Boybands

Nagconcert pala kagabi sa Pinas ang A1, Blue, at isang member ng 98˚.  Sa kasamaang palad, di na sila kilala ng mga bagets ngayon dahil puro Justin Bieber-like at KPop na ang uso.  Buti na lang talaga, napili agad ako ni Papa God noon nung nagpaaudition siya ng mga batang ipapanganak nung late late 80’s/early 90’s, thanks to my biboness bilang egg cell.  At dahil nostalgic ang pagpaparamdam ng mga boybands lately, magrereminisce ako ng mga kinahumalingan kong pop group noon.  Dear kids, eto ang mga boybands na namiss nyo.  Sikat na sikat sila noon kahit walang Youtube, Itunes, Facebook, at Twitterrrr. Imagine-nin kung gaano kachallenging maging fangirl noon.

NSNYC

Favorite member: JC Chasez

Least favorite member: Lance Bass

Muntik nang naging least favorite member: Justin Timberlake (dahil sinolo nya halos lahat ng kanta nila sa 3rd album kahit na parang inipit ng pinto ang boses at mga ungol niya)

Most gasgas song everr: This I Promise You

Pinakapanalong music video: Bye, Bye, Bye

Most favorite song: I Drive Myself Crazy

Trivia: May double si Joey Fatone sa buong music video ng Pop (di ko yan ginoogle ha! napanood ko yan noon sa Making the Video sa MTV <– whutever happened sa show na yan, sayang)

Hindi ka fan kung hindi mo alam: ang meaning ng “NSYNC”

98˚

Favorite member: Jeff Timmons

Least favorite member: Jessica Simpson este Nick Lachey

Masarap kantahin sa karaoke: wala masyado.. pero pwede na ang The Hardest Thing

Most gasgas themesong everr: I Do Cherish You

Most favorite song: Still

Pwedeng sayawin sa school program: Because of You (true story ito, 2 beses pa to nangyari nung elementary ako)

Hindi ka fan kung hindi mo alam: kung meron bang magkapatid sa kanila at kung sino yun sa kanila

Trivia (sakin walang kokontra): 98˚ and Rising <– unang album na pinagtyagaan kong pakinggan ng paulit ulit hanggang maisulat ko ang lahat ng lyrics.  Ganun ako kakuripot, maski songhits namamahalan ako.

O-Town

Most favorite member na handa kong pakasalan noon: Jacob Underwood

Least favorite member/s: the rest

Most gasgas song everr: All or Nothing

Most favorite song: The Painter

Trivia: May “comeback” album silang ginagawa since January 2011 pero 4 na lang sila, minus Ashley Parker Angel (trivia donated by google)

Hindi ka fan kung hindi mo alam: kung sino sa kanila ang hindi “original” member  at ‘di parte ng grupo pagkatapos ng mahabang pilian sa “Making the Band”

Backstreet Boys

Most favorite member: Brian Littrell

Next favorite member/s (close 2nd): the rest

Tsismis na muntik ko nang paniwalaan: babae si Nick Carter

Masarap kantahin sa videoke (solo): I’ll Never Break Your Heart

Masarap kantahin sa videoke (group): Quit Playing Games with My Heart

Most favorite music video: All I Have to Give

Most kilig part ng isang music video: patagilid na ngumiti ni Nick sa I Want It that Way (wag manghusga, bata pa ako kaya mababa pa ang kilig standards ko noon)

Most favorite song: Like A Child

Most gasgas song everr: Wala!!!!!! (<– walang bias yan)

Hindi ka fan kung hindi mo alam: kung sino ang magpinsan sa kanila

Trivia: Sa music video ng As Long as You Love Me nakilala ni Brian ang asawa niya (ang chismosa ko lang)

Special Mention: F4

Favorite member: Vic Zhou a.k.a Wat si Lei (walang pakialamanan sa spelling!!!)

Most gasgas song ever: LAHAT!! (oha bongga!!).  I-invade ba naman ang MYX 24/7.

Hindi ka fan kung hindi mo alam: ang mga pangalan nila sa Meteor Garden (tatalupan ng balat ang ‘di makasagot)

P.S. Kulang na kulang pa yan.  Meron pang: New Kids on the Block, Boyzone, Westlife, A1, Blue, LFO, Hanson, Five, at marami pang iba.  ‘Di lang ako masyadong fan.  Pero deym, andami palang choices noon.  Ngayon, ang limited ng choices ng mga bagets, poor kids!!

P.P.S. Sa tingin ko hindi boyband ang Boyz II Men kaya di ko sila sinama.  Masyado silang winner para ibilang na boyband.

14 thoughts on “Boybands

  1. Hala. Ibig sabihin hindi pala ako fan ng N’Sync, O-Town, 98 Degrees, at BSB? Basta gusto ko pa rin ang mga kanta nila. Hahaha! Gusto ko rin yung Code Red kahit konti lang ang kanta nila na sumikat. Bad trip, bakit alam ko ang pangalan ng F4 sa Meteor Garden? Haha!

    Oo nga. Partida MTV at [V] ang meron noon sa TV at di pa sikat ang Internet. Medyo patok pa ang radyo nun dahil sa OPM. E-Heads talaga. Walkman at Cassette tapes pa ang ginagamit ko nun.

    • yung sa F4 lang nasagot mo? isa lang ang ibig sabihin niyan,,, “Oh baby, baby, baby My baby, baby Wo jue bu neng shi qu ni..” (ginoogle ko yan para sayo). hahahaha don’t worry pang-chismosa naman ang mga trivia ko so pwede mo pa ding iconsider ang sarili mong fan hindi lang ng F4!

      yung iba nag-aabang ng favorite song nila sa radyo tapos irerecord sa cassette tape. minsan irerecycle pa yung mga lumang cassette tape sa bahay, papatungan ng mas ok na mga kanta.

    • gustuhin ko mang itanggi, namemorize ko din yung mga kanta ng F4, kinakanta pa with feelings. hihi

      di ako masyadong fan ng westlife pero alam ko ang chorus ng mga kanta nila, kasalanan ng mga fm stations na paborito ng mga bus. at ok nga din ang code red!!!🙂

      • Hahaha! Nagpaturo pa ako sa kaklase ko nung HS kung paano i-pronounce ung lyrics ng F4 songs. Hihihi. Kasalanan din ng mga ate ko na addict sa MTV!🙂

  2. Hindi pa rin ako makaget over sa boybands. I thought about them again kagabi habang naglalaba ako. Haha. May The Moffatts (not sure sa spelling :D) at Hanson.🙂

  3. hello, there,

    kilala ko sila at mostly ng mga kanta nila, ahaha. di ako gaanong mahilig sa boy bands, though…

    aliw lang ‘yong mga panakot sa present generation at sa ispeling ng name ni watselei, hihi… ^^

    nakikiraan lang po. regards, 🙂

  4. dindin! ibig sabihin matanda na tau? haha…

    lahat na yata ng boyband that time is sumikat…hindi ko masyadong kilala ung members pero ung mga kanta alam ko…haha…=) ahmmm…bukod lang siguro F4…sobra kasi ang exposure nila…^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s