10 Years

Long time no blogpost.

Sa mga nakaraang linggo, nagkataon na sunud sunod ‘yung out of town conferences at meetings at ‘yung 3-day vacation ko. Narealize ko na sa buong time na ‘yun, halos lahat ng casual usapan ko with iba-ibang tao ay puro tungkol sa Pilipinas.

Pilipinas. Pinas. Home.

Bigla ko ring naalala today habang nagvivideoke (via youtube) while tumatae na 10th anniversary ko sa US of A this April.

Bukod sa narealize ko na malapit na ako mawala sa kalendaryo, naisip ko na wow tumagal ako dito nang ganung katagal. Akalain mo ‘yun.

Pero infairness naman, may good memories rin naman ako dito. Mababait naman halos lahat ng naencounter ko sa far. Hindi rin masama na may work ako na nagpapasweldo sa’kin (para maafford ko ang gamot ko sa homesickness ko a.k.a. online shopping).

10 years, guys, 10 YEARS!! Hindi ko sure kung may problema sa’kin (malamang, I’m sure) pero hindi nabawasan ‘yung homesickness ko at all since day 1.

Marami ng nagbago sa’kin. Marunong na akong magdrive. Nakagraduate na ako (at nakapag-Masters pa kasi acads is life). Alabama then Illinois as tirahan. Citizen na ako (please forgive me Andres Bonifacio, u still my hero). Nabayaran ko na student loans ko (!!!!). Swerteng nakakabisita sa ibang lugar dahil sa work. Andami kong alone time kaya nafigure out ko on my own (without peer pressure) kung anong music talaga ang gusto ko, andami kong napanood na tv shows at movies, at narealize ko na gusto ko ng football. (Andami ng nagbago pero single pa rin ako, lelz life). So, kung susumahin, I think, ok ako in life.

Pero ang masaklap, kahit marami ng nagbago sa sarili ko, homesick pa rin ako. Iba pa rin ang Pinas. It will always be home. Home is where the heart is. I’m home when I’m with you. Ano pa ba inspirational quotes na may home, send mo sa’kin.

May nagtanong sa’kin about sa mga traditions sa Pinas na nauwi sa usapang manananggal at kung paano niya inaattack ‘yung mga buntis hanggang sa mapunta sa Penitensya at sa lahat ng “bawal” pag Mahal na Araw (bawal maligo after 3PM sa Good Friday kasi patay na ang Diyos, bawal tumakbo kasi patay na ang Diyos, bawal maingay… obviously naisahan tayong lahat ng mga nanay natin). Tinanong ko sila ano ‘yung mga kinalakihan nilang folklores (hindi ko sinasabi na folklore si papa God ha!!). Wala mga beh!!!! Wala man lang panakot sa kanila ang mga nanay nila like kailangan mo matulog sa hapon kundi dadating ‘yung mamang nangunguha ng bata at isisilid ka sa sako. Tapos ayun bigla kong namiss ‘yung childhood ko, kumakain ng Piattos at V-Cut, ginagawang bisyo ang pangongolekta ng Happy Meal, naglalaro lang ng Chinese garter, 10-20, Langit Lupa, at sikyo.

May nakausap naman ako tungkol sa pagdadrive at traffic rules na syempre nauwi sa pagkukwento ko na sa Pinas, hindi uso ang traffic lights at lanes. Survival of the fittest sa walang kasing lalang traffic at sa pag-iwas sa mga kaskaserong bus, sa mga sumisingit na motor, at sa mga taong ginagawang optional ‘yung paalala kahit na napakalaki na nung sign with bold letters pa na huwag tumawid, nakamamatay. Tapos ayun namiss ko ‘yung mga times na kasama ko mga ate ko or mga kaibigan ko na dahil halos hindi gumagalaw ‘yung sasakyan, stuck man kami at least mas mahaba ‘yung time na kasama ko sila (cheesyyyyy).

May nakakwentuhan rin ako about growing up and letting go of people from your childhood and teenage years. Sinabi ko na, oo, may mga elem at HS classmates na akong hindi ko na kasing close gaya ng dati pero almost lahat ng bffs ko hanggang ngayon ay from highschool. Walang kasing tatag ‘yung bond na nabubuo with people na kasama mo habang finifigure out mo pa lang ang life, kung sino ka, aamin ka ba kay crush or what.  (Side question: speaking of tatag, bakit sabi ng Aegis, ‘yung pag-ibig nya na tunay at totoo ay kasing tatag ng sunshine. Bakit sunshine guyz????) Hindi ko maimagine tumanda without them (HS bffs, hindi Aegis) in my life (waw clingy). Tapos ayun namiss ko sila. Kahit na madalas ko naman sila ka-chat. Gusto ko kasi ‘yung sa personal ko silang natotouch without malisya.

Pero seryoso, kahit gaano katrapik sa Pinas, kahit na nasestress ako mga current events, kahit na sobrang init, kahit na ineelect nila sa gobyerno ‘yung napatunayang nagnakaw (as in for real, with ebidensya, hindi lang haka-haka), kahit na walang idea ang mga tao ng personal space (!!!!!) at hindi nila magets ‘yung pagtayo sa right side ng escalator (!!!!!), kahit sa mga tulad ni Ate Mocha, kahit ano pa man, my heart will always choose Pinas.

Miss you mi pamily and friendships.

 

Top 10 Things to Do ni Papa Jesus sa Easter Sunday

1. Magpapa-pool-party siya.

JIC. Jesus is cool. Ikaw ba naman ang bumangon from death, tapos imbes na gantihan nya yung MGA dahilan kung bakit sya namatay in the first place, bumalik siya na parang walang nangyari, tapos magpapaparty pa siya! At dahil mainit AT may slight chance na di ka naligo nung Biyernes Santo dahil inabutan ka ng alas tres ng hapon, pool party ito. Gusto nya happy (at fresh) ka, happy re-birthday Papa J!!

image from the internetz

image from the internetz

2. Maglalaro siya ng Candy Crush.

Malakas ang pakiramdam ko na, this year, ang hininging re-birthday gift ni Papa Jesus mula sa pudrakels niya ay extra life (or lives) dahil ilang araw na siyang stuck sa level niya sa Candy Crush. Well played, Jesus, well played.

3. Kakain siya ng bacon.

“Kailangan pa bang iexplain???OIG!!!” – Papa J (“P.S. fyi, anak, Oh I’m God yung OIG”)

4. Manonood siya ng The Walking Dead Season 3 finale.

Oh c’mon. Lahat naman tayo, ilang linggo nang naghihintay sa pinapangako nilang mamamatay sa 2nd half ng season na ‘to. Bukod sa nakakainip, kailangan din nating humingi ng katarungan para sa pagkamatay ni T-Dog, na hanggang sa huling sandali e di man lang nagkaroon ng shining moment (thank you Lori “Thunder Stealer” Grimes). Kaya, TWD creators, siguraduhin nyong may mamamatay bukas at sana dahil sa walkers ‘yan ha. Friendly reminder: God is watching.

t dog

image from the internetz

5. Magpapagupit siya.

Applicable kahit kanino ang bagong hairstyle sa bagong phase ng buhay, kaya go lang Papa Jesus. Iinstagram mo ha?

6. Magpapa-Game-of-Thrones viewing party siya.

Pwede itong isabay sa panonood ng The Walking Dead pero parang mas swak kasi ang meaning behind GoT sa biblical messages (war, power trip, incest, wine, mga babaeng nangaakit, iba ibang religion, at kung anu-ano pa) kesa sa TWD na tungkol sa zombie apocalypse at kaharutan ni Lori (at, konting konti na lang, ni Maggie at Andrea), kaya sa HBO ililipat ni Jesus ang channel. Halos isang taon din ang hinintay natin para sa bagong season. I’m sure excited na ang House Heaven (sorry, Jesus, ‘di ko alam kung anong gusto mong itawag ko sa house mo, bawal ang The Flying House, maraming di makakarelate). Group hug GoT abangers!!

7. Itatago nya ang lahat ng easter egg.

At tutulungan ko siya tapos mag-ha-highfive kami habang umiiyak ‘yung mga batang itlog lang ang habol sa Easter Sunday mwahahahahaha

8. Manonood siya ng comeback movie ni Sarah G. at JLC.

Hashtag Popster Hashtag AshlloydForever

9. Sisirain niya ang speakers ng mga magpapatrol na campaign vehicles ng mga pulitiko.

Hindi welcoming ang makarinig ng mga nakakairitang jingle sa pagbabalik-earth. Hiyang hiya naman si Papa Jesus sa pagkalinis ng mga pulitiko na nangangako ng pagbabago at libreng cheverloo kapag nanalo sila. Kayo na, kayo na ang tunay at tapat.

10. Sasabotahehin niya ang wifi connection nating lahat.

Easter Sunday na Easter Sunday, puro internetz ang inaatupag natin. Ayaw ni Jesus ng ganyan, mga party pooper!! Bonding-bonding muna daw kasama siya (plus family, friends, syota-syotaan, crush-pero-di-nya-pa-alam, at mga alagang aso, pusa, isda, at kahit sinong ispesyal). Cheers!!

“Bukas na ituloy yang kaka-Candy Crush, kundi ‘di ko ipapadala ang the one mo.” – Papa “The Candy Crusher” Jesus

image from the internetz

image from the internetz

Welcome back Papa Jesus, ikaw na!

Azkals: Second half

Talo na nga si PacMan nung Sabado, talo pa ang Azkals kanina.  Mukhang mas durog pa sa pamintang durog ang puso ng mga Pinoy in less than a week.

Masakit matalo, lalo na kung ineexpect nating manalo.  Sinong mag-aakala na manaknock-out si Pacquiao? Akala ko si Chuck Norris lang makakapagpatumba sa kanya e.  Di ako fan ni PacMan pero, nung natumba siya, naramdaman ko yung sakit na shet, talo.

Triple pa nun ‘yung sakit kanina.  Kahit na alam kong second time lang ng Azkals sa AFF semis at makakalaban nila e 3-time champion na, nag-expect ako na mananalo sila.  As in hindi lang umaasa sa himala, alam kong mananalo sila dahil kaya nila.

Kung isasummarize ang mga nangyari simula 2010: Improved scoreline at performance sa mga laban, sandamakmak na friendlies, UFL, at padami nang padaming players na gustong makapaglaro para sa NT.  May mga games na parang gusto mong sumigaw sa tv na mag-sub na si coach Weiss dahil alam mong andami pang magagaling din sa bench.  (side note: actually naenjoy ko na hindi nagstart si Chieffy kanina, para lang masabi kong “ipasok na si Chieffy”.  Yan ang football version ko ng “ipasok na si Bal David” kapag 0.00002 seconds na lang tapos matatalo na ang Ginebra, sorry off-topic).

Kanina, ang lapit-lapit na natin sa finals at sa bagong entry sana sa history book, sayang.  Pero di ako naiinis na natalo sila.  Well, nanghihinayang, oo, pero hindi bitter.  Alam kong gusto nilang manalo at sumubok silang manalo.  Yun nga lang mas lamang lang talaga sa execution at uh, sa goal, yung Singapore nung first half.  Medyo bumawi tayo sa second half pero ‘di pa din nakagoal tapos wala namang extra points for effort.  Kaya… talo.

Pero cheer up, hindi pa end of the world (although malapit na ang Dec 21, 2012) dahil Azkals ‘yan.  Magaling silang bumawi.  ‘Yung madedepress ka muna, tapos saka ka babawian ng matinding counterattack na saya at panalo.  Insert: AFC Challenge Cup 2012 qualifying group stage at yung knock-out stage.  Saka yung mismong Group Stage ng Suzuki Cup this year.  Paunang talo sa Thailand pero bumawi sa Vietnam at Myanmar.  Medyo nakakafrustrate yung mga 1st half tapos binirahan ng goal/s sa second half.  Ganun din sila nung home game sa Manila last week, ‘di lang nakagoal pero nagimprove sila after ng halftime.

Sabi nga nung commentator kanina, 2nd half team daw ang Azkals.  Baka “1st half” lang ‘tong moment na ‘to.  Tapos magsisimula sa AFC Challenge Cup 2014 yung “2nd half”.  Hanggang sa maging both half na ang galing nila or hanggang mafulfill ang kung anumang inspirational analysis na pwede.  Basta makakabawi tayo.

Malayo pa siguro tayo ngayon dun sa ultimate goal, pero, at least, mas malapit na tayo dun kesa nung 2010.  Hindi ko alam kung anong half na ‘to ng laban, baka nga first 1/8 o 1/100 pa lang, pero ok lang.  We believe, kahit nadurog ang puso namin kanina, kering keri pa.  Manalo, matalo, go Azkals!

Graduation

After 10 gazillion years, gagraduate na ako!!! To follow na lang ang ma-emo na blogpost kapag napasakamay ko na talaga ang diploma ko.  Mahirap na baka ma-jinx.

Pero ang mas mahalaga ay nakabili na ako ng graduation gown AT meron silang size na pang-4′ 10″ na tao (ehem).  At least kapag nagmartsa na kami, hindi ako magmumukhang lumulutang na telang green, yehey!

 

Random music video post: Ben Howard

Kapag punung-puno na ng stress ang katawan ko at andami ko ng violent at not-so-violent reactions sa buhay, minsan parang mas ok na sarilinin ko na lang, tulad nang dati, nung ‘di pa uso ang internet at ang One Direction.

Parang ang sarap magblog ngayon, pamparelax bilang hell week, pero parang mas ok na daanin ko na lang sa random music video post kesa sa mala-nobelang blogpost.

BEN HOWARD.  Partida, giniginaw pa siya nyan habang kumakanta at naggigitara na parang walang bukas.  Listen up, you guys.  Heavenly music to make you kilig to the bones ♥

Cybercrime Busters

Wala sana akong balak magblog hanggang next year dahil *fingers crossed* last sem ko na ngayon bilang college student.  Pero special thanks sa *tentenenen* Cybercrime Law, parang nabudburan ako ng inspiration para magblog uli.

Seryoso ba sila? Ganitong klaseng “batas”, naapprove agad? Mas mahalaga ‘to? As in kesa sa RH Bill? Freedom of Information Bill?

Alphabetical ba ang pag-entertain ng mga minamahal nating kongresista, senador, at presidente sa mga bills? Dictionary???

Libel.  Default word na madalas sa mga showbiz chika news (dyaryo, radyo, tv) at, syempre dahil makabagong panahon na sa, internet.  Ilang taong “sikat” na ba ang nag-akusa sa isa’t isa na libelous daw ‘yung sinabi/sinulat ni ganito, ganyan? Paulit-ulit.  Gasgado na.

Pero ngayon, parang lumalabas na hindi na lang magiging pang-carnival show at daily entertainment natin ang libel na ‘yan.  Gusto nila tayong iinvolve.  Ang dami daw kasi nating satsat.  Bawal ang masyadong madaming comments.  Kaya ayan, face the wall tayo.

Akalain mo ‘yun, may ganitong batas sa Pilipinas na “magdidisiplina” at magkocontrol sa mga mapanira daw na elemento at creatures sa internet world? ‘Sa Pilipinas? Yung kung saan kahit ang dumi ng records nung pulitiko e nakakatakbo pa din at nananalo sa eleksyon? ‘Yung mga karumal-dumal na krimen tulad ng Maguindanao massacre at sandamakmak na patayan, ni hindi masolb-solb? ‘Yung sa laki ng populasyon (at mabilis na dumadami) e pare-parehong apelyido lang ‘yung nakakaupo sa gobyerno kahit na parang wala namang nagagawang matino?

Hiyang hiya naman kami sa mga tarp at billboards nyo na may gigantic faces nyo + description ng project na utang na loob namin senyo o kaya greetings nyo samin sa mahahalagang okasyon sa buhay namin.  Sa totoo lang, ‘yang mga tarps at billboards na yan ang dapat iconsider na libelous.  Although, baka pag nagsampa ako ng kaso laban sa mga tarps, ako ang maakusahan ng libel.

Sa bagay, sabi nga nila, ang kasalanan ay kasalanan.  So ang isang simpleng tweet o fb post, kahit 5 words lang, basta malisyoso at laban kay Mr. Pulitiko X ay kasalanan pa din sa mata ng batas.  At dahil special ang mga ordinaryong tao at handang magpaubaya ang mga taong may kasalanan din pero ever so powerful, priority ang kaso ng isang random internet user na ang basehan ng akusasyon sa kanya ay kung gaano kasensitive ang makinis na balat ni Mr. Pulitiko X.  Saka na ang mabibigat na kasalanan ng mga nangurakot.  Mas exciting ang cyber crimes.  (insert *sarcastic at maluha-luhang papuri*) Go go cybercrime busters, our heroes!

So guys, paano ba ‘yan, kailangan na ata nating irestrict ang internet life natin (o baka naman gusto lang nila tayong magkaroon ng social life sa real world? How tamis no?).  ‘Wag magtweet, magstatus, magcomment, magfavorite, maglike, magretweet, magblog nang laban sa kanila, ok? Mahirap kalaban ang pikon, makukulong ka.

Pero, on second thought, sa isang lugar na may ganyang cybercrime law, na halos wala nang freedom of expression, parang nakakulong na din naman tayong lahat kahit ‘di pa tayo nakakasuhan so anong kaibahan, di ba? Wala.

Kaya challenge accepted.

Go for the Gold!

Sabi nila, sa lahat ng bansang wala pang gold sa Olympics, tayo ang may pinakamaraming (silver at bronze) medals.  Astig na din ‘di ba? Kahit parang imposible pa sa ngayon, naniniwala ako na magkakagold din tayo someday.  Dadating din tayo ‘dun.

Habang busy pa ata ang gobyerno sa pagiisnub sa mga athletes na matagal nang nangangailangan ng pondo at suporta, magiimbento na muna ako ng pwedeng alternative games mala-olympics na sasalihan, actually sapilitang sasalihan, ng mga “qualified” sumali at irepresent ang Philippines!

Handa na ba kayo sa sandamakmak na gold na makukuha natin dito? Pwes, let the games begin!

1.  Bus/ Jeepney Racing sa EDSA

Walang magiging problema sa paghahanap ng representative, kahit sinong bus at jeepney drivers, halos lahat qualified.  Sa sobrang competitive ng labanan, magkakaroon pa ng olympic trials, parang sa US bago nabuo ‘yung fab 5 nila sa women’s gymnastics.  Syempre, magpapabless muna ang MMDA para siguradong hindi magpakab*tch ang mga concrete barrier at bigla na lang mag-magnetize ng mga magkakarerang buses/jeeps para lang magkaroon ng banggaan.   FYI, sa lahat ng aksidente sa EDSA, ‘yung mismong EDSA talaga ang may pananagutan e.  ‘Yung kalye ang may problema, ‘yung kalye, guys, ‘yung kalye.

2.  Swimming (individual medley)

…sa dagat ng basura.  Dear Michael Phelps, haaaave you met, Manny Villar?

3.  Poker

pero ang labanan talaga ay ang degree ng galing sa pagka-poker face.  Team captain: Jinkee Pacquaio (tapos sariling pondo na din nya yung lulustayin nya sa game *pwedeng ipusta ang Hermes collection*).  Teammates: Vicki Belo at ang too many to mention na mga artista na feeling bagets kaya halos minu-minuto ata nagpapa-botox.

4.  Speed texting/facebooking/tweeting/online-voting/temple-running/and-the-like

Mag-eexplain pa ba ako????

5.  “the-bible-says”

Kahit anong laro (e.g. basketball, bowling, piko, diving) pero bago makatira, kailangan munang masagot kung saang parte ng bible mahahanap ang sasabihin ng game master.  Wala nang duda na si PacMan ang ipanglalaban natin.  Very close second na gagawin nating sub ay si Sharon Cuneta.

6.  Instagram-that-pagkain

Pagkain plus picture-picture = Pinanganak tayong lahat para dito kaya pwede kahit sino ang sumali!!! Pero instant qualification para sa mga nagiinstagram ng inorder nila sa starbucks.  ‘Yun ang sukdulan sa pagkacool e.

7.   Pass the message!

Ang criteria ay ang taas ng creativity sa kwentong mabubuo mula sa original message.  Mas malabo at mas malayo sa kwentong ibinulong ng unang teammate, mas panalo.

8.  Gymnastics sa motor

Padamihan ng masasakay sa motor tapos magpapasingit singit sa matinding traffic.  Kailangan magaling ang reflex at sa pagbabalance dahil walang suot na helmet.  Ang mahulog, bagok ang ulo.

9.  Itutula ang Sariling National Anthem

Biglaan, walang praktis, mamimili lang ng mga kasali sa audience sa olympic venue.  Kung ikaw ang napili, mananalo ba tayo dito?

10.  Hawak-ko-ang-alas-kaya-manigas-ka

Random labanan basta ala game of thrones pero dapat may baong linyang pambato sa kadwelo.  Either you win or you die.  Inonominate ang mga pulitiko para irepresent tayo sa labanang ‘to.  Pinakamaraming HINDI natupad na pangako nung nangampanya sila, unang mamamatay isasalang sa laban.  Exempted ang mga may pinakamagandang record habang nasa posisyon.  Instant salaan na ‘to para sa mga nagbabalak tumakbo sa susunod na elesyon na wala namang gagawin kundi mangurakot.  Heto ang video para sa example, pero mas duguan dapat dyan, lintik lang ang walang ganti levels.

Pero seryoso mode: Sa lahat ng atletang pinadala natin sa London ngayon at sa lahat nang lumaban noon sa Olympics, saludo kami sa inyong lahat.  Kahit walang medal, ‘yung nirepresent n’yo lang ang buong Pilipinas, winner na kayo dahil dun.  Fist bump guys!

The Versatile Blogger Award

Pagkatapos ng halos 1 buwan kong “pagpapakabusy” sa tunay na mundo, sumalubong sa’kin ang comment (na dumiretso sa spam) ng isa sa aking mga bff na si Billie na ninominate niya daw ako sa The Versatile Blogger Award.  Walang cash prize at ginintuang trophy pero ang sarap sa pakiramdam na may nagbabasa pa pala ng blog ko kahit na self-centered madalas ang mga posts ko.

So eto ang rules:

If you are nominated, you’ve been awarded the Versatile Blogger award.

  • -Thank the person who gave you this award. That’s common courtesy.
  • -Include a link to their blog. That’s also common courtesy — if you can figure out how to do it.
  • -Next, select 15 blogs/bloggers that you’ve recently discovered or follow regularly. ( I would add, pick blogs or bloggers that are excellent!)
  • -Nominate those 15 bloggers for the Versatile Blogger Award — you might include a link to this site.
  • -Finally, tell the person who nominated you 7 things about yourself.

Unang una, thank you Billie!  I lab you (nang walang malisya)!

Dahil choosy talaga ako, ‘di ko kayang maka-15 sa ngayon.  Matagal ko nang balak na maglagalag paminsan-minsan sa internet para maghanap uli ng marami pang blogs na worth pagaksayahan ng oras at iistalk.  Pero for now, in all sincerity at walang halong pagbabanta mula sa kanila, ito ang mga blog na sa tingin ko ay deserve na deserve ang VBA.  (at oh yes, kalahati dito ay mataas na ang level hindi lang sa internets kundi pati sa real world, pero malay natin, biglang mapadpad sila sa blog ko *kiligs*)

  1. The Pinoy Babbler
  2. Professional Heckler
  3. Patty Laurel
  4. Funny Sexy
  5. Chico Garcia
  6. Reypinmoko
  7. What I learned from books and a hundred cups of coffee
  8. Bagotilyo
  9. Bianca Gonzalez
  10. Banaag
  11. special mention dahil parang ‘di dapat sya considered na blog pero walang pakialamanan: Tumblr ni Ramon Bautista at Formspring ni Ramon Bautista

Kahit na parang buong buhay ko na ang nakwento ko dito sa blog ko, susubukan kong mag-enumerate ng 7 unknown facts tungkol sa’kin na gugulantang kay Billie at pati sa iba na din na matagal na akong kilala:

1.  Takot ako sa ibon at sa kahit anong hayop na may tuka (kinikilabutan ako habang tinatype ko yan).

2.  Hindi ako naga-i-love-you sa parents ko at sa mga kapatid ko.  Wala lang, cheesy e.

3.  Hindi nakukumpleto ang araw ko nang hindi ako nakakainom ng kape.

4.  Pangarap kong maging cheerdancer.  ‘Yung sumasayaw talaga at hindi ‘yung hinahagis-hagis lang at pinapaakyat sa tuktok ng pyramid.

5.  Ayoko ng peanut butter pero paborito ko ang chocnut at kare-kare.

6.  Long-term ako kung magka-crush.  Clingy, in short.

7.  Kuripot ako kaya ‘wag nyo akong kuning ninang ng anak nyo. ktnxbi.

Ayan.  Kahit na parang ‘di naman ‘to mababasa nung ibang bloggers na pinili ko, keri na, advanced you’re welcome guys.  At least, may badge na ako sa blog ko, yehey!  Thanks again Billie! 😀

Mula sa Isang Hindi Daddy’s Girl

Never akong naging Daddy’s girl.  At alam ng tatay ko ‘yun.

‘Di pa man ako pinapanganak, naexport na ang tatay ko sa ibang bansa para magtrabaho.  Umuuwi lang siya every 1 or 2 years, kadalasan tuwing Pasko (kaya never kong pinagdudahan na siya ang tatay ko dahil September ako pinanganak *do the math guyzz*).  Kaya bilang na bilang lang ang araw na nakabonding ko ang tatay ko.  Kaya hindi talaga ako naging Daddy’s girl.

Siya ‘yung tipo ng tatay na magtetext ng “umuwi ka nang maaga, may padating na bagyo. ingat. love you.” kahit na wala pang dumadating na kahit ambon man lang, at ‘yung tipong hindi kakain kapag isang piraso ng tuyo lang ang ulam (ganung ka-drama, MMK level).  Maraming-maraming reasons para masabing swerte ako na siya ang tatay ko.  Malas lang niya na ako ang anak niya.

Pero alam ko na baligtad ang iniisip namin.  Para sa kanya swerte siya na ako ang anak niya.  Feeling ko nga ultimo pagpasa ko sa quiz sa Calculus o pagsakay ko ng eroplano mag-isa, pinagmamalaki niya nang bongga sa mga kakilala niya na parang nabigyan ako ng Nobel Peace Prize o napili ni Kuya Germs para maging co-host sa Walang Tulugan.

Pero para sa akin, feeling ko lagi lang siyang kontra sa gusto ko.  Feeling ko para siya ‘yung total opposite ng fairy godmother sa buhay ko.  Well, actually, siya ‘yung bida, tapos ako ‘yung evil stepmother.

Pero halos lahat naman ng kontrabida, sa kahit anong teleserye, binibigyan ng eksena at chance na lumambot at umiyak.  Para mas touching, para mas maapektuhan ‘yung mga manonood.

Pangalawang araw ko nun sa unang part-time job ko.  Cashier ako, at ate ko ang nagtetrain sa’kin.  Akin ang cash register, siya ang taga-bag ng mga groceries.  Ngingiti, babati ng “how are you?”, sasagot ng “I’m fine” dahil tatanungin ka din ng customer, magbibilang ng bayad at sukli, ngingiti, at magte-thank you.  Akala ko wala nang mas hihirap pa sa mabilisang pagdidistinguish sa mga coins ng amerika at pag-aadd at pagma-minus para tamang sukli ang maibigay ko.  Meron pa pala.

Lumapit ang isa sa mga empleyado din na kagagaling lang ata sa pagpapahinga sa labas ng tindahan.  May sinabi sa ate ko sabay turo sa may intersection na malapit lang sa pinagtatrabahuhan namin.  At umiyak na ang ate ko.

Naaksidente daw ang tatay ko.

Hindi ako nakaalis sa pwesto ko ‘nun dahil hindi pa tapos ang shift ko at mahaba ang pila ng mga customers.  Mahirap pala ang mabilisang pagdidistinguish sa mga coins ng amerika at pag-aadd at pagmaminus habang umiiyak.  At mas lalong mas mahirap palang sumagot ng “I’m fine” sa tanong na “How are you?” kung hindi ka naman talaga ok dahil hindi mo sigurado kung ok ba ang tatay mo.

Walang nangyaring masama sa tatay ko dahil sa bandang likod ng driver’s seat tumama ‘yung sasakyang bumangga sa kanya pero alam ko na isa ‘yun sa mga paramdam ni Papa God para magpakatino na ako at ire-align ang mga prinsipyo ko sa buhay.  Alam ko na ‘yun na ‘yung chance ko.

Pero dahil matigas ang ulo ko, ayokong isipin na meron dapat na turning point ang buhay ko at ‘yun na ‘yon.  Ayokong magchange character at costume dahil may nangyaring ganung ka-cinematic na malamang magiging climax ng kwento ng buhay ko sa MMK.  Hindi ako nagbago dahil magiging hindi na ako ‘yun.  Baka masuka hindi lang ako kundi pati na din ang tatay ko.

Alam ko na ok na siya na ganito ako, kahit na para akong may imaginary superpowers na nagrerepel lagi sa effort at pagke-care niya, parang keber naman siya.  Pero sa tuwing sinasabi niya sa’kin na “ganyan na ganyan din ako sa mga magulang ko nung bata ako”, napapaisip ako na baka sa kahuli-hulihan, nasa kanya pa rin ang alas at ang huling halakhak, ala Donya Margaret.

Happy father’s day sa tatay ko at sa lahat ng tatay out there.  Alam ko na para akong living kontrabida pero basta, ‘yon na ‘yon.  Ayokong maging macheesy, nakakaumay ‘yon.  Pero kahit ganito ako, alam ko naman nang maswerte ako na siya ang tatay ko.  Sa tulad kong ‘to, matagal na dapat akong nasabon, napagalitan, napalo, nagrounded, at, higit sa lahat, sinukuan… (there goes my inner cheesyness).  Happy father’s day!