1, 2, 3, sing!

Isa sa mga tinatago kong pangarap sa ilalim ng kama ko ay ang maging artista.  Bukod sa tanungin ako sa kung ano ang masasabi ko sa pagkapanalo ni justin bieber bilang artist of the year sa American Music Awards nung Linggo, gusto ko kasing interviewhin ako kung ano ang top 5 awesome-st Pinoy songs para sa akin.  Sa maniwala ka’t sa hindi, matagal ko na itong pinagisipan at sobrang praktisado na ako, promise.

5.  One Look  (by Kjwan)

Isa sa mga nakaka-good vibes na kantang narinig ko sa buhay ko.  Simpleng lyrics, simpleng beat, saktong trip.  Masarap ‘to pakinggan kapag nasa beach ka o kahit habang naglalaba ka sa batis.  Kapag nalasing man ako someday at pinilit akong pakantahin sa videoke (o kahit sa stage pa), ito ang gusto kong kantahin ko.

4.  Nasaan Ka (by Pupil)

Malinaw na tunog, matinding emosyon, distinct ang kantang ‘to at ang music ng Pupil.  Nakakakilabot ‘yung rhythyms, melody at kombinasyon ng bawat instruments.  Tipong kung may background music ang sa panaginip ko, gusto ko ito ang kanta.  Hindi ko lang sigurado kung katulad lang ba ako ng karamihan na may hangover pa din sa mga nota at lyrics na iniwan ng Eraserheads  at naririnig ng mga tenga at puso ko ang Nasaan Ka, Monobloc, Dianetic, at Sala na para bang nabalik ako nung 1990s.  Siguro nga may epekto ‘yun sa akin, pero sa tuwing naririnig ko ang kantang ‘to, naiisip ko na kahit na laos na si wowie de guzman at jimgirl na si jimboy wala ng sumunod na Eheads sa mundo ng mga tulad ko at wala ng nakapantay sa Pare Ko, narerealize ko na hindi pa patay ang OPM, hindi pa.

3.  Castaway (by Franco)

Madalas sabihin ng mga Pinoy kapag nakakarinig tayo ng mga magagaling na banda na hindi pa natin kilala, “Uy, ang galing ah, parang foreign band.”  Syempre, dahil hindi na ako nakapag-isip at ‘di ko na napigilan ang reaksyon ko, ‘yan ang unang sinabi ko ng una kong marinig ang Franco.  Pero sa totoo lang, iba naman ang wavelength ng tunog ng Franco (at ang marami pang banda sa Pinas).  Alternative rock pero hindi maingay, malalim ‘yung emosyon nung mga kanta nila pero hindi nakakadilim ng paningin sabay /wrist, nakakaubos ng vocabulary ‘yung mga lyrics nila pero swak pa din yung bawat salita sa tono, hindi nakakasawang pakinggan.  Isa ‘to sa paborito ko sa album nila dahil nakakarelate ako sa pahiwatig nung kanta: Step to the farthest side of my dreams Be careful of what you might see So careless inside I’m dying Slowly. Sabi nung bokalista nung Franco na si Franco, sinulat niya ang kantang ‘to nung nasa States siya at nahohomesick.  Sa totoo lang, Survivor ang unang pumasok sa isip ko nung unang beses kong marinig ‘to oh yes minsan palyado ang logic ko.  At dahil napahiya naman ako sa sarili ko, pinakinggan ko ng paulit ulit hanggang sa mag-sink-in sa akin ‘yung kanta.  Epektib pala.  Kaya kung sasali man ako sa American Idol, ito ang theme song ng buhay ko, wanted: voice coach and text voters.

2.  ‘Wag ka nang Umiyak (by Sugarfree)

Napapangiti ako sa tuwing napapakinggan ko ‘to.  Feeling ko kasi totoong totoo ‘yung offer nung kanta sa akin na ‘wag na akong umiyak dahil hindi niya ako bibitawan.  Hindi ako macheesy na tao pero sumasagad sa brain cells ko at sa puso ko, kahit na occasional lang ang pagtibok nun, ang bawat salita nung kanta.  Isa rin ‘to sa pinaka-panalong music video para sa akin at kung matutupad ang pangarap kong maging isang director, ito ang gagawin kong sukatan kung may saysay ba ang pinaggagawa ko.  At kung dadating man ang araw na maging cheesy na din ako, gusto ko maging kasing worth it ng kanta at music video na ‘to ang existence ko.

1.  Minsan (by Eraserheads)

Ito ang nagpapaalala sa akin sa isa sa mga frustrations ko: ang tumira sa Kalayaan sa UP.  Kung bibigyan ako ng 2nd chance na ulitin ang freshie days ko, wala akong babaguhin kahit na ang pagkuha sa badminton class na nag-jumpstart ng exponential decay na acad life ko noon BUKOD sa pagsubok na magdorm.  ‘Yun nga lang maraming magbabago siguro sa akin; hindi ko mararanasan ang makulay na buhay sa Krus na Ligas at hindi ko makikilala ang mga roommates ko.  Siguro totoo ngang lahat ng nangyayari ay may dahilan.  Karugtong na din nung pagpapaalala sakin ng Minsan sa pangarap kong kantahin ‘to sa farewell party sa Kalai, sa tuwing naririnig ko ‘to naiimagine ko lagi na nakatambay ako sa Sunken Garden pagkatapos ng isang matinding hell week o nakasakay sa Ikot suot ang maalikabok kong tsinelas at mga paa.  Kaya sa tuwing emo ako, ito ang outlet ko para maalala ang UP at LAHAT ng taong nakasama ko dun.  At sigurado ako na ganun din ang ginagawa ng Eraserheads kapag emo sila.

Alam kong kulang pa ‘to.  Hindi bale, kapag naging artista ko, sisiguraduhin kong higit sa 5 ang ibibigay ko, promise.

2 thoughts on “1, 2, 3, sing!

    • sakto!! matagal ko ng iniisip kung anong show yung ganyan yung set-up! salamat!

      at bakit mo naman na-share dito na gusto mo ng cranberry juice?? ibibili ba kita? haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s