Nagbakasyon uli ako sa Pinas, pero this time, kumpleto na kami ng pamilya ko. Masaya dahil sa mga loved ones, sa pagkain, at sa maraming bagay na nahahawakan at hindi nahahawakan. Sa halos tatlong linggo ko dun, marami-rami akong natutunan at narealize. Kung nais malaman (at nais ma-enlighten by me), magsayang ng oras at basahin ang blogpost ko.
- Iwasan ang stress at pagka-irita sa buhay.
Naiwanan kami ng flight namin papuntang Bohol (dahil sa Park ‘N Fly) at muntik nang mag-ala Claudine Barretto ang ate ko sa NAIA 3. Hassle. Sayang ‘yung pera, ‘yung isang araw na nawala sa bakasyon namin, at ‘yung pagod ng ate ko sa pagpaplano. Plus, dagdag stress pa sa’min. Nakakahinayang at nakakainis. Pero naging ok din naman kami. Nag-enjoy pa rin sa bakasyon na sinimulan na lang namin officially the next day.
May mga ganung araw talaga na nasisira ‘yung plano at expectations mo dahil sa joined forces ng takbo ng buhay/ ugali/plano ng ibang tao, ng weather, ng tadhana, at ng plano ni Papa God (pwede ka bang isama sa reasons Papa God? pls reply. hehe). Pero ‘di na rin minsan makakatulong kung magsisisihan, maiinis, magmumukmok, at mabubuhay ka sa mga what if’s. Mas ok kung mag-iisip na lang muna ng plan B at magmove-on. Bumagsak sa exam? I-treat ang sarili ng kung anumang pinakapaborito mong gawin, ‘wag lang illegal. At mag-aral na lang uli sa susunod na exam. Sinabihan ka na tumaba ka? Ngumiti at saka siya daganan chos. Nafriendzone? Maging mabuting kaibigan.
Alam ko na marami pang mas malalang scenario sa buhay. ‘Di ko na alam kung anong solusyon kapag mas mabigat na problema na. For more inquiry, talk to God. or to Manny Pacquiao.
- Nakakaaliw ang “3 Idiots”.
Kung hindi mo pa napapanood ‘yun, pwes, gusto kong mafeel mo na wala kang kwenta… as in parang botang may butas sa taong ayaw mabasa ang paa laban sa susuunging baha, ganung level… hahaha chos lang! Pero seryoso, panoorin mo. Nakakaaliw siya at higit sa lahat, nakakainspire. Sana lahat tayo katulad ni Rancho, ‘yung bida sa pelikula, ‘yung alam kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay? saka ‘yung kayang mambara ng professor at epal na classmate? Walang kasing cool! Dear God, kung ‘di ako pwedeng maging katulad ni Rancho, balatuhan mo na lang ako ng isang kaibigang katulad niya, iaalay ko ang mga kaibigan ko, kahit silang lahat pa, medyo may depekto lang ‘yung iba pero madadaan naman siguro sa training at seminar para pumasa silang angels mo, ano? deal?
- Walang kasing galing ang mga piloto ng PAL.
Bilang isang nilalang na may mga kapatid na malaki ang trauma sa pagsakay ng eroplano, maniwala ka sa’kin!
- Matutong ngumuya. huwag ipagkait sa ngipin ang kanyang essence of existence.
Masakit makalunok ng balat ng lumpiang shanghai. Try at your own risk.
- Tumae kung natatae.
Dahil nga nakalunok ako ng balat ng lumpiang shanghai, umalis ako ng bahay na saging at tubig lang ang nakain unggoy lang ang peg. Pagpasok sa bowling center sa MOA, ramdam na ramdam ng katawan ko ang temperature gradient (gradient = mukha bang tanga kapag nagpapasok ng mga ganyang salita once in a while? wahahahaha). Dahil ang luwang ng tshirt at shorts na suot ko nun, ang tindi ng himas ng lamig ng aircon sa tiyan ko. At ‘yon na. Totoo pala ‘yung sa mga commercials no? ‘Yung mapapatigil ka sa isang spot at ayaw mong gumalaw kasi isang galaw mo lang mapapahamak ka? Biglang nagflashback ang mga kilala kong napatae sa salawal nung kinder at elementary, “ngayon naiintindihan ko na kayo guys.. group hug”. For the record, di naman ako napatae sa salawal (kung oo, aamin ba ako? lels). Pero seryoso, hindi nga. Pero wala na akong nagawa kundi jumebs sa public restroom kahit na taliwas ‘yon sa mga prinsipyo ko sa buhay. Keri ko naman palang gawin ‘yon, at ‘di naman pala ganun kahirap. Hindi kami natuloy magbowling ‘nun (kaya ‘wag kayong maka-eeww dyan, dahil ‘di ko hinawakan ang mga bowling balls sa MOA after jumebs) pero umuwi ako nun na magaan ang pakiramdam. Lumiwanag ang kapaligiran, lumamig lalo ang dampi ng hangin, at lumuwang lalo ang suot kong shorts, parang na-redefine ang buhay ko dahil lang sa paglelet-go ng kahihiyan at tae. Oh, the wonders of life. Kaya, my dear friends, kung natatae, tumae.
- Masarap ang isaw kahit basa.
Minsan lang ako makauwi sa Pinas kaya ninanamnam ko ang bawat pagkakataon kapag nakakauwi nga ako. Kalimutan ko na ang mga kaibigan at ate ko (charot!!) pero hindi ang isaw sa diliman. Pagkatapos ng maghapong paglalakad at pagmumuni-muni, wala pang alas tres, nakaabang na kami sa may UP Law, tinatanaw ang pagdating ng anino ng kahit na sino. Dumating ang nagttinda ng fishballs, kwek-kwek, at ice cream kaya sign na ‘yon na nalalapit na si Mang Larry, ang nagtitinda ng pinakapanalong isaw. Nang biglang bumuhos ang ulan. Dumating na din si Mang Larry, topless pa. Pati ang mga assistant nya, nagshow-off din ng abs. Pero dahil medyo malayo-layo ang pwesto nila at ‘di na kami makagalaw sa kinauupuan namin dahil ang liit ng dala naming payong, sa mas malapit na stall na lang kami naka-order ng isaw (infairness, masarap!). Kahit putikan na ang mga paa namin at medyo natutuluan na ng ulan ang baso ng suka namin, lasap na lasap ko pa din ang sarap ng tae sa bituka ng manok at ang overflowing abs sa natatanaw naming stall ni Mang Larry. Isaw experience: fulfilled!
- Isang busina ka lang!
Ipupusta ko ang buhay ni Justin Bieber, pinakamadiskarte sa lahat ng drivers sa buong mundo ang mga nasa Metro Manila. Sa states, may red light, yield, stop, at konsepto ng right of way. Simple, parang yes or no lang, walang partial points at gray area. Mas nakakarelate ako sa ganun pero sa tingin ko ang cool ng takbo ng mga sasakyan sa Pilipinas. Mantakin mo, parang may maze lagi tapos hindi ka pwedeng sumuko dahil wala ka namang magagawa dahil kahit saang kalsada ka pa dumaan, ganun din ang lagay. Bawal ang weak dahil aabutin ka ng sampung taon bago ka makakarating sa pupuntahan mo (e kung date ‘yon, e di, dyahe di ba?). Tapos unang magbusina, dibs! Walang kasing cool, parang game show ala quiz bee, unang magbuzzer ang syang pwedeng sumagot. Kaya sa lahat ng Pinoy drivers out there, wala man sa traffic rules minsan ang ginagawa nyo, virtual high five tayo! Sa susunod na may mag-cut sa’kin at mangbully na driver dito sa amerika, ipapatapon ko s’ya dyan sa Pilipinas, kayo na ang bahala sa kanya, ok?
- BE REAL.
Ako na lang ang hindi malabo ang mata sa pamilya namin. Well, ‘yun ang gusto kong isipin. Natapos ko ang second to the last sem ko nung May nang nanghuhula sa nakasulat sa board o sa projector screen at nakapasa naman ako sa multiple choice-quizzes ko sa Socio (epekib at masaya pala ‘yung eenie-meenie miney moe). Pero dahil na rin sa mga taong nagsasabi na kailangan ko na talagang magsalamin lalo na dun sa kumuha ng order ko sa Red Ribbon na after kong magtanong kung ano ‘yung nakasulat sa menu screen dahil masyadong malayo ay sinabihan ako at ini-stress maigi sa puso ko ang “ay malabo na mata nyo mam?“, nagpasukat na ako ng salamin nung nasa Pinas ako. Ang sarap pala ng feeling na nakakabasa ka na ng maliliit na letters kahit malayo at nakikita mo ang pimples ng mga tao sa paligid. Tapos hindi na ako mukhang bastusin kasi mukha na akong attorney, ‘yun talaga ang target ko sa bawat araw na ginawa ng Diyos e. Ok din ang salamin kapag inaantok na ako at biglang dumating ang boss ko, ‘di halatang kakahikab ko lang. At higit sa lahat, naovercome at napatunayan kong ‘di pala totoo ang isa sa mga greatest fears ko sa buhay, na baka maging kamukha ako ni Charice kapag nakasalamin na ako.
- Laos ang internetz kung masaya ka in real life.
Wala akong ibang ginagawa sa bahay kapag wala ako sa school o sa work kundi makipagbonding sa computer. Twitter. Facebook, WordPress, Tumblr ni Ramon, blogs ng kung sino-sino, showbiz news portals, pati yahoo homepage. Kaya updated ako sa mga bagay bagay, kahit mga nonsense lang. Updated din ang internet sa buhay ko na kahit pagka-amaze ko sa outfit ni Kuya Germs sa Walang Tulugan ay tinutweet ko pa. Pero nung umuwi ako sa Pinas nung May, hindi ako masyadong nakapaginternet kahit na may chance 24/7. Hindi ko hinanap at hindi ko masyadong namiss. Ganun pala talaga kapag ineenjoy mo ang buhay with friends and family. Di mo na masyadong maiisip na magsayang ng oras online dahil nga hindi naman kailangan at saka less fun.
Pero para sa mga tulad ko na medyo locked up abroad at ang internet lang ang sagot sa pagkahomesick, ok lang magbabad maghapon at magdamag, go lang. Sa mga nasa Pinas, wala namang masama kung lagi kang online, sayang naman talaga lalo na kung may free wifi. Pero siguraduhin na kapag nabigyan ng chance na makasama ang mahahalagang tao sa buhay mo, namnamin ang presence niya/nila. By namnamin, pwedeng figuratively o literally (‘wag nang magbigay ng example ng action words).
As always, na-enjoy ko ang bakasyon ko sa Pinas. Kapos pero masaya. Kaya thank you sa lahat! I miss you too (syempre inaassume ko na miss na miss nyo na ako). ‘Til next time! ♥