Oblation run.

Sa loob ng halos tatlumpung taon na pagtakbo sa diliman ng mga adan na buo ang loob sa paglantad sa kanilang hubad na katawan, maraming kababaihan at kabaklaan ang tumili, kinilig, nasuka, natawa, humanga, natulala, napapikit, at nagising sa katotohanan.

Sa pakikipagsiksikan ko sa tyangge, sumagi sa isip ko ang isang pamilyar na tagpo.  Masikip, maingay, mainit, magulo.  Naisip ko na sa isang banda ay magkatulad ang eksena sa tyangge at kapag may oblation run.  Halos hindi mahulugan ng karayom sa dami ng tao.  Iba ibang uri ng tao.  May sosyal, may aktibista, may rakista, may nerd, may konyo, may tsismosa, may demanding, may kapos sa fashion sense, may loveless, may parang nakavalium, may kunwari blonde.  Lahat gustong masilayan at mahusgahan ang mga nakabilad na paninda at katawan.  Maaaring may matuwa, may mainis, may madismaya.

May mga taong tanggap man ang rebulto ni oble sa tapat ng quezon hall ay hindi pa din maintindihan ang tunay na layunin ng pagtakbo ng hubad.  Tila mga mamimiling walang kasing kulit at kunat sa pagtawad at paghalungkat sa mga nakatambak na paninda.  Parehong may nais makamtam at mabili.

May mga taong walang puknat ang pagtuligsa at paglait sa mga kalalakihang hubad at sa mga katabi nilang tuwang-tuwa at parang uod na inaasinan sa sobrang kilig.  Tila mga taong dumayo pa sa tyangge para lamang magpakachoosy sa mga paninda at magreklamo na mainit at masikip.  Nakakaduda ang mga taong naglaan ng oras para lamang inisin ang mga sarili.

May mga taong hindi dahil sa taglay nilang kabastusan pero dahil sa malawak na pag-iisip ay game na game.  Simula’t sapul ay alam na nila na ang tinungo nila ay tyangge: masikip, maraming tao, at hindi brand ng mga paninda ang dapat i-prioritize. Naging masaya sila anumang pagod at gulo ang naranasan nila.  Tila mga babaeng nabigyan ng pulang rosas ng mga tumatakbong hubad.  Parehong napangiti ng isang pulang rosas at ng isang damit na natawaran nila.  Kapwa naligayahan sa hindi malilimutang karanasan.

Hindi man maaaring ikumpara ang layunin ng oblation run at tyangge, pero pareho silang mabenta, inaabangan, pinagkakaguluhan, dinadayo, magandang bonding experience kasama ang mga kaibigan o ang sarili, at recommended na huwag masyadong magpakagutom (dahil baka himatayin) at huwag din masyadong magpakabusog (dahil baka masuka at himatayin).   Bigla ko lang naisip, ano kaya ang mas papatok, tyangge na may mga artistang tindera o oblation run na pamaskong handog ng mga varsity players?

 

December 2006

(inarbor ko sa Friendster blog ko, at dahil half-jejemon pa ata ako noon, inedit ko na din. Thank you me.)

tru lab.

First love never dies.  But, true love buries it alive.

Love is blind.  Love is not blind – it sees more, not less.

Love is like a rosary full of mystery.  Love is not a mystery; it’s everything.

Love is simple.  Love is complicated.

Andami-dami namang meaning ng love.  Love is ganito.  Love is ganyan.  Minsan malalim, minsan walang kasing babaw.  Minsan nakakagaan ng pakiramdam parang instant gamot sa problema, minsan nega at tinutulak kang maging suicidal.  Minsan tagos sa puso mo kapag tinwit ng kaibigan mo kaya ia-RT mo pa, minsan hindi ma-konek ng brain cells mo ang logic kaya narealize mong wala lang maisip na facebook status ang kaibigan mo kaya inimbento nya  lang yun kasi uhaw siyang makakuha ng sandamakmak na ‘like’ at ☺ ☺ ☺ mula sa kanyang mga kaibigang emo.


Kung ako ang iinterview-hin mo (o formspring kaya, dali meron ako nun, dahil cool ako, at dapat maki-ganun ka din dahil ‘yun ang uso ngayon, pramis), wala kang mapapala sa akin.

Magpatuloy sa pagbasa