The Last Lecture (Randy Pausch)

Problemado? Nega? Stressed? Pressured? Hindi kita matutulungan at mapapaligaya sa ngayon.  Naubusan na ako ng jokes at kahiya-hiyang personal experience ko para i-enlighten ka.  Pero ibabahagi ko sa’yo ang isa sa mga librong naka-inspire sa akin at sana makatulong na talaga sa biyahe ko ng pagbabagong-buhay at malay mo sa iyo din.  Ikalat ang positive energy.  *saboy*

lens2145209_1219888634the_last_lecture

The Last Lecture — Isang normal na event sa mga college campus (dito) ang talk ng isang professor, entitled The Last Lecture, na may concept na kunwari ‘yun na nga ang kahuli-huling lecture sa buhay nila at nag-iimpart ng tanong sa chosen professor kung anu-ano ba ang mga words of wisdom, pahabol na payo, huling habilin at kung anong legacy ang nais niyang iwan sa iba.  At kailangan nilang i-summarize sa pagkakataong iyon ang lahat-lahat.

At sa pagkakataon ni Randy Pausch, literal ang kahalagahan ng The Last Lecture niya.  Diagnosed with pancreatic cancer, isinalin sa libro ang bersyon niya ng lecture na iyon.  Ito ang footprint na iniwan niya para sa mga taong naging bahagi ng buhay niya at pati na din sa mga taong hindi pa niya nakikilala at higit sa lahat para sa asawa at tatlong anak na naiwan niya.  At kahit nabawasan ako ng pera nang mabili ko nang biglaan sa tindahan ang librong ito, nakapagdonate naman si Randy Pausch ng positive energy at enlightenment sa buhay ko sa bawat salita at emosyon niya at sa pagiging masayahin at submissive niya sa ending ng buhay niya.  Kahanga-hanga.


At ibabahagi ko sa iyo ang ilan sa linya niya na totoong nakapagpaisip at nakapagparealize sa pagtingin ko sa buhay.

Experience is what you get when you didn’t get what you wanted.  It’s a phrase worth considering at every brick wall we encounter, and at every disappointment.  It’s also a reminder that failure is not just acceptable, it’s often essential.

Kahit na nakakadepressed talaga ang halos 2 taon ko nang pagtigil sa college at kahit na pakiramdam ko ay wala ng patutunguhan ang professional goal ko sa buhay, muling nagising ang naiidlip kong fighting spirit.  Experience ang lahat ng ito, at dahil diyan maipagmamalaki kong mayaman na ako sa experience.  Pwede na akong magpautang.  Pero tama talaga na sa bawat kabiguan ay ang may kaakibat na karanasan, aral at ang panibagong pagkakataon.

When you’re frustrated with people, when they’ve made you angry, it just may be because you haven’t given them enough time.

Mahirap langhapin ang mga ganitong payo.  Hanggang ngayon, nahihirapan akong alalahanin ang mabibigat na salitang ito.  Subukan mo, baka sakaling mas mabuti kang tao kaysa sa akin.

Yes, I’m a great optimist.  But when trying to make a decision, I often think of the worst-case scenario.  I call it “The Eaten By Wolves Factor”.  If I do something, what’s the most terrible thing that could happen?  Would I be eaten by wolves?  One thing that makes it possible to be an optimist is if you have a contingency plan for when all hell breaks loose.

Tama.  Ang ibang anyo at anggulo ng optimism.  Kailangan mag-isip at maghanda.  Gisingin ang brain cells at lahat ng muscles at senses with fingers crossed kahit nakapikit pa at nanginginig ang mga mata.

So many graduating seniors have this notion that they should be hired because of their creative brilliance.  Too many are unhappy with the idea of starting at the bottom.

You ought to be thrilled you got a job in the mailroom.  And when you get there, here’s what you do:  Be really great at sorting mail.

No job should be beneath us.  And if you can’t (or won’t) sort mail, where is the proof that you can do anything?

Sakto.  Walang masama at lalong hindi dapat ikahiya kung magsimula ka sa isang simpleng trabaho kung makakatulong naman iyon sa future mo o kahit sa personal na aspeto ng buhay mo(karanasan o sa pag-iipon ng pera).  At syempre huwag magpakaburo sa unang step, trabaho mo na ang mag-effort at magpakabuti upang umangat at matupad ang inaasam-asam mong dream job.

The brick walls are there for a reason.  They’re not there to keep us  out.  The brick walls are there to give us a chance to show how badly we want something.

At ang phase ng buhay kong ito ay isang brick wall.  At matitibag ko din ito.  Aja.

Madami pa siyang nakakaaliw na kwento at ginintuang payo na nakakatouched at nakaka-inspire talaga.  Sana’y mabasa mo din ang librong ito (tip: maraming second hand copies sa Amazon at EBay) at maibahagi din sa ibang tao.  Kung kuripot kang talaga, mapapanood sa youtube ang mismong The Last Lecture ni Randy Pausch click mo ITO.  At bisitahin mo na din ang webpage ng librong ito:  THE LAST LECTURE.  Isa siyang ilaw at inspirasyon para sa mga taong may negatibong pagtingin sa sakit na cancer at sa maraming taong nawawalan ng pag-asa sa buhay o kahit sa mga simpleng taong may simpleng problema sa araw-araw ngunit halos isumpa na ang bawat elemento ng mundo sabay sabing god,bakit ako pa?

isa.dalawa.tatlo

Sa dinadami dami, na hindi naman masyadong madami para sa iba pero sa akin oo, ng blogsites na sinubukan kong gawin at pagandahin, wala ni isa dun ang nakapagpasaya sa akin, walang pumasa sa sarili kong standards. Aminado naman ako na dahil din ‘yun sa akin at sa atrasado kong utak. Kulang ako sa mga malinamnam na salita, matulis na emosyon, nakakahangang talento sa pagsusulat. Gayunpaman, hindi pa din ako sumusuko na balang araw makakabuo din ako ng maraming maraming blog na gagawin kong libro kapag mayaman na ako at marami na akong kaibigang mayaman na magtityagang magdonate ng encouragement, panahon at pera. Balang araw na hindi ko na kailangang makinig sa ma-emote na music, magkulong sa kotse sa parking lot, o umiyak sa loob ng banyo para lamang makahugot ng bagong ideya para sa panibagong kwentong bubuuin ko. Balang araw, magiging parang kasing dalas na ng paghinga at pagkurap ko ang pagsusulat ng may saysay hindi lamang sa akin kundi para na din sa ibang makakabasa nito. Promise ko ‘yan sa sarili ko. Sabi nga sa nabasa ko isang magazine, hindi totoo ang “overnight success” na isinasaksak ng mga reality shows at kung anu ano pang anyo ng media sa lipunan ngayon. Ayon sa aking nabasa, kailangan ng 10,000 oras ng pagpapraktis o pagtityaga kung nais mong maging isang matagumpay na dancer, swimmer, musikero o writer. Kung susumahin ko ang oras na inalay ko sa pangarap kong ito, hindi ko na mabilang. Ayokong bilangin, ayokong orasan. Siguro gagawin ko ng panghabang buhay ang pagpapraktis kong ito kaya siguro naman malalampasan ko ang kota na ipinayo niya. Pero sa ngayon, magsisimula muna ako sa simpleng pakikipagkwentuhan sa sarili ko at sa bagong mundo na nilipatan ko para alayan ng mga salita at pangarap, magbabakasakali na makatalisod ako ng isang nakakaaliw na experience sa buhay ko, kahit nangyari na o hindi pa, o makapulot ng nakakamanghang kwento ng buhay ko o ng buhay ng iba na nasaksihan ko o masasaksihan pa lamang na magpapakulay sa pangarap kong maging isang napakagaling na manunulat balang araw. Inhale. Exhale. Ready get set go.