Proud with a capital P

Ordinaryong araw lang sa akin ang biglang titigil sa ginagawa, matutulala, at biglang mamimiss ang Pilipinas.  Alam mo ‘yung pag gumigising ka, kadalasan Lunes ng madaling araw, at malilito ka kung anong araw at oras na, kung nasaang lugar ka, at kung ano ang ginagawa o gagawin mo? ‘Yung kapag pagkatapos nang ilang segundo nang pagtitig sa kisame, bigla mong marerealize na Lunes ng umaga pala at kailangan mo nang (in no particular order, at pwedeng gawin simultaneously): maligo, umupo sa trono, kumain, magtext ng “Good morning” sa labidabs mo, magtoothbrush, magbasa ng headlines sa twitter (ok, pwede din sa CNN), magkape, at tumingin sa salamin para sabihing “Limang araw na lang at weekend na, cheer up!!!”.  Ganyan ang nararamdaman ko araw araw, minsan kahit hindi bagong gising.

Lalo kong namiss ang Pinas ngayong Linggo.

Miss Universe 2011 nung Monday ng gabi dito.  Waging-wagi si Shamcey Supsup at ang buong Pilipinas.  Pinagpalit ko talagang hindi magreview sa exam ko kinabukasan, makanood lang at makigulo sa twitter bago, habang, at pagkatapos ng pageant.

Nung Lunes din nanumpa ang nanay ko para maging American citizen.  As of September 12 2011, hindi na Pilipino ang mga magulang ko.  At least, sa papel lang.  Sigurado ako dun dahil o.a. nga sila sa reaksyon dahil lang mas mataas ang fan votes ng Venezuela sa swimsuit at ng Angola sa evening gown kesa sa Philippines.  Kumalma sila ng konti ng iexplain nami ng ate ko na hindi ‘yun average score ng judges.

Hindi ko maimagine ang sarili ko na manunumpa din.  Hindi ako nakasama sa kanila nung araw na ‘yun kaya hindi ko nasaksihan kung anu-ano ang gagawin.  Basta sabi ng ate ko, iwawagayway daw ‘yung maliit na American flag na nasa stick.  Oh well, papel, hindi ko ata kaya ‘yun.  Baka mabangungot ako c/o Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Ninoy Aquino, at Mommy Dionisia.  As of today, Pilipino ako, sa puso, isip, diwa at papel.  I thank you.

Tapos nung Sabado, UAAP Cheerdance competition naman.  High school pa lang ako at kahit hindi pa ako masyadong fan ng basketball sa UAAP, hindi namin pinapalampas ‘yung cheerdance.  At hindi ‘yun dahil paborito ko noon ang Non-stop ice cream.  Noon pa lang, nakakamangha na ang UP Pep Squad.  At hanggang ngayon, andun pa din ang nag-uumapaw na talent at bonggang attitude plus the blonde hair.

Nakakaproud ang UP Pep.  Nakakagaan sila ng pakiramdam.  ‘Yung nagpeperform sila, hindi dahil kailangan nilang magperform at magcheer dahil trabaho nila ‘yun, pero dahil gusto nila at masaya sila.  Basta sa tuwing napapanood ko ang UP Pep, parang ang sarap maging taga-UP at maging Pilipino.  Naramdaman ko uli ‘yun nung mapanood ko sila nung sabado, kasama ng pakiramdam na parang ang sarap magpakulay ng buhok, seryoso.

Kung hindi mo pa napapanood ang performance ng UP Pep Squad, para sa’yo to.  Mas magandang anggulo ‘to kesa sa tv.  Salamat sa may-ari ng video.

Apat na beses ko ng pinapanood at papaulit-ulitin ko pa kahit magreklamo pa ang computer ko.  I LOVE YOU UP PEP SQUAD!!!!!! #UPPepSwag #UPFight (hindi ko na maiwasang magtype ng hashtag, sorry)

Ukol sa Nawawala.

Lahat ng nawawala ay hinahanap.  Lahat ng nawawala ay dapat ikabahala.  Lahat ng nawawala ay dapat bigyang pansin.  Lahat ng nawawala ay dapat namimiss.  Lahat ng nawawala ay dapat hanapin.  At kapag sinabing lahat, walang pwera-pwera.  Ballpen, barya, singsing, I.D., cellphone, tinapay, abrilata, pulang medyas, sandok, martilyo, huling piraso ng puzzle, karayom, polkadots na panty, charger, pusa, autographed picture ni Ate Shawie, sinturon ng  Barbie mo, scratch paper na sinulutan mo ng cellphone number ng crush mo, sintas, deep red na lipstick, diary o ang paboritong tupperware ng nanay mo.  May kwenta man o wala, mahal man o natawaran mo sa Divisoria, binili mo man o inarbor, maliit man o pangit, luma man o second-hand, ang nawala ay hindi dapat mawala.  Ang nawala ay dapat muling mahanap.


Marami-rami na din akong naiwala.  May ilang sinadya pero mas marami ang hindi ko inaakalang mawawala pala.  Nakawala ako ng payong ng ilang beses (sadya karamihan), kwintas, pera, pati palda kong pangpasok na iniwan ko ng hindi ko namamalayan sa c.r. ng school namin.  Kahit digicam na inutang lang ng kapatid ko sa credit card niya naiwala ko din noong nag-prom kami.  May nawalang mga kaibigan at ilang pilit kong iwinalang kaibigan sa isip ko.  May mga nawalang formula sa Math o sagot sa fill-in-the blanks sa exam sa memorya ko.  Naiwala ko din minsan ang tiwala ko sa sarili ko at tiwala sa ibang taong nakakasalamuha ko.  Nakawala na din ako ng crush sa imahinasyon ko at sa pagdaan ng panahon ay nadala na din sa pagihip ng hangin.  Nawala na din sa utak ko ang kaarawan ng ilang kaibigan, pangalan ng ilang nakilala, ang sikreto niya o ang sikreto ko, ang utos ng nanay ko, ang favor ng kapatid ko o ang halaga ng isang bagay, ng isang ala-ala o ng isang kaibigan.  Sa lahat ng iyon, sinadya man ng pagkakataon o hindi, may isang bahagi ng buhay ko (maiksi man) na inalay ko sa paghahanap sa mga nawalang ‘yon o kahit sa pag-aalala at pagkamiss lang sa kanila.  At kahit papaano, may ilan akong nahanap.  At may ilang hindi na at pilit ko na lamang kinalimutan.


Kanina, nakanood ako ng Story line.  Tungkol sa abduction cases na tila nakalimutan na at naibaon sa libo-libong kasong nahihimbing sa bangungot ng realidad.  Nakilala ko si Manuel.  Isang dating magsasaka at naging biktima ng hindi makatarungang pagbihag at pagpapasakit ng grupo ng mga militar at ni Army Maj. Gen. Jovito Palparan.  Detalyado ang bawat salitang binitawan niya.  Buhay na buhay ang takbo ng istoryang inilahad niya.  Matulis ang reaksyon ng damdamin ko at ng ate ko.  Awa, takot, poot at galit.  Dati rati nababasa ko lang ang pangalan ni Palparan sa mga vandals malapit sa FA (Fine Arts) at sa mga placards at sa katsa na bumabandera kapag may rally.  Naririnig ko lang ang mga kwentong ganito kapag nananawagan ang mga aktibista at pinapamukha sa bawat klasrum ang picture ni Karen Empeno at Sherlyn Cadapan (mga nawawalang UP students/activists) at kasabay ng hinaing nila ang mga pangalan ng mga dapat daw sisihin at parusahan.  Nakita ko lang ng malapitan ang lagim ng kalagayan ng mga nawala at hindi na muling nahanap pa sa bulag na hustisyang mayron tayo ngayon nang mapadpad kami sa isang exhibit tungkol at alay para sa kanila.  Nabasa, naintindihan at naisulat ko lang ang mumunting saloobin ko sa lahat ng ito nang minsang kailanganin namin para sa isang aralin.  Pero dun lang natapos ang lahat ng iyon.  At sa pakikinig ko kanina sa karanasan ni Manuel, ang nasaksihan niyang paglapastangan sa pagkababae ng ilan, pagbugbog, pag-aalipusta, unti-unting pagkitil sa pagkatao at buhay nila, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Kung ganun ang epekto sa tulad kong isang mangmang at walang kinalaman sa kanilang lahat, ano pa kaya ang emosyong namayani sa nanay, sa asawa o sa anak ng mga walang kaawa-awang nabihag at hanggang ngayon ay tila hindi na muling mahahanap pa sa kwento ni Manuel? Buhay pa ba sila at nakatakas katulad ni Manuel? Naghihingalo na ba sila at kasalukuyang nagkukubli sa kung saan mang lugar? Patay na ba sila at hindi na muling mabibigyang hustisya pa? May saysay pa ba ang laban nila o sadyang laro na lang ito sa mata ng ilan?



Hindi din lahat ng tao ay naniniwalang lahat ng nawawala ay dapat pang hanap-hanapin.  May ilang solb na sa alternatibo, halinhin sa nawala, proxy sa hindi makakarating, plan B o kahit ang long method kapag nawalan na ng pag-asa sa shorcut.  Malapit na ang Father’s Day at kahapon nakapili na agad ang tatay ko ng regalo namin para sa kanya.  Sa pagka-atat niya, na-order at nabayaran na din ang regalong iyon.  Isang pares ng sapatos.  Isa na namang pares ng sapatos.  Isa na namang itatambak sa cabinet niya ng magkakamukha namang sapatos.  Isang pares ng sapatos laban sa mga ngiping ilang buwan na ding absent sa loob ng bibig niya.  Mga ngiping mas may silbi sana sa buhay niya sa aspetong pangmatagalan at mas matimbang sa personal niyang pangangailangan.  Hindi lahat ng nawawala ay dapat ikabahala.  Hindi lahat ng nawawala ay dapat ma-miss.  Hindi lahat ng nawawala ay hindi pwedeng palitan.  Gayunpaman hindi din lahat ay may katumbas.


Kung nawawalan na ako ng ganang makinig sa walang saysay at mapagkunwaring pagsuyo ng mga trapo sa ngayon, magigising ba ang atensyon ko sa tunay nilang pagkatao at hangarin bukas o samakalawa ‘di kaya? Paano kung nawawala na ang tapat at malinis na pakikipaglaban sa lipunang ating ginagalawan, may makakahanap pa ba ng nararapat na solusyon para dito at mahahanap pa ba natin ang taong makakahanap ng solusyon na iyon? Kung nawawala na ang puso at utak ng ilan sa pag-intindi at pag-unawa sa kalagayan at kahihitnan ng pangkalahatan, paano nila malalamang may nawawala pala hindi sa iba kundi sa sarili nila? Paano kung mawala na ang pagkakataong mabago at maiayos natin ang nakaraang nadumihan at nabaluktot ng ilang walang malasakit sa mawawalan, ano pa ang kalalagpakan ng nawalan bukas?


Hindi lahat ng nawawala ay habang buhay nang mawawala.  Hindi rin lahat ng nawawala ay muli pang nakikita.  Hindi rin lahat ng nawawala ay hinahanap pa.  Hindi rin lahat ng nawawala ay napapansin nating nawawala pala. Paano kung mawala ako o ikaw bukas? Mahahanap mo ba ang daan pabalik? O maghihintay ka na lang at patuloy na aasang may isang magmamalasakit at puspusang maghahanap sa iyo? Hanggang saan kaya ang pag-asa mong muli ka pang matatagpuan? Hanggang kailan ka mawawala? Hanggang kailan ka hindi mawawala?

Chip Tsao: My Late and Violent Reaction

** Forwarded email mula sa isang kaibigan.  At sigurado akong hindi ang delinquenteng si CHIP TSAO ang kaibigan kong iyon. hmp.

 

The War At Home

March 27th, 2009

The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That’s no big problem—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke.

But hold on—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter.

As a patriotic Chinese man, the news has made my blood boil. I summoned Louisa, my domestic assistant who holds a degree in international politics from the University of Manila, hung a map on the wall, and gave her a harsh lecture. I sternly warned her that if she wants her wages increased next year, she had better tell every one of her compatriots in Statue Square on Sunday that the entirety of the Spratly Islands belongs to China.

Grimly, I told her that if war breaks out between the Philippines and China, I would have to end her employment and send her straight home, because I would not risk the crime of treason for sponsoring an enemy of the state by paying her to wash my toilet and clean my windows 16 hours a day. With that money, she would pay taxes to her government, and they would fund a navy to invade our motherland and deeply hurt my feelings.

Oh yes. The government of the Philippines would certainly be wrong if they think we Chinese are prepared to swallow their insult and sit back and lose a Falkland Islands War in the Far East. They may have Barack Obama and the hawkish American military behind them, but we have a hostage in each of our homes in the Mid-Levels or higher. Some of my friends told me they have already declared a state of emergency at home. Their maids have been made to shout “China, Madam/Sir” loudly whenever they hear the word “Spratly.” They say the indoctrination is working as wonderfully as when we used to shout, “Long live Chairman Mao!” at the sight of a portrait of our Great Leader during the Cultural Revolution. I’m not sure if that’s going a bit too far, at least for the time being.

Chip Tsao is a best-selling author and columnist. A former reporter for the BBC, his columns have also appeared in Apple Daily, Next Magazine and CUP Magazine, among others.

 

 

**********

Violent reaction.  OO yan ang tawag sa ginagawa ko ngayon.  Understatement pa nga kung tutuusin.  Kung may karapatan ‘yung lalaking naka-pose sa picture sa itaas na maglahad ng opinion niya, offensive man, may karapatan ako at ikaw na makigaya din.  What the, Chip Tsao, ano’ng pinagsasasabi mo?  Nais ko lang iparating na napaka-valid ng mga dahilang ibinigay niya kung bakit kaya niyang tiisin at tanggapin ang pag-apak sa lahi niya ng Russia at Japan.  Nabanggit pa lang si Hello Kitty, napa- oo nga naman na lang ako.  At ang pangunahing dahilan na ikinagagalit ng kaloob-looban niya laban sa mga Pilipino? isang hindi makataong salaysay, offensive, foul at napakababaw para panghugutan niya ng sama ng loob at inspirasyon sa pagbuo ng napakapropesyonal? niyang artikulo *palakpak para sa kanya*.  Dahil hindi kami magkauri, hindi ko igigeneralize ang mga HK Chinese, kahit na halos ipagmalaki niya ang pang-aalipusta niya at ng MGA kaibigan niya sa mga DH, ayokong ipagsigawan na I hate you HK people.  Ang pagkakamali ng isa ay hindi ko ibabato sa buong lahi nila.  Kung ipinagmamalaki niyang sila ang nagpapasweldo at bumubuhay sa ilang OFW, magpapasalamat ako sa kanya at sa mga katulad niya.  Ngunit sa pananaw ko, hindi pera o anumang materyal na bagay ang sagot sa pagtitimbang kung sino ang tama o mali, kung sino ang panalo o talo, kung sino ang api o mang-aapi.  Wala akong pakialam kung siya pa ang pinakamayamang nilalang sa balat ng lupa dahil hindi iyon isang excuse para apihin niya ang nais niyang apihin at hindi iyon kalamangan sa kahit sinong kapos sa materyal na pangangailan.  At nais ko ding banggitin ang salitang UTANG NA LOOB.  Ano pa man ang sabihin niya, kahit papaano ay may naitutulong ang mga DH sa mga taong katulad niya kahit may kapalit mang sweldo.  At dahil nga sa mga pananaw niya sa buhay at ang tila pagtingala niya sa mga makapangyarihang bansa, sa tingin ko ay hindi maaabot ng pang-unawa niya ang katotohanang iyon.  MUTUALISM ang meron sila pero para sa kanya parasitism ang lahat.  Tayo ang parasite, at siya ang *effin* na host.  Bow ako sa patriotism na mayron siya, kung ‘yun nga ba ang tawag sa ginawa niya at sa ginagawa ko ngayon.  Wala akong malinaw na kaalaman ukol sa isyu ng Spratly pero dahil sa kanya ay maglalaan ako ng panahon sa tunay na kalagayan ng kontrobersiya na ito dahil ayokong ipagsigawan kaagad na b*tch, sa amin ang Spratly nang dahil sa nayayabangan ako sa isang Chinese o dahil naliliitan ako sa HK.  Sa ngayon, sa tuwing maririnig ko ang mga salitang Spratly Islands, siya ang tanging naaalala ko at magdidialogue ako ng China! Madam/Sir, b*tch.  At salamat sa kanya, lalo kong napagtanto ang biyayang meron ako sa pagiging isang Pilipino.


A HK best-selling author and columnist published an offensive and degrading article against Filipinos regarding the issue of sovereignty over Spratly Islands, we can live with that — without HK there will be no perfect place to shop for cheaper stuff (branded or not)  and less chance of feeding our fashion hunger in a dime.  Oh, and there will be no Disneyland to go to in just an hour.  That will bring us, Filipinos, total misery. *sad face*  — Ako ito, nagpapakab*tch.

 

 

 

 

 

At dahil hindi ako magtatapos na hindi iuuplift ang Pinoy power ko o nating lahat, eto ang bonus:

source: Inquirer.net

Out of 88 countries na nag-participate sa Earth Hour 2o09, Philippines made it as the #1 participant with a total of 650 towns/cities which cooperated and participated.  Although hindi basehan ang 1 oras para sabihing tayo ang pinakamatipid at pinaka-nagke-care sa Mother earth, isang malaking accomplishment na din ito.  Nandun na ang awareness at objective na makacontribute sa isang simpleng aksyon at ang willingness na ialay o putulin ng kahit isang oras lang ang kung ano man ang ginagawa o planong gawin.  Naipakita din ang pagkakaisa at pagtutulong-tulong ng mga Pilipino sa ilang aspeto ng  buhay at ang pagbibigay halaga natin sa isang munting bagay na makakatulong sa mas malaking scale sa future kahit na isang maliit at third world na bansa lamang.  At sana ay magpatuloy ang intensyong ipinakita nating lahat sa event na iyon sa bawat araw  na darating.

Ayoko nang mag-english!

Hindi ko lang alam kung nabahiran ba ako ng dugo ni kumpareng Andres “Andy” Bonifacio, o dahil napadilat ng kultura ng diliman ang bulag kong kamalayan, o sadyang tagilid lang ako sa subject na English noon pa man, pero habang tumatagal at nalilipasan ako ng panahon, napapansin kong mas tumitindi at sumisidhi ang pagiging makabayan ko.

Baliw nga siguro ako kung tutuusin.  Mantakin mo nasa piling na ako ng mga stateside pero pilit pa rin akong lumilingon at nagpapahila sa anumang anyo ng force na magdadala sakin sa kulturang kinalakihan ko.  Sa halos napakadaming channel na pwede kong pagbabaran ng atensyon, hindi ako nagsasawa sa TFC, kahit Wowowee pa ang palabas o ang paborito kong conservative na si Eva Fonda.  Pinagtitiisan ko din ang bulok na mundo ng Friendster kaysa sa uso daw na Facebook.  Ayoko dun sa FB dahil maraming Kano dun at ayokong makihalubilo sa mundong dinodominate nila, ok na ako sa FS na pang-Pinoy.  Ironic dahil araw-araw nakikisalamuha ako sa mga English speaking na mga nilalang na ‘yon at nakikitira lang naman ako sa lupain nila.  At nang mahalungkat ko ang blogsite na ito, kung saan maisasakatuparan ko ang matagal ko nang inaasam at binabalak na 100% Tagalog na mga likha, naramdaman kong dito ako nabibilang.  Parang love at first sight.  Habang nahuhumaling ang ate ko kakanood sa mga Koreanovela sa internet, heto ako pinepressure ang sarili ko na panatilihing buhay ang dugong pinoy sa puso at diwa ko.

Elementary pa lang ako, naging maganda na ang mga grades ko (buhatan na ng bangko) pero napansin ko na kadalasan, sa isang subject ako hindi pumapalyang pumalya at ‘yun ay walang iba kundi ang subject na sabi ng tatay ko ay pinakamadali sa lahat, ang Filipino.  Kahit na lumaki ako sa piling ng Funny Komiks at sangkatutak na pocketbooks, ewan ko nga ba kung bakit never akong naengganyong mag-aral sa subject na ‘yon at hindi ko matandaang nabiyayaan ako ng gradong maganda sa paningin ko.  Kahit nung highschool ako, isa pa din ‘yon sa kinatamamaran kong pasukan at pag-alayan ng oras sa pagrereview.  Bukod sa mga kabastusan at lessons of love, wala na akong matandaang memorable na natutunan ko sa teacher ko noon.  Hindi din ako napabilang sa mga nasabitan ng medal na Best in Filipino.  Kasabay ng pangungulelat ko sa Filipino, masasabi kong hindi rin naman ako naging gaanong kaswerte sa agos ng English subject namin.  Bihira akong makakuha ng mataas na marka at positibong comment sa formal theme, siguro dahil isa ako sa mga teacher’s pet kaya ok-ok na rin ang grade na napapala ko.  Sa hindi ko na mabilang na essay writing contest na inepalan ko (puro English ang format ‘nun), isang beses lang ako nagwagi.  Ang organizer: Science Club; ang topic: malamang tungkol sa Science.  Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagmalaki, pero dun lang ako pinalad na ipamalas ang nagkukunwari kong talent sa pagsusulat sa Ingles.

Hindi ko naman masasabing bitter ako sa Filipino noon pero nang mauso sa akin ang paggawa ng blog, mas naging patok sa akin ang paggamit ng English.  Para kasing hindi cool kung magtatagalog ako sa blog ko, walang dating.  Kahit nagkakilala na kami ni Bob Ong noon, hindi ko pa din nakaya ang pagsusulat ng gaya ng ginagawa niya.  Naka-ilang blog din ako noon hanggang sa magcollege na ako.  Unti-unting sumagi sa utak ko na may natatagong ganda ang mga likhang nasusulat sa Tagalog.  Siguro dahil mas lumawak ang mundo ko at mas naintindihan ko ang lipunang ginagalawan ko.  Bukod sa College Hymn na nasa wikang Filipino, nakakilala din ako ng mga simpleng tao na mas malalim ang pagpapahalaga sa Filipino na nagkataon ay wika ko din naman.  Nang balik-balikan ko ang mga likhang isinulat ko, nag-iba na ang tunog nila.  Unti-unti na din nagbabago ang paniniwala kong mas may dating kung iEnglish-in ang bawat kanto at sulok ng blog.  Nauwi ako sa paggawa ng mga kwentong Taglish.  Naenjoy ko at napansin kong mas madali, mas natural, mas magaang bumuo ng mga salita at ideya.

Makukumpleto na sana ang conversion ko noon kung hindi lang sa GE kong English1.  Naramdaman kong mahirap pala talagang magsulat sa wikang ‘yon.  Ang hirap maglapat ng emosyon at opinyon.  Ginawa ko na lang basic ang lahat, tutal basic college english naman ang course title ng subject kong ‘yon.  Sa bawat paghihikahos ko sa paglikha, tumatakbo sa isip ko na alang-alang sa kumikinang na grade, kaya ko ‘yon.  Nakapagpasa naman ako ng 2 essay at nakasurvive ako ng isang sem habang naghihingalo ang katauhan ko sa paghanga sa wikang banyaga.  Bilang ala-ala, isinama ko sa mga blog ko ang huling seryosong likha na ‘yon na nagpapaka-english.  ‘Yun man ang huli, nakapagbigay saya sakin ang farewell essay kong ‘yon kahit sa mababaw na paraan.  Nagkataong napadpad ang ex-crush ko sa mundo ng mga blog ko at nasabi niyang may galing naman daw ako sa pagsusulat sa english.  Nakakatawa na sa panahong isinuko ko na ang friendship namin ng wikang ‘yon, saka may ipinadalang messenger upang kahit papaano ay magdalawang isip man lang ako.  At sa anyo pa ng crush ko.  Ang mali nga lang sa setting, sinambit niya ‘yun habang nagrereklamo akong ‘di ko gagawin ang share ko sa project namin (na may kinalaman sa pagsusulat sa English).  Ngunit kahit alam kong binobola niya lang ako dahil tinatamad siyang ipasa ko sa kanya ang trabaho ko, naramdaman kong magandang farewell gift na ‘yun para sa akin.

Pagkatapos ‘nun, naging full-pledged Filipino blogger na ako.  Nagsimula na din ang panata ko sa idol kong si Bob Ong.  Hindi ko na tinantanan ang pagtangkilik sa wikang itinahi sa aking dila na hinding hindi ko ipapa-arbor o isasanla kahit pa buong araw akong pilitin ng ex-crush ko.