The Banyo Queen

Naniniwala ka ba sa mga kwentong ugly duckling na nagtatransform sa swan? Naniniwala ka ba dahil nangyari sa’yo ‘yun weh?, may kababata kang isinabuhay ang fairy tale na ‘yun, o dahil ikaw si Dra. Vicki Belo?

redefining fashion, oye!

Naniniwala ako na totoo ang mga ganyang kaechosan pagbobloom ng mga dating “uod” sa pagiging in-demand na “bulaklak”.  Pero naniniwala din ako na hindi ‘yun dahil sa tadhana, sa fairy godmother, sa pambubully ng ibang walang magawa sa buhay, o sa level of perfection ng angkan n’yo.  Hindi din ‘yun dahil sa pagkakaroon o paghahanap ng one true love.  May mga tao lang talagang personal choice ang mag-bloom para sa sarili nila.

Meet my Ate Dul.  Medyo malabo ‘yung picture sa itaas, pero malinaw naman kung gaano kapantay ang bangs niya (actually lahat kami, uso ‘yan noon, ‘wag ka nga) at kitang kita ang presence ng shoulder pads.  ‘Yan siya noon.

Wala akong kuya pero dumaan sa phase ang mga ate ko na magpaiksian ng buhok at magsuot ng medyo may kaluwagan na pantalon (with belt, syempre) ang trip kaya parang nagka-kuya din ako kahit saglit lang.  Hindi pa masyadong uso para sa kanila ang make-up at pag-aahit ng kilay pero uso naman ang accessories, tulad na lang ng ipit para hindi bumagsak ang bangs.  Forever 21 nila ang Camp Beverly Hills kaya high end talaga.  Nang ipamana sa akin ang lahat ng damit nila, akala ko nanalo ako sa lotto, anbilibabol!

Wala pa akong kamalay-malay noon na sablay ang mga itinuturing kong fashion icon.  At wala din atang kamuwang-muwang ang mga ate ko na naging ka-level nila si Jolens at Juday minsan sa buhay nila.  Syempre, nabagok naman kaming lahat, iba-iba nga lang ang tindi ng pagkabagok.

Bukod sa paghihikahos sa “fashion sense”, medyo matagal ang naging giyera ni Ate Dul laban sa excess fats (peace tayo betch).  Lima kaming magkakapatid.  Masarap naman magluto ang nanay ko pero sobrang payat namin noon.  Tipong magmumukhang chubby si Kim Chiu kung itatabi mo siya sa dating kami.  Hindi naman talaga naging mataba si Ate Dul, pero kung irarank ang weight namin NOON, siya ang top 1.  Ma-laman na siya para sa amin noon.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero pagkalipas ng ilang taon nalamangan na niya kaming lahat sa maraming bagay.  Ito na siya ngayon.

Iisa lang naman ang mga magulang namin at sa isang kalye lang natapos ang childhood naming lahat pero mas maputi na siya sa’min at mas paniniwalaan na siya kung magpapanggap kami na mga laking aircon.  Mas magaan na din siya sa aming lahat at ok, fine, mas maliit na ang braso niya.  Mas mapera na din siya kaya baka magmukha nang basahan ang kahit anong isuot ko na galing sa drawer ko.  At ang masakit pa dun, posibleng magmukhang ka-edad ko siya kahit na xx years old na siya, deym. IKAW NA!

Hindi ko masasabi na siya ang pinaka-kaclose ko sa lahat ng kapatid ko, pero close kami at nagegets naman namin ang jokes at banat ng isa’t isa.  Example: magdadialogue ng “Inay….. ang sinaing…” (movie ‘yan ni Nora Aunor).  Mas naging kaclose ko siya nang minsang naging bum kaming dalawa.  Naging Hip-hop Abs buddy kami noon na medyo wala namang epekto dahil nagmemeryenda kami pagkatapos.  Kapag bored na kami, pati ‘yung parang timang na “Date my Mom” saka ‘yung Dating show na pipili ng 3 random na date ‘yung mga magulang dahil ayaw nila sa bf/gf ng anak nila pinagtripan namin (weekdays ‘yon at bihira kami pumalya).

Pero kahit na naging “swan” na siya ngayon, siya pa din ang Ate Dul na kakampi ko nung iyakin pa ako at hindi kj.  Mas alert pa din siya kapag nakakakita ng ipis at kapag nakakita nga siya, kinakalimutan niya ang kahit sino, kahit kapatid, na maiiwan sa kamay ng ipis basta makatakbo at makalayo lang siya.  O.C pa din siya, nakakatakot magalit, pinakamasunuring anak (oh yes), pinakamasipag sa household chores, pinakamaagang gumising, pinakamatagal maligo at mag-ayos, nakakatulog after 3 seconds pagkahiga, at mahilig pa din siya sa sapatos.  Siya pa din si Ate Dul, nadagdagan lang ng kaunting kaartehan at matinding fashion sense.

oha, panalo ang shades ko!

Happy happy birthday betch! Ikaw na talaga. Be happy and stay pretty (ayeeee) *tsup*

P.S.  Gusto ko lang i-share ang 2 sa pinaka-importanteng natutunan ko kay ate.  ‘Wag na ‘wag kukuha ng second serving ng kanin kahit isang tasa pa ang natitirang ulam sa plato mo.  AT kapag may bibilhing pagkain sa grocery na hindi pa natitikman, bilhin mo ‘yung mas mahal o ‘yung pinakamahal na brand, dahil ‘yun ang mas masarap.

2 thoughts on “The Banyo Queen

  1. ROFLMAO talaga ako dito… I should’ve known by the title Kung tungkol kanino to… Ina-anticipate ko na ang reaction ng ate mo. Panalo to starlet! Happy birthday Sweet!!! ;p

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s