Meron akong sikreto

kung may isang pang-uri na malamang sasang-ayunan ng mga taong hindi ako kilala mula bumbunan hanggang talampakan, ang sasambitin nila ay ang gasgas nang salita sa describe yourself sa slumbook : MABAIT; at kung magbibigay ng tig-iisang pang-uri ang mga taong nabiyayaan ng exclusive pass sa makulay na buhay ko, ang kahuli-hulihang sasagi sa malilikot nilang isip: harmless tahimik; at kung may isang paniniwala man ako sa buhay na paninindigan ko kahit i-firing squad pa ako sa sunken garden: hindi hadlang ang maliit na bibig na meron ako upang magsalita, sumigaw, manermon, mang-utos, kumanta, mangagat, kumain, umirit, tumili, dumaldal, tsumismis, magkwento, at magblog; at kung may isang ginintuang payo man na isasabuhay ko balang araw: kung mahiyain ang bata, pakainin siya ng **** ng baboy.  ‘Yan siguro ang dahilan kung bakit never man akong nailista sa noisy sa blackboard, ay never din akong na-awardan ng most behaved sa school.

Bakit Ang Malikot na Mundo ng Ilusyonadang Starlet ang (previous) title ng blogsite ko?

Nakuha ko ang ilusyonadang starlet sa isang teleserye noon na pinagbibidahan ni Melody Sandoval.  Kung ‘di mo siya kilala, kawawa ka naman.  Malikot na mundo? kineclaim ko lang na malikot ako sa sarili kong mundo.  Medyo mas mahiyain kung ikukumpara sa pinagsamang kalikutan ng tatlong uod na inaasinan at ng isang a-go-go dancer.

** Pinalitan ko na ang blogsite title ko at ginawang The Ilusyonadang Starlet para mas may command saka ang sarap kasing ipronounce ng THE with resounding TH talaga, parang sosyal, well, parang lang.

12 thoughts on “Meron akong sikreto

  1. Melody Sandoval? familiar name.. si carol banawa ba un? hehe.. basta parang may gusto akong teleserye dati na yan un pangalan di ko nlng maalala.. hehe.. nice nice.. may future ka sa pagsusulat.. keep it up.. tip ko lang mas maganda kung mas malalim na tugmang tagalog words un gagamitin mo para mas maging maganda.. =)

  2. tumpak! obvious na paborito mo. ikaw ha, ako mild lang ang pagkagusto ko sa palabas na yan. *o*

    kapag seryoso ang topic ko, na sobrang bihira, sinusubukan kong laliman ang words ko. wala pa akong seryosong topic ngayon (baka kasi maiyak ako LOL) , next time, ibibigay ko ang best ko. (career? haha)

    salamat talaga sa pagdaan. mwah

  3. Kilala ko si Carol Banawa pero yung Melody Sandoval character ba niya yun?
    Ang alam ko kapag bulol ang bata pinapatikim ng inihaw na kepyas ng mamuy. Hehe. Patambay.

    • tama! si carol banawa si melody sandoval sa teleseryeng ‘yon.😀

      infairness, hindi ko alam ang “kepyas ng mamuy”. either malalim na tagalog ‘yan o slow lang ako.

      maraming salamat sa bisita.

      P.S. hindi ko talaga favorite na teleserye ang “bituin”.
      P.P.S. kung itatanong mo kung anong show ang “bituin”, yun ang palabas ni melody sandoval.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s