Paminsan-minsan (Kung friends tayo, this is for you)

Maraming may sabi noon na akala nila tahimik ako at walang ibang ginawa kundi pumuri at magpasalamat sa kabaitan at existence ng ibang tao na nakakasalubong ko.  Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa tuwing nababagok na ang mga kaibigan ko at narerealize na nilang mali pala ang first impressions nila sa akin.  Pero dahil positive talaga akong tao at may selective kindness din naman ako, iisipin ko na lang na birds of the same feather flock together at honesty is the best policy.  Go figure.

Malapit na akong mag-tatlong taon dito sa sweet home Alabama, kaya naisipan kong i-enumerate ang mga nagbago sa buhay ko para siguraduhing nasa earth pa ako at hindi pa ako naiinception at ilista ang mga short term goals ko para i-update ang mga taong nakakakilala sa’kin na binabayaran ko para basahin ang blog ko.

1.  Nagpagupit ako.  Pixie cut.  Ayokong itwitpic, baka ikalat mo!

2.  Uuwi dapat ako sa Pinas sa May, kaso may 80% probability na maudlot dahil sa nagbabadyang bagong trabaho.

3.  Idedeactivate ko muna ang facebook at twitter ko next sem dahil full load ako at baka hindi kayanin ng utak at puso ko ang distraction.

4.  Kumakain na ako ng okra at peanut butter.

5.  Kung maging 100% probability ang #2, baka matagalan pa ang pagbabalik-pinas ko dahil baka magtrabaho muna ako para makabayad agad sa student loan.

6.  Nanood ako ng 3D movie ni Justin Bieber at ako’y nabieberized.

7.  Hindi na ako masyadong nanonood ng TFC, nakakaemo kasi lalo.

8.  Naimpluwensyahan na ako ng ate ko sa matinding devotion niya sa skirts, dresses, at heels.

9.  Nagpunta ako sa beach nung Spring break.  Note: beach. Spring break. beach. Spring break.

10.  May boyfriend na ako. ♥

11.  Mas macheesy pa ako sa cheez-whiz ngayon, promise.

12.  May bago na akong part-time na trabaho: taga-maintain ng isang ride sa isang amusement park.  Libre sakay na din.

13.  Gumawa ako ng sarili kong version ng “Friday” at inupload ko sa Youtube.

14.  Nag-audition ako sa talent show sa school namin nung isang taon.  Syempre, hindi ako nanalo.

15.  Dalawang buwan na akong hindi nainom ng kape.  At balak kong ituloy tuloy na ang rehab kong ‘to.  Masarap naman palang mabuhay ng walang kapeng dumadaloy sa katawan ko.

16.  Manonood ako ng laban ni Pacquaio at Mosley sa May.  Bati na kasi kami ni Manny.

17.  Malabo na ang mata ko kaya madalas na akong may suot na salamin.  Full time nerd na talaga ako.

18.  Bumagsak ako sa elective kong Algrebra.  Medyo hindi kasi nagtugma ang landas namin ni x,y, at z.

19.  Hiniling kong bday gift ang DVD ng Jersey shore season 4.

20.  Mas gusto ko ng tumira dito at magpakastateside hanggang sa pagtanda ko.

May mga blogpost na ang hirap gawan ng intro at ng ending.  Minsan parang wala ng sense at walang koneksyon ‘yung unang paragraph sa mismong laman nung blog at sa ending.  Minsan talaga mahirap isalin ‘yung bawat detalye at emosyon sa bawat salita, sa tamang salita, sa tamang panahon.  Parang we had the right love at the wrong time at How can something so wrong
Feel so right all along name that tune LOLJK.  ‘Yung parang walang nakakaintindi sa’yo at walang nakakagets ng punto mo?  Ganyan talaga minsan.  Minsan feeling mo malabo ka pa sa plastic labo.

 

 

Ang minsan kong ‘yon ay ngayon.

 

 

 

April 1.

 

 

 

Happy April Fools’ Day.

 

P.S. Totoo talaga ‘yung #6 e. Baby baby baby ooooh Baby baby baby nnnoooo, char. Happy April Fools’ uli.

11 thoughts on “Paminsan-minsan (Kung friends tayo, this is for you)

    • i love you billie!!!! natuwa ako dahil nafulfill ko na ang april fools’ goal ko. hihi at natuwa ako dahil nafeel kong gusto mo na talaga akong makita! 3 keychains ka na!

      P.S. hindi mo ba nagustuhan ang #10? yun ang favorite ko e! hahahaha
      P.P.S. sorry!! ☺ ♥

      • yung #10 nga yung naging clue ko na hindi totoo lahat ng pinagsasabi mo eh. hahahahaha.

        PS. ayusin mo blogroll mo, yung wordpress na lang ginagamit ko. at The Babbler na ang pangalan. hahahahaha.

        ayoko ng keychain lang! LOL.

      • grabe lang. malay mo meron pala talaga? LOL. ok fine, sige bukas ayusin ko ang blogroll ko. minus 1 keychain ka na, inutusan mo ko. bawal maarte, ako ang bibili ng pasalubong, keychain ang trip ko. hahaha

  1. madami akong katanungan….

    1. sino si #10?

    2. regarding #2, kaya pala hindi ka na um-update sa group natin ay dahil balak mo pala kami indyanin!!?

    3. break na kayo ng algebra?

    4. anong youtube username mo? haha. fridaaay.

    5. post your new look.

    • napakachikadora e. ok, iaassume ko na totoo kunwari ang usapan natin, ok?

      1. si neil etheridge. ‘di niya pa nga lang alam.
      2. kasalanan ni rey actually. ang tagal ng updates niya.
      3. cool off lang. hihi
      4. ayoko ngang sabihin! baka pati sa youtube istalk mo ako. wag ganun! labyu jeng!
      5. makikita mo sa May! wah pero seryoso, kailangan may new look ako sa May. Abangan! *pressure on me*

      miss you jeng!

    • HAHAHAHA natawa ako. kahit mukhang pinapahirapan na ako ni neil, ok lang. hindi ako susuko. may next year pa, saka mas malapit naman ang England kaysa sa Pilipinas, dun na lang kami magkita. char. ‘yung #10 di ka naniwala? si neil ang tinutukoy ko dun. LOL

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s