Frenemy 101.1

‘Yung makakalaban mo, laging may dala-dalang reviewer…” .  E ano naman ngayon?

First quiz bee ko ‘yun na nakalaban ko ang bibo kids sa ibang schools sa lugar namin.  Grade 4 ako kaya idol ko pa nun si Jolens at laos pa ang suklay sakin.  ‘Yun ang first quiz bee ko at ang unang shot ko ng pagkatalo.  Isipin mo na lang kung gaano ka-traumatic ang araw na ‘yun sa tulad kong hobby ang magpakitang gilas at manalo.  At tulad ng tindi ng attachment at memory ko sa una kong crush na invisible ang 2 front teeth, sa classmate ko nung kinder na tumalisod sakin, at sa kapitbahay naming nanggulo ng childhood ko sa pang-aasar na may anak daw sa labas ang tatay ko, matindi ang pagkakapit sa utak ko ng pagkatalo kong ‘yun at ng taong naging dahilan ng pagkatalo ko.  ‘Yung laging may dala-dalang reviewer na palang ‘yun ang batang puputol sa paniniwala kong naabot ko na ang “the best” na level ng buhay ko. PFFFT Nasira ang Shaira Luna dream ko.

1st year highschool.  Keep your friends close and your enemies closer.  Naramdaman ko na parang ‘yan ang sinisiksik na motto ng tadhana sa akin imbes na Time is gold dahil sa dinami-dami ng school sa Cavite ay naging classmate ko ang naging malaking tinik sa dibdib ko nung elementary ako.  At bilang hindi naman tatay ko ang may-ari ng eskwelahan at hindi ako part ng F4 para mag-iwan ng red card  sa locker at magpatalsik ng estudyante na hindi ko trip, hindi na ako nagpakakontrabida sa paggawa ng eksena sa campus at naki-flow na lang sa agos ng high school life kasama niya.

Naging magclassmates kami hanggang 4th year.  Hindi nga lang seatmates dahil kadalasan alphabetical ang seating arrangement.  At kung sinuman ang nag-imbento nung unang quote na tinype ko pakigoogle na lang, gusto kong makipag-high five sa kanya dahil tama siya.

Lagi ko siyang nakakalaban sa quiz bee mula grade 4 hanggang grade 6 at ni minsan hindi kami nagkakwentuhan ng kahit 1 minute man lang.  Ni favorite prime number o pinaka-idol na Katipunero niya batang henyo pa kami nung elementary days ay ‘di ko naitanong dahil nga ‘di naman kami close at parang masama minsan ang tingin niya sakin.  Nang nagkasama kami nung high school, mas malalim pa sa mga tanong sa biodata at sa slumbook ang nalaman ko tungkol sa kanya.  Mas malalim sa favorite Katipunero, pramis.

Dalawa lang silang magkapatid, mas bata sa amin ‘yung kapatid niya na lagi niyang pinapaiyak at inaasar.  Seaman ang Papa niya kaya pareho kaming lumaki sa nanay.  Favorite ko nga ang mommy niya e dahil kahit mukhang mataray, lagi kaming binibilhan ng meryenda pag dumadalaw kami sa bahay nila kahit walang project na dapat gawin at saka dahil parang favorite niya din akong classmate ni Jellyn.  Batang Rosario din siya kaya araw-araw din siyang sumasakay ng baby bus papasok sa school, araw-araw naming instant blower ang hangin sa pagcocommute, araw-araw naming background music ang Love Radio and the like at ang mga panalong playlist nila habang nagrereview at nagdadasal na huwag masarhan ng gate ni Sir Manguera.  Ka-birthday niya ang nanay ko kaya imposibleng malimutan ko ang birthday niya dahil hindi ko nalilimutan ang birthday ng nanay ko dahil emotera minsan ang nanay ko pag malapit na ang birthday niya at syempre dahil nanay ko siya.  Si Jellyn din ang isa sa mga nanay-nanayan ko sa school, hindi dahil maalaga siya sakin pero dahil trip ko lang na isama siya sa mahabang listahan ko ng matatakbuhan ‘pag kapos na ako sa confidence, pangarap, at pera kaya isinuggest ko sa kanyang magturingan kaming mag-ina sa school.  Pumayag naman siya katulad ng iba kong classmates at kaibigan sa ibang batch.

Marunong at magaling siya sa chess.  Sobrang mahilig siya sa music at marami siyang paboritong banda like Cueshe LOL at isa sa mga TV series na una niyang sineryoso ang One Tree Hill.  Hindi siya kumakain ng gulay na pati yung parang maliliit na confetti na kulay green at red sa seasoning ng Pancit Canton ay napagdidiskitahan pa niyang ka-uri ng mga gulay.  Nagdodrawing din siya minsan kahit saang notebook o scratch paper pa ‘yan.  Isa siya sa pinaka-ayokong kausap tungkol sa Harry Potter dahil masyado siyang maraming alam pero sa tuwing nagkakaroon ng bagong HP sa sinehan, isa siya sa mga naalala ko at alam kong magyayakag manood.  Hindi ako San Miguel fan tulad niya, pero pareho kaming inis sa Ginebra, mas mataas lang ng konti ang inaabot ng blood pressure niya ‘pag nakakatagpo kami ng PBA fan na may dugong Ginebra.

Nakasama ko siya sa unang investigatory project namin na paggawa ng ink mula sa balat ng saging.  Pareho kaming nauta kakakain ng saging at pareho kaming tinamaan sa kuya ng groupmate namin.  Naging ka-club ko din siya sa Exponent, ang Math Club ng school namin, at naging kakuntsaba sa mga kapraningang Math Program (Math Day, Math chuva, di ko matandaan), tutorials, pag-cheer sa volleyball team namin sa Inter-org, at mais-con-yelo-halo-halo booth nung Intrams.  Sumayaw din kami sa United Nations program ‘nun at nagChinese-chinese-san alang alang sa image ng Exponent kapalit ng kahihiyan namin.  Naka-bonding ko din siya sa madaming-madaming concerts madami dahil hardcore rockers kami kaya magkasing-laki kami ng eyebags kakapuyat makapagconcert lang.  Umabsent pa kami noon para lang makanood ng Hale: ang araw na akala namin nasa langit na kami dahil sobrang abot kamay lang namin si Champ at si Chino bago magsimula ang concert at dahil akala namin makikidnap na kami habang nagmamakaawa sa kalangitan na may masakyan pa pauwi sa harapan ng CCP dahil halos ala una na ng madaling araw.  Naging lockermate ko din siya ng ilang buwan nung 4th yr kami pero dahil hindi nagtugma ang idea namin ng cleanliness at orderliness, nakipagtrade ako sa isa ko pang kaibigan na may ka-locker na ka-uri kong OC.

pruweba na cheatmates tayo (dear ma'am perez homework lang naman ito), may pacodename codename pa tayo, at higit sa lahat: magaling tayo sa Math.

Classmate. Seatmate sa baby bus. Groupmate sa pakikipagjack-en-poy kung anong baby bus ang sasakyan: papuntang Zapote o papuntang Tanza. Orgmate. Ka-table sa canteen. Cheatmate. Textmate. Nanay-nanayan. Groupmate sa pang-aasar. Kaagaw sa panghihiram ng ipod. Clanmate pffft sumali tayo sa text clan, omaygudnes. Ka-share sa napakadaming crush. Kaagaw sa napakadaming crush. Instant roommate kapag may concert at kailangang makitulog. Yahoogroupmate. Kahintayan sa kanto ng Noveleta kapag may okasyon sa school dahil gusto nating magkakasama tayo kung maggagrand entrance man tayo o kahit may simpleng tambay lang. Pinakamasarap na kahintayan dahil gaano pa ako ma-late ay hindi ako nakoconsider na pinaka-late dahil siya kadalasan ang winner sa lahat. Ka-pasahan ng note sa klase with matching codenames ayoko ng maalala kung anu-ano ‘yon, example: “syota ni atom”. Chikamate. Kasundo sa mga kabaliwan. Kakuntsaba sa pangiistalk. Ka-wavelength sa maraming bagay. Ka-wavelength sa idea ng fun at tamang paraan ng paghahave-fun. Kaibigan. Isang walang katulad at bonggang-bonggang kaibigan.

Keep your friends close and your enemies closer.  Kung sinuman ang nag-imbento ng quote na ‘yan, gusto kong makipag-high five sa kanya dahil tama siya.  Gusto ko siyang i-power-hug dahil kung hindi dahil sa kanya ay  hindi ko marerealize na mali pala ang perception ko ng salitang “enemy” at mali ang first impressions ko sa akala ko ay kontrabida sa mga pangarap ko.  Gusto ko siyang award-an dahil kung hindi dahil sa kanya, hanggang ngayon, kaaway ko pa din ‘yung laging may dala-dalang reviewer, at malamang bawas ng isa ang bilang ng mga itinuturing kong awesome-est friends ko.

At dahil hindi ko naman ginawa ang blogpost na ito dahil namimiss kita o napanaginipan kong ikinakasal ka na, dapat na siguro akong bumati ng HAPPY BIRTHDAY JELLYN!!!! Mag-ka-edad na tayo kaya LEGAL KA NA DIN! Libre kita Cali (cool yun nung elementary tayo).  Kulang pa lahat ng sinabi ko dito pero mabuti na ‘yung may sikreto ka pa sa pagkatao mo para mag-effort naman ang mga stalkers mo. Kung anuman ang short at long term goals mo sa buhay, sigurado ako na matutupad mo ‘yun dahil ganun tayo ka-awesome. Kung kailangan mo ng moral support, hug, advice, batok, joke, pera, chismis, lagi naman akong present sa world wide web.  Kita kits Inay.🙂

P.S. Binasa ko uli ‘yung sulat mo sakin sa scrapbook ng PA.  Baka kasi may mapulot akong nakakaaliw na sinabi mo bago ako nangibang planeta kaso baka magkaiyakan pa tayo dito.  Nakakatouched ‘yung message mo dun.  Tutulo na sana ang luha ko kaso naasar ako dahil ‘di ko mabalik sa dating tupi. Badtrip.  Pauso ka e. FO na. LOL.

ang makapagbagbagdamdaming sulat ni Jellyn (swan dapat yung tupi pero dahil fail ang origami skills ko, di ko na maibalik sa dati)

7 thoughts on “Frenemy 101.1

    • oo, gusto ko nga siyang itulak sa hagdan e para wala na akong kalaban.

      sino???? kusang loob niyang ginawa ata ang pagtalikod sa kaGChan. tapos nahawa na tayo. ayun.

    • sweet talaga ako! kaso ang main purpose talaga ng post na ‘to e para makalibre na ako sa regalo. ang hirap ng buhay ngayon e, tapos demanding pa sa regalo si jellyn. kaya blog na lang para tipid. hihi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s