Nakakatamad. Bow.

Ang daming tab na nakabukas sa browser ko ngayon.  At infairness sa akin, puro school-related ang binabasa and/or dapat kong basahin.  Wala nga lang ako sa mood para paandarin ang utak ko ngayon.

 

‘Yun nga lang, hindi ako grade 1 para magchill-chill lang, makipaghagarang-upo sa mga kapitbahay kong uhugin at iyakin at isnabin ang tawag ng kaGChan.

 

Sa kasamaang/kabutihang palad, hindi palaging nagtatagpo ang gusto nating gawin sa dapat nating gawin.  Kapag na-gets mo na ang feature na ‘yan ng buhay, congratulations! Welcome to the real world!

 

At kung pinagdadaanan mo ang katamarang nanggagapang sa’kin ngayon, sabi nga ni idol Ramon Bautista, maggenerate ng saya para sa sarili, heto ang isang nakakagood vibes na kanta para sa ating lahat.  Smile hanggang sa magmukhang tanga LOLJK 🙂

Advertisements

Paminsan-minsan (Kung friends tayo, this is for you)

Maraming may sabi noon na akala nila tahimik ako at walang ibang ginawa kundi pumuri at magpasalamat sa kabaitan at existence ng ibang tao na nakakasalubong ko.  Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa tuwing nababagok na ang mga kaibigan ko at narerealize na nilang mali pala ang first impressions nila sa akin.  Pero dahil positive talaga akong tao at may selective kindness din naman ako, iisipin ko na lang na birds of the same feather flock together at honesty is the best policy.  Go figure.

Malapit na akong mag-tatlong taon dito sa sweet home Alabama, kaya naisipan kong i-enumerate ang mga nagbago sa buhay ko para siguraduhing nasa earth pa ako at hindi pa ako naiinception at ilista ang mga short term goals ko para i-update ang mga taong nakakakilala sa’kin na binabayaran ko para basahin ang blog ko.

1.  Nagpagupit ako.  Pixie cut.  Ayokong itwitpic, baka ikalat mo!

2.  Uuwi dapat ako sa Pinas sa May, kaso may 80% probability na maudlot dahil sa nagbabadyang bagong trabaho.

3.  Idedeactivate ko muna ang facebook at twitter ko next sem dahil full load ako at baka hindi kayanin ng utak at puso ko ang distraction.

4.  Kumakain na ako ng okra at peanut butter.

5.  Kung maging 100% probability ang #2, baka matagalan pa ang pagbabalik-pinas ko dahil baka magtrabaho muna ako para makabayad agad sa student loan.

6.  Nanood ako ng 3D movie ni Justin Bieber at ako’y nabieberized.

7.  Hindi na ako masyadong nanonood ng TFC, nakakaemo kasi lalo.

8.  Naimpluwensyahan na ako ng ate ko sa matinding devotion niya sa skirts, dresses, at heels.

9.  Nagpunta ako sa beach nung Spring break.  Note: beach. Spring break. beach. Spring break.

10.  May boyfriend na ako. ♥

11.  Mas macheesy pa ako sa cheez-whiz ngayon, promise.

12.  May bago na akong part-time na trabaho: taga-maintain ng isang ride sa isang amusement park.  Libre sakay na din.

13.  Gumawa ako ng sarili kong version ng “Friday” at inupload ko sa Youtube.

14.  Nag-audition ako sa talent show sa school namin nung isang taon.  Syempre, hindi ako nanalo.

15.  Dalawang buwan na akong hindi nainom ng kape.  At balak kong ituloy tuloy na ang rehab kong ‘to.  Masarap naman palang mabuhay ng walang kapeng dumadaloy sa katawan ko.

16.  Manonood ako ng laban ni Pacquaio at Mosley sa May.  Bati na kasi kami ni Manny.

17.  Malabo na ang mata ko kaya madalas na akong may suot na salamin.  Full time nerd na talaga ako.

18.  Bumagsak ako sa elective kong Algrebra.  Medyo hindi kasi nagtugma ang landas namin ni x,y, at z.

19.  Hiniling kong bday gift ang DVD ng Jersey shore season 4.

20.  Mas gusto ko ng tumira dito at magpakastateside hanggang sa pagtanda ko.

May mga blogpost na ang hirap gawan ng intro at ng ending.  Minsan parang wala ng sense at walang koneksyon ‘yung unang paragraph sa mismong laman nung blog at sa ending.  Minsan talaga mahirap isalin ‘yung bawat detalye at emosyon sa bawat salita, sa tamang salita, sa tamang panahon.  Parang we had the right love at the wrong time at How can something so wrong
Feel so right all along name that tune LOLJK.  ‘Yung parang walang nakakaintindi sa’yo at walang nakakagets ng punto mo?  Ganyan talaga minsan.  Minsan feeling mo malabo ka pa sa plastic labo.

 

 

Ang minsan kong ‘yon ay ngayon.

 

 

 

April 1.

 

 

 

Happy April Fools’ Day.

 

P.S. Totoo talaga ‘yung #6 e. Baby baby baby ooooh Baby baby baby nnnoooo, char. Happy April Fools’ uli.