniwala ako dun.

Natatandaan ko nung grade 4 ako habang nangangampanya kami sa buong school para sa student council, pasigaw na nagtanong ‘yung isang grade 6 student sa tumatakbong president namin na, ” ‘Yan yung vice mo? “.  Ako ‘yung pinapatamaan niya at hindi naman namin kilala ang isa’t isa pero parang tinatapos nung punto niya ang halaga ng existence ko sa arm reach ko.  Sa pagkakatanda ko, wala namang height requirement bago payagang kumandidato sa kahit anong organization o sa kahit anong asosasyon ng mga taong magliligtas sa mga taong makasalanan.  At sa pagkakaalam ko, hindi naman relative sa size ng isang tao, kahit bagay, ang kaya niyang gawin at i-contribute sa bawat pag-ikot ng mundo.

Maraming nagtatanong sa akin lagi kung bakit daw ako maliit.  Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga taong tulad nila.  Hindi ko alam kung pikon lang ako o kung sadyang hindi nila alam kung saan nagtatapos ang halaga ng pagtatanong ng bakit.  Sinasabi ko lagi na dahil siguro maliit ang nanay at tatay ko pero kung tutuusin walang sense ang usapang ganun.  Parang umikot lang ‘yung tanong at parang pinaglaruan lang namin ang isa’t isa.  Ano ang nauna, itlog o manok?

Sanay na akong ang unang bati sa akin ng taong first time ko pa lang nakita ay tungkol sa height ko.  Walang palya.  At sa tuwing nararamdaman kong isang malaking kakulangan ang height para ma-feel kong “belong” ako, gusto ko lalong bumawi sa paraang hindi kayang gawin ng “normal” (kung anuman ang depinisyon nila ng “normal”) nang hindi nila nalalaman.  Mahirap bawiin ‘yung ideya na ang tanging advantage ko lang sa kanila ay ang magpanggap na bata para makakuha ng discount.  Mahirap pero fulfilling.

Malapit na ang presentation ng project namin sa isang MSE subject ko.  Importante ‘yun para sa aming lahat dahil malaking percentage ‘yun ng grade namin.  Pupunta lahat ng mga professors namin at halos lahat ng graduate students ay imbitado.  Importante sa akin ‘yun sa mas malalim na dahilan, kasing lalim ng isang abstract na painting at ng inverse ng tiwala ng ibang tao sa akin.  Kung papalpak ako, para akong ipis na hindi man lang ginamit ang flying powers niya para takasan ang hampas ng tsinelas.  Weak ipis.

Alam ko din naman na hindi dahil maliit ako ay mas magaling na ako sa lahat ng bagay bukod sa pakikipag-agawan sa pasabit sa children’s party.  Alam ko naman ‘yun at ng mga ipis na napatay ko na.  Hindi ko lang alam kung alam ‘yun ng ibang taong nasa likuran ko kapag by height na ang pilahan.  Sa ngayon ayokong isipin na ok lang na pumalpak ako dahil maliit ako o dahil tama sila sa paguunderestimate sa akin o dahil hindi ko abot ang batok at bumbunan nila.

Nanalo akong vice president nung grade 4 ako.  Naranasan ko ding makaupo sa unahan nung hs graduation ko kahit hindi na by height ang pila.  Never akong nagpanggap na bata kahit may pagkakataong makadiscount sa restaurant.  Hindi din ako nagtatanong sa ibang tao kung bakit mahahaba ang mga biyas nila.  (Note: laos na ang nagtatanong ngayon, hello google.)

Sana hindi na ako maging isang weak ipis.  At kung magkatotoo man ‘yan, hindi sana maramdaman ‘yun ng mga nagkalat na tsinelas sa tabi tabi, oh yes parang teleserye.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s