Prom date

JS Prom.  ‘Yan ‘yung moment na bumabaha ng kilig at ngiti, sumasabog sa sobrang pagtibok ang maraming puso.  ‘Yan ang isa sa iilang araw na one in a million lang ang probability na tanggihan ka ng crush mo.  Nakakalimutan mo ‘yung taste mo sa music na kahit Cueshe pa ‘yung kanta, wala kang pakialam dahil nung gabing ‘yun mo lang nalaman na alam pala niya na nageexist ka at sa dinami-dami ng nandun ikaw ang kasayaw niya.  Perfect moment para magtitigan at magpakacheesy dahil may background music, nakagown ka, naka-amerikana siya, instant music video dahil with disco lights pa.

Hindi highlight ng highschool ko ang prom ko.  Siguro dahil wala akong kacheesyhang ginawa o sadyang wala lang akong ka-loveteam noon.  Pero masaya naman ako ‘nun dahil nagbaon ako ng gameboy at naglaro buong gabi, at oo, gameboy lang ang alam kong laruin, psp and ipad your face dahil ang prom ay hindi lang pang-in-love-at-in-like.  Maswerte ako dahil hindi napagod ang mga kaibigan ko na isayaw kami kapag naunahan na sila sa mga gusto nilang isayaw, swerte ‘yun para sa akin, swerte na may kasamang pwersa.  Pero seryoso, masaya na walang ilangan dahil hindi lang ako nakipagsayaw, kundi nakipagkwentuhan, nakipagtawanan, nakipagtsismisan, nakipaglaitan, inenjoy ang mga iilang araw na hindi bawal ang kalimutan ang anumang may kinalaman sa acads kasama ang mga kaibigan, classmates, cheatmates habang umiindak sa “bakit ngayon ka lang.. bakit ngayon kung kailan ang puso’y mayron ng laman…”.

Hindi ako masyadong naghanda.  Ayoko kasi ng setting ng prom, nakaformal, naka-heels, nakakaumay ‘yung hangin.  Pero sa dalawang beses na nagprom ako, parang mas malala pa ako sa pinaka-makulay ang lovelife sa batch namin dahil parang andami kong signs of excitement.  Consistent ang tagihawat ko sa tuwing malapit na ang prom.  Hindi ko alam kung nang-aasar ba o sadyang nagkukunwari lang ako na hindi ako excited.  Nung 3rd yr ako, nilagyan ako nung bading ng swarovski-like crystal sa isang mata ko i’m sowsyal like that dahil naaliw siya sa almond shaped kong mata, kaya nag-agaw ng atensyon yung tagihawat ko sa ilong at yung kumikinang-kinang na kristal sa mata ko.  Sinabuhay ko ‘yun optical illusion sa mukha ko.  Nung 4th yr naman ako, ang naging ka-partner ng tagihawat ko sa ilong ay ang bandage sa kamay ko.  Nabuhusan ko ang sarili ko ng mainit na tubig nang kumuha ako sa water dispenser para sa instant noodles ko.  Kasama ng pula kong damit ang wire gauze sa kamay ko, na magmumukhang sign ng katangahan sa isang ordinaryong araw pero isang nakakaawang add-on kapag prom.  Siguro gutom na gutom lang ako nung araw na ‘yun kaya sumablay yung kumukulong tubig sa cup o may iniimagine akong fairy tale at tinulak ako ng evil sister ko para magising sa katotohanan.

Gustuhin ko man na maalala ‘yung mga kanta sa prom namin, hindi ko na talaga maalala.  Alam ko madaming sablay na kanta, na tipong hindi ko aamining nasa ipod ko o favorite kong kantahin sa videoke.  Pero sigurado akong wala ng mas lalala sa last song sa prom ng isa kong ate na “sinaktan mo ang puso ko” by michael v. at isang nakakalitong song choice sa prom ng isa ko pang ate na “beautiful” ni christina aguilera.  Siguro kaya hindi ko na din naitago ng maayos sa memory ko ‘yung mga nangyari nung mismong prom dahil naging busy na masyado ang utak ko pagkatapos na pagkatapos kong umalis sa napakabonggang venue naming quadrangle sa school.  Nung una kong prom, diretso overnight na kami sa bahay ng classmate ko hindi para kiligin magdamag kundi para tapusin ang  project naming dyaryo.  Diretso puyatan at diretso acad mode.  Ni hindi nga ata kami nakapagbaon ng extrang hangin mula sa love-is-in-the-air atmosphere para mainspire kami sa paggawa ng project, at kahit sa panaginip nung naidlip ako sandali, wala ng pahabol pang kilig moments.

Nung 4th yr na kami, wala ng project, dahil halos final exams na lang ang nasa schedule.  Libre na sana ang isip at puso ko para namnamin ang anumang saya at ka-cheesyhang nasagap ko pero dahil naiwala ko ang digicam ko,  hindi ako natahimik hanggang kinabukasan.  Umamin lang ako sa nanay ko na naiwala ko yung digicam dear younger people, dati cool ang may digicam, COOL!!! nung pumasok na ako sa school via text message.  At para hindi ako masabon sa bahay namin paguwi ko, inuna kong iannounce na pumasa ako sa UP at saka ko hinabol ang bad news na nawala ko ang digicam.  Epektib.

Hindi ko alam kung counted na bang tungkol sa prom ang mga sinabi ko pero gusto ko kasing maniwala na ang prom ay hindi lang tungkol sa crush mo at sa inyong prom theme song, hindi lang sa kung ikaw ang may pinakamataas na slit sa gown mong perfect example kung may scarcity ng tela, hindi lang sa kung ikaw ang pinakamataas na koronang suot, hindi lang sa kung pinagpawisan at napagod ka kakasayaw sa kanta ni david pomeranz.  Kaya kung kakatapos lang ng unang JS prom mo, ‘wag kang masyadong ma-stress kung hindi mo nabuhay ang mga dinrowing mo sa imagination mo o kung hindi ka isinayaw ni mr. campus crush.  ‘Wag mong burahin sa memory mo ang lahat ng nangyari dahil lang sa may isang parte ng buong experience ang hindi mo nagustuhan.  Imposible naman na walang nagpasaya sa’yo sa buong gabi mong ‘yun, kahit na ‘yung pork chop na kinain mo, ‘yung panalong pambobola ng kapitbahay niyo nung lumabas kang naka-make-up at nakagown pero pinili mo pa ding paniwalaan, o ‘yung pagpapahiram sa’yo ng suit ng classmate mo, ng walang malisya, dahil giniginaw ka na.  Kaya smile, at sabi nga ni ramon bautista maggenerate ng saya para sa sarili.  Ivisualize ang prom bilang simple at masaya at hindi isang tanging chance para humanap ng tunay na pag-ibig.  Tandaan na hindi ka pa graduate ng high school at madami sa mga kabatch mo ang hindi pa final ang itsura at character at hindi exempted ang crush mo dun.🙂

JS Prom.  Hindi ko alam kung paano siya icacategorize sa buhay ko.  Twice in a lifetime experience kaya hindi ganung kaspecial pero hindi rin ganung ka-ordinaryo.  Sa unang beses, ‘yan ‘yung perfect moment para masaksihan ang first love.  At kapag fourth year ka na, ‘yan ‘yung perfect moment para sulitin ang second chance.

P.S.  At ang isa sa paborito kong kanta habang kinikilig, enjoy.🙂

10 thoughts on “Prom date

  1. “At para hindi ako masabon sa bahay namin paguwi ko, inuna kong iannounce na pumasa ako sa UP at saka ko hinabol ang bad news na nawala ko ang digicam. Epektib.”

    Haha, natawa ako dito! Magkano ba naman ang digicam as compared to the savings (and prestige) you can get from studying at UP! :))

  2. wangkwenta JS prom experience ko. 3rd year ko lang na-experience, at napaka-boring at uneventful pa. tapos nung 4th year, ready na ang lahat, may dress na ‘kong isusuot at nakapagpraktis pa kami ng sayaw ni Kras na siya sanang partner ko at ayun, nagkasakit naman ako ilang araw before ng JS prom. wala tuloy akong matandaang espesyal kapag nababanggit ang JS Prom.

    P.S. paborito ko rin ang Us ni Regina Spektor.

    • isipin mo na lang na moment na ‘yung pumayag ang crush mong maging prom date mo AT nagpraktis pa kayo. naks. mas kilig to the bones ‘yun dahil walang kaagaw sa dancefloor.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s