Boybands

Nagconcert pala kagabi sa Pinas ang A1, Blue, at isang member ng 98˚.  Sa kasamaang palad, di na sila kilala ng mga bagets ngayon dahil puro Justin Bieber-like at KPop na ang uso.  Buti na lang talaga, napili agad ako ni Papa God noon nung nagpaaudition siya ng mga batang ipapanganak nung late late 80’s/early 90’s, thanks to my biboness bilang egg cell.  At dahil nostalgic ang pagpaparamdam ng mga boybands lately, magrereminisce ako ng mga kinahumalingan kong pop group noon.  Dear kids, eto ang mga boybands na namiss nyo.  Sikat na sikat sila noon kahit walang Youtube, Itunes, Facebook, at Twitterrrr. Imagine-nin kung gaano kachallenging maging fangirl noon.

NSNYC

Favorite member: JC Chasez

Least favorite member: Lance Bass

Muntik nang naging least favorite member: Justin Timberlake (dahil sinolo nya halos lahat ng kanta nila sa 3rd album kahit na parang inipit ng pinto ang boses at mga ungol niya)

Most gasgas song everr: This I Promise You

Pinakapanalong music video: Bye, Bye, Bye

Most favorite song: I Drive Myself Crazy

Trivia: May double si Joey Fatone sa buong music video ng Pop (di ko yan ginoogle ha! napanood ko yan noon sa Making the Video sa MTV <– whutever happened sa show na yan, sayang)

Hindi ka fan kung hindi mo alam: ang meaning ng “NSYNC”

98˚

Favorite member: Jeff Timmons

Least favorite member: Jessica Simpson este Nick Lachey

Masarap kantahin sa karaoke: wala masyado.. pero pwede na ang The Hardest Thing

Most gasgas themesong everr: I Do Cherish You

Most favorite song: Still

Pwedeng sayawin sa school program: Because of You (true story ito, 2 beses pa to nangyari nung elementary ako)

Hindi ka fan kung hindi mo alam: kung meron bang magkapatid sa kanila at kung sino yun sa kanila

Trivia (sakin walang kokontra): 98˚ and Rising <– unang album na pinagtyagaan kong pakinggan ng paulit ulit hanggang maisulat ko ang lahat ng lyrics.  Ganun ako kakuripot, maski songhits namamahalan ako.

O-Town

Most favorite member na handa kong pakasalan noon: Jacob Underwood

Least favorite member/s: the rest

Most gasgas song everr: All or Nothing

Most favorite song: The Painter

Trivia: May “comeback” album silang ginagawa since January 2011 pero 4 na lang sila, minus Ashley Parker Angel (trivia donated by google)

Hindi ka fan kung hindi mo alam: kung sino sa kanila ang hindi “original” member  at ‘di parte ng grupo pagkatapos ng mahabang pilian sa “Making the Band”

Backstreet Boys

Most favorite member: Brian Littrell

Next favorite member/s (close 2nd): the rest

Tsismis na muntik ko nang paniwalaan: babae si Nick Carter

Masarap kantahin sa videoke (solo): I’ll Never Break Your Heart

Masarap kantahin sa videoke (group): Quit Playing Games with My Heart

Most favorite music video: All I Have to Give

Most kilig part ng isang music video: patagilid na ngumiti ni Nick sa I Want It that Way (wag manghusga, bata pa ako kaya mababa pa ang kilig standards ko noon)

Most favorite song: Like A Child

Most gasgas song everr: Wala!!!!!! (<– walang bias yan)

Hindi ka fan kung hindi mo alam: kung sino ang magpinsan sa kanila

Trivia: Sa music video ng As Long as You Love Me nakilala ni Brian ang asawa niya (ang chismosa ko lang)

Special Mention: F4

Favorite member: Vic Zhou a.k.a Wat si Lei (walang pakialamanan sa spelling!!!)

Most gasgas song ever: LAHAT!! (oha bongga!!).  I-invade ba naman ang MYX 24/7.

Hindi ka fan kung hindi mo alam: ang mga pangalan nila sa Meteor Garden (tatalupan ng balat ang ‘di makasagot)

P.S. Kulang na kulang pa yan.  Meron pang: New Kids on the Block, Boyzone, Westlife, A1, Blue, LFO, Hanson, Five, at marami pang iba.  ‘Di lang ako masyadong fan.  Pero deym, andami palang choices noon.  Ngayon, ang limited ng choices ng mga bagets, poor kids!!

P.P.S. Sa tingin ko hindi boyband ang Boyz II Men kaya di ko sila sinama.  Masyado silang winner para ibilang na boyband.

Theme Song

Nabasa ko sa blog ni Chico (kung di mo kilala si Chico ng The Morning Rush, panahon na para i-assess ang sarili at sukatin ang angking sense of humor, 1, 2, 3 go!) na kung ano daw ang #1 song nung linggo kung kelan ka ipinanganak, ‘yun daw ang magdidikta sa theme ng buhay mo.  At dahil sadyang mapagpatol ako sa mga ganyang bagay at kung anu-ano pang “alam mo ba”, ginoogle ko agad at eto ang kanta ng buhay ko plus the maangas music video.

 

Hindi ko naabutan ang kasikatan ng New Kids on the Block pero alam ko na cool sila noon, na parang Justin Bieber times 5 plus the looks at tunay na dance moves.  Kaya sa tingin ko, itinadhana akong maging kasing-cool nila.  (At ang galing lang na nagtotour pa din sila ngayon kasama ng sinasamba kong Backstreet Boys.  Feeling ko mahihimatay ako kapag nakanood ako ng show nila, spell and define OA).

“Hangin’ Tough” — para sa mga bully, kontrabida, palaban, nagpapakastar, matibay ang loob, ma-muscles, aktibista, sa mga paborito ang “Babangon ako’t dudurugin kita”, kunwari hindi cheesy, sa mga positive ang tingin sa buhay, at sa mga Katipunero o nagfifeeling na bff ni Andres Bonifacio.

 

Feeling ko ako lahat ‘yan bukod sa isa, kung anuman yung hindi belong, sikreto walang clue, bawal ang sirit.  Pero kahit na baka hindi naman totoo na ‘yan ang theme song ng buhay ko, pipiliin ko pa ding maniwala para masaya.  Kung mas cool ang kanta ng buhay mo, ‘wag nang ipagyabang dahil hindi ako maiinggit.  Pero lagi nating tandaan na malaki ang lamang natin at may karapatan tayong tumawa ng malakas at everlasting sa mga batang ipinanganak mula nang sumikat si Justin Bieber (2009-current) at kung anu-ano pang kanta na mas madalas pa ang “aaaaah oooooh aaaaahh ooooohhh” kaysa sa words na may malalim na meaning o symbolism.  Sarilinin na lang ang examples dahil masyado silang madami.

 

Goodluck sa pagharap sa theme song mo.  Sana hindi malala ang sa’yo.  Tandaan mo na pwedeng namang hindi maniwala, at pwedeng ikaila *wink*

1, 2, 3, sing!

Isa sa mga tinatago kong pangarap sa ilalim ng kama ko ay ang maging artista.  Bukod sa tanungin ako sa kung ano ang masasabi ko sa pagkapanalo ni justin bieber bilang artist of the year sa American Music Awards nung Linggo, gusto ko kasing interviewhin ako kung ano ang top 5 awesome-st Pinoy songs para sa akin.  Sa maniwala ka’t sa hindi, matagal ko na itong pinagisipan at sobrang praktisado na ako, promise.

5.  One Look  (by Kjwan)

Isa sa mga nakaka-good vibes na kantang narinig ko sa buhay ko.  Simpleng lyrics, simpleng beat, saktong trip.  Masarap ‘to pakinggan kapag nasa beach ka o kahit habang naglalaba ka sa batis.  Kapag nalasing man ako someday at pinilit akong pakantahin sa videoke (o kahit sa stage pa), ito ang gusto kong kantahin ko.

4.  Nasaan Ka (by Pupil)

Malinaw na tunog, matinding emosyon, distinct ang kantang ‘to at ang music ng Pupil.  Nakakakilabot ‘yung rhythyms, melody at kombinasyon ng bawat instruments.  Tipong kung may background music ang sa panaginip ko, gusto ko ito ang kanta.  Hindi ko lang sigurado kung katulad lang ba ako ng karamihan na may hangover pa din sa mga nota at lyrics na iniwan ng Eraserheads  at naririnig ng mga tenga at puso ko ang Nasaan Ka, Monobloc, Dianetic, at Sala na para bang nabalik ako nung 1990s.  Siguro nga may epekto ‘yun sa akin, pero sa tuwing naririnig ko ang kantang ‘to, naiisip ko na kahit na laos na si wowie de guzman at jimgirl na si jimboy wala ng sumunod na Eheads sa mundo ng mga tulad ko at wala ng nakapantay sa Pare Ko, narerealize ko na hindi pa patay ang OPM, hindi pa.

3.  Castaway (by Franco)

Madalas sabihin ng mga Pinoy kapag nakakarinig tayo ng mga magagaling na banda na hindi pa natin kilala, “Uy, ang galing ah, parang foreign band.”  Syempre, dahil hindi na ako nakapag-isip at ‘di ko na napigilan ang reaksyon ko, ‘yan ang unang sinabi ko ng una kong marinig ang Franco.  Pero sa totoo lang, iba naman ang wavelength ng tunog ng Franco (at ang marami pang banda sa Pinas).  Alternative rock pero hindi maingay, malalim ‘yung emosyon nung mga kanta nila pero hindi nakakadilim ng paningin sabay /wrist, nakakaubos ng vocabulary ‘yung mga lyrics nila pero swak pa din yung bawat salita sa tono, hindi nakakasawang pakinggan.  Isa ‘to sa paborito ko sa album nila dahil nakakarelate ako sa pahiwatig nung kanta: Step to the farthest side of my dreams Be careful of what you might see So careless inside I’m dying Slowly. Sabi nung bokalista nung Franco na si Franco, sinulat niya ang kantang ‘to nung nasa States siya at nahohomesick.  Sa totoo lang, Survivor ang unang pumasok sa isip ko nung unang beses kong marinig ‘to oh yes minsan palyado ang logic ko.  At dahil napahiya naman ako sa sarili ko, pinakinggan ko ng paulit ulit hanggang sa mag-sink-in sa akin ‘yung kanta.  Epektib pala.  Kaya kung sasali man ako sa American Idol, ito ang theme song ng buhay ko, wanted: voice coach and text voters.

2.  ‘Wag ka nang Umiyak (by Sugarfree)

Napapangiti ako sa tuwing napapakinggan ko ‘to.  Feeling ko kasi totoong totoo ‘yung offer nung kanta sa akin na ‘wag na akong umiyak dahil hindi niya ako bibitawan.  Hindi ako macheesy na tao pero sumasagad sa brain cells ko at sa puso ko, kahit na occasional lang ang pagtibok nun, ang bawat salita nung kanta.  Isa rin ‘to sa pinaka-panalong music video para sa akin at kung matutupad ang pangarap kong maging isang director, ito ang gagawin kong sukatan kung may saysay ba ang pinaggagawa ko.  At kung dadating man ang araw na maging cheesy na din ako, gusto ko maging kasing worth it ng kanta at music video na ‘to ang existence ko.

1.  Minsan (by Eraserheads)

Ito ang nagpapaalala sa akin sa isa sa mga frustrations ko: ang tumira sa Kalayaan sa UP.  Kung bibigyan ako ng 2nd chance na ulitin ang freshie days ko, wala akong babaguhin kahit na ang pagkuha sa badminton class na nag-jumpstart ng exponential decay na acad life ko noon BUKOD sa pagsubok na magdorm.  ‘Yun nga lang maraming magbabago siguro sa akin; hindi ko mararanasan ang makulay na buhay sa Krus na Ligas at hindi ko makikilala ang mga roommates ko.  Siguro totoo ngang lahat ng nangyayari ay may dahilan.  Karugtong na din nung pagpapaalala sakin ng Minsan sa pangarap kong kantahin ‘to sa farewell party sa Kalai, sa tuwing naririnig ko ‘to naiimagine ko lagi na nakatambay ako sa Sunken Garden pagkatapos ng isang matinding hell week o nakasakay sa Ikot suot ang maalikabok kong tsinelas at mga paa.  Kaya sa tuwing emo ako, ito ang outlet ko para maalala ang UP at LAHAT ng taong nakasama ko dun.  At sigurado ako na ganun din ang ginagawa ng Eraserheads kapag emo sila.

Alam kong kulang pa ‘to.  Hindi bale, kapag naging artista ko, sisiguraduhin kong higit sa 5 ang ibibigay ko, promise.