Future-ex-crush

Crush kita.  Please reply.
Syempre chos lang ‘yan.  Hinding hindi ko sasabihin (directly) ‘yan sa’yo.  At itataya ko ang buhay ni Justin Bieber, sigurado ako na hinding hindi din ‘yan sasabihin sa’yo ng mga kaibigan ko.  Kaya kung iisipin mo na para sa’yo to, ikaw ang siguradong talo.  Mantakin mo, nag-assume ka, tapos ako, eto, walang kamalay-malay na binabasa mo din pala ang blog ko.

Pero FYI hindi kita naging crush dahil kumikinang ka at nag-stand out sa classroom nung una tayong nagkita.  ‘Di ka masyadong artistahin, kaya ‘wag magfeeling.  Pero ok din ‘yang itsura mo, tipong piling tao lang ang makakaappreciate, ‘yung mga tao lang na makikilala ka talaga.  Safe ‘yang ganyang aura.  Pang true love. (ansabe?)

Bukod sa mga chem lab ko, ang pinaka-memorable class ko sa diliman ay ang GE (Gen Ed) na naging classmates tayo.  Sa dami ng estudyante sa school natin, sa dami ng pwedeng kuning GE, at sa chaos ng registration process sa lahat ng subjects, nakakaaliw na classmates tayo sa dalawang magkasunod na klase. Never nangyari sa’kin yung ganun bukod sa mga sem na pinagplanuhan talaga namin ng mga kaibigan ko ang sched namin.  Kaya no choice naman ako noon, di ba, kailangan kitang i-friend dahil mukhang hinulog ka talaga ng langit para ‘di ako maging loner at nasa phase pa kasi ako nun na bumubuo ng connections at circle of cheatmates.

At naging friends nga tayo.

Hingian ng yellow paper, tanungan kung anong “bagyo” ang nagaganap sa buhay acad natin sa isang major subject na pareho tayo ng teacher (pero magkaibang class period) habang nagmamadaling maglakad papunta sa building ng GE class natin, batian kapag nagkakasalubong kung saan man, kopyahan ng post lab, at kung anu ano pa.

Nang biglang gumuho ang idea ko ng friendship.

Masyado kang nakakaaliw.  Never kang nailang na lagi tayong sabay maglakad/magjeep papunta nga dun sa GE natin.  Well, dapat naman talaga na sumabay ka sakin dahil nga iisang klase lang naman ang panggagalingan natin bago ‘yun.  Nasabi mo pa noon na magaling naman akong magsulat in English dahil nabasa mo ang blog ko.  At kahit kababawan lang, natuwa akong hinintay mo ako minsan sa labas ng building (kahit isang beses lang ‘to) para lang manghiram ng readings.  Napahiya ako sa’yo nun dahil nauwi sa wala ang pagpasok mo ng maaga dahil ‘di ko pala dala ang readings na hihiramin mo kaya pareho pa tayong nanghiram sa classmate natin.  Kahit fail ako nun, nafeel ko naman na baka ako ang favorite mong classmate dahil alam kong may iba ka pang kakilala na pwede mo namang hiraman.  At aliw lalo nung napadaan ka sa tinambayan kong table sa MB (Math bldg) at nakiupo ka pa kahit na may klase ka pang papasukan.  Umalis ka saglit pero bumalik ka uli pagkababa mo ng bag mo sa classroom n’yo at nakipagkwentuhan ka muna sa’min ng kasama ko dahil sabi mo wala pa naman ang prof mo.

At ayun, hindi ka na normal na classmate sa paningin ko.

Wala kang kaalam-alam na ayoko na kitang makita noon.  Pero pang-asar ka pa dahil lagi kitang nakikita kahit ‘di ko naman pinaplano.  Sa SC (Shopping Center) kahit sobrang gabi na, sa Teletubby land, sa MRT, sa library, sa labas ng tambayan ng inaapplyan kong org.  ‘Di ka din pumapalya sa tuwing winiwish ko sa sarili na sana makita kita.  May nakatabi ako minsan na weirdo sa bus mula sa may amin sa Cavite at nagkataon na sa Shaw Blvd ang punta niya kaya sumabay siya sakin hanggang mag-MRT ako, kinakausap niya ako kahit na obvious na nagrereview ako at feeling close ang mga tanong niya.  At dahil natakot ako nang sobra, gusto kong makita ka kahit nakatalikod man lang pagdating ko sa school (finals week ‘yon at kailangan kong mainspire nang bongga).  At pagkalikong pagkaliko ko sa Chem bldg, nandun ka sa kabilang side ng kalye at kumakaway sa’kin.

At nakakaasar pa na assuming ako at nagkataon na pa-fall ka naman.  Tapos bakit kailangan lagi kang nakangiti? Di bale ba kung kaya kitang isnabin e.

Ang weirdo ko na natandaan kong lahat ng yan.  Kasalanan mo ‘yan.

Kahit ‘di halata, farewell letter na ‘to dapat.  Gusto ko sanang magpagupit dahil ‘yun daw ang sign kadalasan pag may pinagdaanang matindi (matindi talaga? ang char ko) ang isang girlet at start na ng new phase daw ng buhay niya, kaso mahal magpagupit dito kaya eto na lang ang ginawa ko.  Instant blogpost.

Kung mabasa mo man ‘to o mabasa man ‘to ng sinumang kaibigan mo din, uhm, e ‘di, buking na ako.

2012 na kaya game na game ako sa hamon ni idol Ramon na umamin na dahil baka magunaw na ang mundo.  ‘Di ako umamin technically, pero ‘yan na ‘yon.

Matuwa ka dahil choosy ako at pumasa ka sa standards ko.  Congratulations!

Goodluck sa buhay.  ‘Wag na ‘wag ko na sanang mabalitaan kung sakaling mahanap mo na si the one.

10 thoughts on “Future-ex-crush

    • aaaaaaahh.. bigyan mo pa ako ng mga 2 yrs? medyo mahirap magmove on!!! kailangan ko kasi ng inspiration pag hell week….. char!! magiging ex-crush din to, someday… *kidlat*

      • Hahaha wait, ito ba yung parang dala dala nya lagi yung buong bahay nila sa ilalim ng mata niya? Hahahaha

        TRUE LOVE na kasi yan. Ayaw mo pa aminin. Ilang taon na yan eh

      • wahahahahahaha seryoso kasi sya sa acads kaya mukha siyang haggard 24/7, wag ka nga!! sana pag sinabi kong true love nga, maawa sakin si papa god at ibalato na siya sakin LOL (mag-usap ba daw sa comment box? shaks, feel na feel ko na namiss mo ko… ayeeee *virtual hug*)

  1. Hindi na ako pinayagan ng blog mo na magcomment sa thread natin…pffft. LOL.

    I swear, pag dito ka na tumira ulit, kayo ang magkakatuluyan, I can feel it. CHOS.

    Oo dito talaga tayo mag-uusap. Saan pa ba pwede? Haha

    • kahit may “chos” sa dulo, kinilig naman ako. hahaha ang babaw lang.

      ‘yan ang gusto ko sayo, kahit nilalait mo siya palagi, very supportive ka pa din sa ilusyon ko!!!! magiging maganda ang tulog ko ngayon❤ libre kita ng isaw pag-uwi ko hihi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s