Cybercrime Busters

Wala sana akong balak magblog hanggang next year dahil *fingers crossed* last sem ko na ngayon bilang college student.  Pero special thanks sa *tentenenen* Cybercrime Law, parang nabudburan ako ng inspiration para magblog uli.

Seryoso ba sila? Ganitong klaseng “batas”, naapprove agad? Mas mahalaga ‘to? As in kesa sa RH Bill? Freedom of Information Bill?

Alphabetical ba ang pag-entertain ng mga minamahal nating kongresista, senador, at presidente sa mga bills? Dictionary???

Libel.  Default word na madalas sa mga showbiz chika news (dyaryo, radyo, tv) at, syempre dahil makabagong panahon na sa, internet.  Ilang taong “sikat” na ba ang nag-akusa sa isa’t isa na libelous daw ‘yung sinabi/sinulat ni ganito, ganyan? Paulit-ulit.  Gasgado na.

Pero ngayon, parang lumalabas na hindi na lang magiging pang-carnival show at daily entertainment natin ang libel na ‘yan.  Gusto nila tayong iinvolve.  Ang dami daw kasi nating satsat.  Bawal ang masyadong madaming comments.  Kaya ayan, face the wall tayo.

Akalain mo ‘yun, may ganitong batas sa Pilipinas na “magdidisiplina” at magkocontrol sa mga mapanira daw na elemento at creatures sa internet world? ‘Sa Pilipinas? Yung kung saan kahit ang dumi ng records nung pulitiko e nakakatakbo pa din at nananalo sa eleksyon? ‘Yung mga karumal-dumal na krimen tulad ng Maguindanao massacre at sandamakmak na patayan, ni hindi masolb-solb? ‘Yung sa laki ng populasyon (at mabilis na dumadami) e pare-parehong apelyido lang ‘yung nakakaupo sa gobyerno kahit na parang wala namang nagagawang matino?

Hiyang hiya naman kami sa mga tarp at billboards nyo na may gigantic faces nyo + description ng project na utang na loob namin senyo o kaya greetings nyo samin sa mahahalagang okasyon sa buhay namin.  Sa totoo lang, ‘yang mga tarps at billboards na yan ang dapat iconsider na libelous.  Although, baka pag nagsampa ako ng kaso laban sa mga tarps, ako ang maakusahan ng libel.

Sa bagay, sabi nga nila, ang kasalanan ay kasalanan.  So ang isang simpleng tweet o fb post, kahit 5 words lang, basta malisyoso at laban kay Mr. Pulitiko X ay kasalanan pa din sa mata ng batas.  At dahil special ang mga ordinaryong tao at handang magpaubaya ang mga taong may kasalanan din pero ever so powerful, priority ang kaso ng isang random internet user na ang basehan ng akusasyon sa kanya ay kung gaano kasensitive ang makinis na balat ni Mr. Pulitiko X.  Saka na ang mabibigat na kasalanan ng mga nangurakot.  Mas exciting ang cyber crimes.  (insert *sarcastic at maluha-luhang papuri*) Go go cybercrime busters, our heroes!

So guys, paano ba ‘yan, kailangan na ata nating irestrict ang internet life natin (o baka naman gusto lang nila tayong magkaroon ng social life sa real world? How tamis no?).  ‘Wag magtweet, magstatus, magcomment, magfavorite, maglike, magretweet, magblog nang laban sa kanila, ok? Mahirap kalaban ang pikon, makukulong ka.

Pero, on second thought, sa isang lugar na may ganyang cybercrime law, na halos wala nang freedom of expression, parang nakakulong na din naman tayong lahat kahit ‘di pa tayo nakakasuhan so anong kaibahan, di ba? Wala.

Kaya challenge accepted.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s