Boybands

Nagconcert pala kagabi sa Pinas ang A1, Blue, at isang member ng 98˚.  Sa kasamaang palad, di na sila kilala ng mga bagets ngayon dahil puro Justin Bieber-like at KPop na ang uso.  Buti na lang talaga, napili agad ako ni Papa God noon nung nagpaaudition siya ng mga batang ipapanganak nung late late 80’s/early 90’s, thanks to my biboness bilang egg cell.  At dahil nostalgic ang pagpaparamdam ng mga boybands lately, magrereminisce ako ng mga kinahumalingan kong pop group noon.  Dear kids, eto ang mga boybands na namiss nyo.  Sikat na sikat sila noon kahit walang Youtube, Itunes, Facebook, at Twitterrrr. Imagine-nin kung gaano kachallenging maging fangirl noon.

NSNYC

Favorite member: JC Chasez

Least favorite member: Lance Bass

Muntik nang naging least favorite member: Justin Timberlake (dahil sinolo nya halos lahat ng kanta nila sa 3rd album kahit na parang inipit ng pinto ang boses at mga ungol niya)

Most gasgas song everr: This I Promise You

Pinakapanalong music video: Bye, Bye, Bye

Most favorite song: I Drive Myself Crazy

Trivia: May double si Joey Fatone sa buong music video ng Pop (di ko yan ginoogle ha! napanood ko yan noon sa Making the Video sa MTV <– whutever happened sa show na yan, sayang)

Hindi ka fan kung hindi mo alam: ang meaning ng “NSYNC”

98˚

Favorite member: Jeff Timmons

Least favorite member: Jessica Simpson este Nick Lachey

Masarap kantahin sa karaoke: wala masyado.. pero pwede na ang The Hardest Thing

Most gasgas themesong everr: I Do Cherish You

Most favorite song: Still

Pwedeng sayawin sa school program: Because of You (true story ito, 2 beses pa to nangyari nung elementary ako)

Hindi ka fan kung hindi mo alam: kung meron bang magkapatid sa kanila at kung sino yun sa kanila

Trivia (sakin walang kokontra): 98˚ and Rising <– unang album na pinagtyagaan kong pakinggan ng paulit ulit hanggang maisulat ko ang lahat ng lyrics.  Ganun ako kakuripot, maski songhits namamahalan ako.

O-Town

Most favorite member na handa kong pakasalan noon: Jacob Underwood

Least favorite member/s: the rest

Most gasgas song everr: All or Nothing

Most favorite song: The Painter

Trivia: May “comeback” album silang ginagawa since January 2011 pero 4 na lang sila, minus Ashley Parker Angel (trivia donated by google)

Hindi ka fan kung hindi mo alam: kung sino sa kanila ang hindi “original” member  at ‘di parte ng grupo pagkatapos ng mahabang pilian sa “Making the Band”

Backstreet Boys

Most favorite member: Brian Littrell

Next favorite member/s (close 2nd): the rest

Tsismis na muntik ko nang paniwalaan: babae si Nick Carter

Masarap kantahin sa videoke (solo): I’ll Never Break Your Heart

Masarap kantahin sa videoke (group): Quit Playing Games with My Heart

Most favorite music video: All I Have to Give

Most kilig part ng isang music video: patagilid na ngumiti ni Nick sa I Want It that Way (wag manghusga, bata pa ako kaya mababa pa ang kilig standards ko noon)

Most favorite song: Like A Child

Most gasgas song everr: Wala!!!!!! (<– walang bias yan)

Hindi ka fan kung hindi mo alam: kung sino ang magpinsan sa kanila

Trivia: Sa music video ng As Long as You Love Me nakilala ni Brian ang asawa niya (ang chismosa ko lang)

Special Mention: F4

Favorite member: Vic Zhou a.k.a Wat si Lei (walang pakialamanan sa spelling!!!)

Most gasgas song ever: LAHAT!! (oha bongga!!).  I-invade ba naman ang MYX 24/7.

Hindi ka fan kung hindi mo alam: ang mga pangalan nila sa Meteor Garden (tatalupan ng balat ang ‘di makasagot)

P.S. Kulang na kulang pa yan.  Meron pang: New Kids on the Block, Boyzone, Westlife, A1, Blue, LFO, Hanson, Five, at marami pang iba.  ‘Di lang ako masyadong fan.  Pero deym, andami palang choices noon.  Ngayon, ang limited ng choices ng mga bagets, poor kids!!

P.P.S. Sa tingin ko hindi boyband ang Boyz II Men kaya di ko sila sinama.  Masyado silang winner para ibilang na boyband.

Happy puso

Hindi masyadong big deal sa’kin ang Valentines.  Bukod sa single forever ang drama ko (at hindi PA naman ako bitter so far… medyo lang), hindi ako mahilig sa bulaklak at sa kung anu ano pang kacheesyhan.  Pero dahil napupuno na ang timeline ko sa twitter ng mga batian at parinig, makikiride-on na din ako.

Nakita ko lang ‘to sa facebook ng kaibigan ko (Nitu, kung sakaling mapadpad ka dito, thank you!) at naaliw ako ng bongga.  Walang masyadong kacornyhan kasi walang mga madrama at ma-emong eksena, simpleng-simple lang at pwedeng gawin ng kahit sino, ‘di mga bagets ang bida kaya mas cool at nakakakilig, at higit sa lahat Backstreet Boys ang special number nila!!!! San ka pa?! Dear future the one, I want it that way!!

Enjoy the video at Happy Valentines Day sa lahat!!!!! ♥