Buod.

2011 na.  Kung tutuusin parang ang futuristic na ng tunog kapag may nagsabi sayo na pinanganak sila ng nung 2001 or mas late pa dun.  Nung bata ako parang nasa iisang equation lang ang mga robots at ‘yung year 2000.  Akala ko nga na-reincarnate na tayong lahat by this time.  Parang totoo nga ata ‘yung time flies.  Kung hobby mo ang tumulala, malamang lumipad na din ang napakaraming chances sa harap mo ng ‘di mo namamalayan.  At sana hindi ako ganyan.

Wala akong inofficial na new year’s resolutions ko para sa 2010.  Nakakapressure kasi ‘yun saka parang hindi naman magiging taos sa puso ko kung magbabagong buhay na ako, pero dahil sabi nga kasi ng karamihan, new year, new dapat ang lahat.  Never ko pang napapangatawanan ‘yan.  Kadalasan, kapag may plano akong gawin, hindi ‘yun natatapos dahil nakakaisip ako ng ibang mas masayang plano, on the spot.  At saka gusto ko kasi may kasabay na pagliliwanag ng kalangitan realization moment, ‘yung tipong feeling mo binatukan ka ng guardian angel mo, ang pag-shift gear ko sa buhay ko.

Dahil wala nga akong to-do list nung 2010, hindi ko mararank ang sarili ko kung naibalik ko naman ba sa mundo ang pakikiagaw ko ng space at oxygen sa ibang tao, o sadyang sagad na ang humankind contribution ko sa pagdagdag ko ng kalat sa world wide web.  Pero kung tutuusin, mas ok na din dahil wala akong pruweba para sabihing nabigo akong tuparin ang mga favor ko sa sarili ko.  Moral lesson: ‘wag ng makiuso, ‘wag mag-new year’s resolution kung alam mong ‘di mo naman gagawin, mahirap umasa, masakit paasahin ang sarili, nakamamatay.

Pero seryoso, pinakamasaya na, so far, ang 2010 simula ng magpaka-stateside na kami.  ‘Yun nga lang, kapag nagyabang ka kasi talaga ng “this is the happiest day of my life” o kaya “best year of my life“, depende pa din sa definition ng masaya bago tuluyang mainggit ng todo ‘yung yayabangan mo.  Kung hindi man pasok ‘yung 2010 mo sa pinakamababang estado ng kasiyahan, pwes, ibaba mo ang standards mo ng kasiyahan.  O kaya level-an mo na lang ang 2010 ko.

1st time kong…

  • pumasok sa klase ng walang kamalay-malay na may exam pala.  Mula bumbunan hanggang talampakan ko ay may bahid ng ka-GC-han (grade conscious), kaya imagine-nin mo na lang ang pagguho ng mundo ko ng marealize kong may exam pala 5 minutes bago dumating ang teacher ko.
  • mag-english dito sa wordpress blog ko. #majornosebleed ITO
  • manood ng isang football game sa TV, at tinapos ko ng hindi ako nakatulog o nagutom o naubusan ng dugo.  Bukod sa pageenglish, nakakanosebleed, sa tingin ko, ang kahit anong sport.
  • ubusin ang buong linggo ng bakasyon kakatutok sa football channel at hindi sa TFC (The Filipino Channel).  Dinudugo ako kapag hindi ako nakakanood ng TFC dahil vitamins ko ang makarinig ng ibang nagtatagalog bukod sa mga tao sa bahay namin.  Ngayon, nadagdagan na ang vitamins ko.  Kailangan may makita na akong sumisipa ng bola. at pareho ko pa silang pwedeng tawaging TFC
  • mag-take ng isang major subject (with lab pa) ng walang classmate.  Mega bonding with teachers. syempre, may blog post din ang experience na ito.
  • mag-dance revo (o kung anuman ang tawag nila dun) sa loob ng mall.  O yes, kung kelan hindi na ako teenager.
  • mag-park sa school ng walang parking permit. (at sadyang pinagpala talaga ang 2010 ko dahil hindi ako nahuli ng pulis, aleluya)

Hindi man first time, pero, after x years…

  • nakagamit uli ako ng microscope.  2nd yr hs pa ako nung huli akong nakahawak ng microscope, tapos old school pa, ‘yung kailangan mong maghanap ng sunlight na magrerefract  sa lens. FTW. (note: ‘yung featured image ng blogpost na ito ang unang pinicture-an namin sa optical microscope, double dead ipis)
  • mag-heels sa school, pero hindi para lumandi kundi para magpresent ng project.
  • magpaka-fan muli.  Kung nung bagets ako, may yahoogroups, ngayon may facebook fanpage na, pero di ako active member ng kahit anong grupo (as of now), ni-like ko pa lang.
  • magbasa ng tagalog na libro (Kapitan Sino, Para kay B), pasalubong mula sa heaven.
  • makakain ng Inipit at Lengua de Gato, isa pang pasalubong mula sa heaven.
  • makitang mabuhay ang mga elementary friends, sobrang nostalgic.  Para silang check-list ng buhay ko, success-o-meter ng mga pangarap ko nung bagets pa ako at classmate ko pa sila.

Marunong na akong…

  • maglaro ng blackjack!!!!
  • ———
  • ———

Ang sakit sa puso.  Wala akong ibang maisip na natutunan ko bukod sa maglaro ng blackjack.  Bilang hindi dapat counted ang academic learning sa gusto kong iparating na bago sa mga “alam ko” na sa buhay, wala na talaga akong pwedeng idagdag pa.  Sinubukan kong mag-aral ng Spanish, pero hindi ko natapos.  Ok din sana kung nag-aral ako ng kahit man lang luksong-baka para masabi ko lang na may bago akong alam na pwede kong ipagyabang.

Pero kahit palpak ako sa mga “bagong” alam kong gawin sa buhay ko, masaya pa din ako sa kinalabasan ng 2010 ko.  Andami ko pa ding narealize at dapat ipagpasalamat.

Thank you dahil…

  • nakilala ko ang Azkals (Philippine National Football Team) at naramdaman kong malaki pala ang kulang sa buhay ko dahil hindi ko naappreciate ang football noon, at mas malaki pa ang mawawala kung hindi ko susuportahan ang buong team NGAYON.
  • nakapasa ako sa lahat ng subjects ko, sariling sikap.  Dati, maski homework sa Math 17, kinokopya ko pa.  Sigurado ako na magiging proud sa’kin lahat ng kaibigan ko sa diliman na naging “mentor” ko at pati ‘yung mga naging “cheatmates” ko.
  • nalaman kong buong pusong gagawin ng 2 professor ko ang letter of recommendation ko.
  • hindi pa din nagsasawa ang mga kaibigan ko na makipagkwentuhan sa’kin online.
  • nakapagsulat ako ng BLOG na may nakarelate.  Ang sarap sa pakiramdam at sobrang nakakataba ng puso.
  • dahil hindi pa ako tuluyang nababaliw at nadidistract sa buhay.
  • dahil buhay pa ako at patuloy ang pagtupad sa pangarap kong maging isang engineer at isang writer.

Parang dumaan lang ang 2010.  Pero kahit dumaan lang siya, ramdam na ramdam ko ‘yung bawat moment na naging masaya ako.  At lahat ng moments na ‘yun, baon ko na sa 2011 at sa susunod pang mga taon.  Totoo nga na time flies.  Time lang ha, hindi ikaw.

4 thoughts on “Buod.

  1. ang saya naman ng 2010 mo, starlet. 🙂
    hohoho. Math 17. FTW. haha. it was the bane of my existence nung new freshman pa lang ako.

    p.s. may natutunan na rin akong card game last year. kauna-unahang at kaisa-isa pa ring card game na natutunan at alam ko: 1-2-3 pass. ang loser. >.<

    • nafeel ko ang pagka-warm ng welcome ng UP dahil sa Math 17. haha

      in all fairness, pinakamasayang card game yan!!! fun to the highest level, hindi pa kailangang tahimik at seryoso (ay minsan pala sineseryoso ko ang 1-2-3 pass, career?).

  2. wahhh. nakakainggit ang taon mo! seryoso. hahaha. 🙂

    una, di ko alam kung pano laruin ang blackjack. hakdog! namiss ko din gumamit ng microscope. at di ako marunong magdrayb! hahaha. 🙂

    whee! good luck ng gepong gepo sa 2011 mo. 🙂

    • ikaw lang ang nainggit sa 2010 ko, dahil dyan pagpapalain ka ngayong 2011! LOL wag kang mag-alala, hindi naman masyadong kawalan ang blackjack sa buhay, mas aliw ang 1-2-3 pass at ungguy-ungguyan. at mas masayang maupo sa passenger seat kesa sa driver’s. goodluck din sa 2011! 😀

Mag-iwan ng puna